Lost Chapters of Spaces to fill: Third Point of View: Jhas
"Rejection"
After Epilogue
Jhas' POV
"Alam ko naman na hindi na kailangan ng madramang message para sa ikinasal.. masyado nang madrama ang kwento nila at ngayong happy ending na kayo wala ng madramang mga salita pa.. pero ito na lang ang hinihiling ko.. sana kung may problema man kayo gaya ng dati hawak-kamay nyo pa din sosolusyunan ang lahat.. Aidan and Iexsha.. masayang-masaya ako para sa inyo dahil nakuha nyo na ang Happy Ending nyo" tapos noon ngumiti ako at inabot ang mic sa mc at bigla na lang ako nilapitan ni Iexsha at niyakap..naiiyak na sya noon
"Salamat Jhas"
niyakap ko din sya "ano ka ba?Maid of Honor mo ako.. trabaho ko magbigay ng message.." nilayo ko ang sarili ko sa kanya at pinunasan ang mga luha nya "sayang ang mascara! tahan na" tumango sya at umupo na para pakinggan ang sasabihin ni Yueh na Bestman nila.. ako naman pupunta na sana sa table ko kaso mas pinili kong umupo sa may table ng mga kabarkada namin"hi" nasabi ko na lang.. nasa table ngayon si Denise, Telli at Kristel
lahat sila ngumiti sa akin "Ang ganda ng message mo..maikli pero malaman" sabi ni Denise
"ayoko kasi ng masyadong madadrama" sabi ko. tapos tumingin ako kay Telli "si Johan?"
"papunta na dito..di kasi nya maiwanan ang work nya pero dahil malakas sa kanya si Iexsha, nag-undertime sya"
"Kailan ba ang kasalan nyo ha Telli?"
"Di naman kami kasing yaman nitong sina Iexsha..saka na kapag nakapag-ipon na kami..ang importante.. Engage na kami.. teka, kayo ba ni Seth?"
nakita kong nag-pout si Kristel "di nga yun nagyayaya!"natawa si Denise "hoy!sabihin mo agad kapag gusto nyo na magpakasal..magdadiet muna ako ng bongga..baka di ako maganda sa Maid of Honor dress ko..buti pa itong si Jhas..ganda lang!"
"sira..kailan ba ako naging maganda? nabubulag ka lang!"
"hindi ah! heto talagang si Jhas di pa din nakikita ang ganda nya..right gals?"
"tama si Denise, Jhas.. maganda ka.. inside and out.."
"ano ba kayo..wala naman akong pakialam doon.. ang importante sa akin masaya ako" tumango lang sila sa akin tapos nag-usap na sila..mas pinili ko tumahimik at tumingin sa paligidang daming nandito..sa Manila Legacy hotel ang Reception.. sponsor si Raph, yung kaibigan ni Iexsha na Vice-President dito.. yung pinakamalaki nilang hall ang gamit..nakikita ko sya kasama yung Ate Sam ni Iexsha.. Andito din yung mga taga-Asian Peace Association.. pati yung mga taga-SJBU at yung mga kaklase namin sa Highschool.. ningitian ko silang lahat
gaya ng dati..
nakita kong binabatukan ni Aidan si Yueh..napahaba ata talaga ang message nya..okay lang yan..siguradong pinilit sya ni Marriel na habaan ang sabihin at hindi puro panlalait kay Aidan..
tumingin-tingin pa ako sa paligid hanggang sa makita ko na ang hinahanap ko
Wearing an Americana..nakatayo lang sya malapit sa Principal table..nakangiti habang tinitingnan ang bagong kasal..
pero alam ko at alam nya na hindi sya ganung kasaya
gaya ko..
"si Shiloh ba tinitingnan mo?" narinig kong bulong ni Denise
"oo" ayoko na magsinungaling pa
"ganun pa din ba?mahal mo pa din sya?"kahit tanggap ko noon pa ang katotohanang yun..parang bigla na naman akong di makahinga "oo"
"Paano kung sabihin mo sa kanya na mahal mo pa sya?"
"anong ibig mong sabihin?"
"well,alam naman nating lahat na mahal nya si Iexsha..pero napalaya nya ito..sya pa nga ang naghatid kay Iexsha sa airport..kaya naman baka pwede na?"
"ewan ko..di ganung kadali yun" tapos pinag-isipan ko ang lahat ulit habang tinitingnan syaano Jhas?titingnan mo na naman ba sya sa malayo gaya noon? wala na si Iexsha at wala ka ng karibal sa kanya..ikaw na ang pinakamalapit na pwede nyang mahalin..pero ang tanong
BINABASA MO ANG
Lost Chapters of Spaces to fill
Teen FictionSome hidden parts of Spaces to fill. Read at your own risk