Lost Chapters of Spaces to fill: Fifth Point of View: Aidan
"Pain"
Spaces to fill part 3 chapter 121.5
Paris, France
Aidan's POV
"hindi kita gagawing..bestman sa kasal namin ni Sydney" pinilit ko na light yung tono ko.. kahit parang nangati yung dila ko sa mga sinasabi ko.. pero dapat hindi yun mahalata ni Yueh.. kasi wala syang alam at nanaisin ko na wala na syang alam pa
pero walang sumasagot sa kabilang linya
katahimikan.. alam ko na galit si yueh kaya di na ako magtataka.. pero iba talaga ang katahimikan naririnig ko sa kabilang linya..
tapos para akong kinabahan.. magsasalita pa sana ako ng narinig ko ang boses ni Yueh sa kabilang linya
"IEXSHA!!SINONG KINAKAUSA-" di na ako nakapagsalita pa ng marinig ko iyon
si Iexsha??
parang bigla akong nanghina.. hindi..hindi dapat ganito!!
narinig ko na nagkakagulo na sila.. shit.. "IEXSHA!!MAGSALITA KA!!!" parang narinig ko yung tunog ng nag-aagawan "UI!AKIN NA YAN!!!" tapos nakarinig ako ng parang iyakan sa kabilang linya..umiiyak ang mga kabarkada nya
pero di ko sya narinig na umiyak..
mas ayoko noon..
damn
"Aidan.."
ang tagal kong hindi narinig ang boses nya.. parang piniga ang puso ko.. sobra ko na syang namimiss.. huling beses narinig ko ang boses nya..pinaiyak ko sya
pero ngayon.. ang boses nya..wala ng emosyon.. at alam ko
nasaktan ko sya ng sobra..
"Ie-" pinilit ko magsalita.. hindi ko alam kung bakit ko pa pinipilit..alam ko namang walang mangyayari pero pinilit ko pa din na abutin sya kahit sa boses ko lang
"Pasensya na kung hindi ako si yueh" wag Iexsha..wag.. "nga pala..gusto ko lang sabihin..hangga't kaya ko pa.. best wishes..." unti unti nanghina ang boses nya
kasama ng panghihina ng puso ko..
"IEXSHA!" narinig kong sigaw nila.. gusto ko ding umigaw.. gusto ko sya puntahan at sabihin sa kanya ang katotohanan.. gusto ko..
pero hindi ko kaya..hindi ko magagawa
"SANA MAGPAKASAYA KAYO NG MAPAPANGASAWA MO SA GINAWA NYONG ITO!!ORAS NA MAY MANGYARI KAY IEXSHA..PATAWARIN AKO NI BRO..AKO MISMO ANG PUPUNTA DYAN..AT PAGSISISIHAN NYO..LALO KA NA NA NAKILALA NYO AKO!!!" narinig ko na lang na sigaw sa akin ni Yueh at binabaan na nya ako ng cellphone bago pa ako makapagreact..
BINABASA MO ANG
Lost Chapters of Spaces to fill
Roman pour AdolescentsSome hidden parts of Spaces to fill. Read at your own risk