FANGIRL OVERLOAD: THE BIG REVELATIONS

171 1 0
  • Dedicated kay Tj Monterde
                                    

                                FANGIRL OVERLOAD: THE BIG REVELATIONS

                      Naengganyo na naman akong magsulat. Hayyy, kasi naman inspired ako. Minsan-minsan lang to kaya itotodo ko na!

                     SIKAT AKO! Oo,sikat ako sa pagiging fangirl. Tili rito, kilig doon. Hampas dito, blush doon. Alam na alam na ng mga friends ko ang attitude ko na ‘to. Hayyy, buhay fangirl! Nagsimula lang naman tong ka-OA-han ko sa pagiging fangirl nung nakilala ko si TJ MONTERDE. Sounds familiar? Yes, the one who entertained the televiewers of ABS-CBN Cagayan de Oro’s MagTV Na Ato Ni (at pasigaw na “Tatak Lokal! Tatak NorthMin!”), in which he was one of the hosts together with Maxine Monasterio.

                     Kung naaalala n’yo pa yun (sa lahat ng nakakarelate), eh sure naman akong mas naaalala n’yo rin ang Friendster! ;D And ano naman ang koneksyon nito sa pagiging fangirl ko? Well, just because I was soooo fond of that local show since it has started, I added their page dun sa Friendster. I can still clearly remember when they posted something like this on their page:

“MGA KAMAGS! ADUNA BA KAMOY NAHIBAL-AN NGA TOURIST SPOTS SA INYONG LUGAR NA GUSTO NINYONG MA-FEATURE SA MAGTV?” (Translate ko na rin sa Filipino at nang mas maintindihan :P)

“MGA KAMAGS! MAY ALAM BA KAYONG TOURIST SPOTS SA INYONG LUGAR NA GUSTO NINYONG MA-FEATURE SA MAGTV?”

                     Eh, syempre naman.. nagpost din agad ako ng sagot dun. At sa lahat ng taong pwedeng magcomment, si TJ pa talaga ang nagsabing gusto rin daw niyang makapunta rito! (Take note, kinilig ako just because of the fact na personal account niya pa ang ginamit sa pagcomment nun! Babaw ko ‘dre! XD) Kaya yun, paulit-ulit kong binasa ang comment n’ya. (I’m sure di mo na maalala to Tij!) Paulit-ulit... Paulit-ulit... Hanggang sa di ko namalayan na sa tuwing nanonood ako ng MagTV eh sa kanya na lang pala nakatuon buong atensyon ko. Teh, totoo! Crush ko na nga si TJ MONTERDE! Dun ko na simulang napansin na gwapo at cute nga siya tapos ang galing niyang host. I added him on Friendster. Kaya lang, di n’ya ako in-accept. :( So sad ang lola n’yo! Pero guys, di nawala yung paghanga ko sa kanya. Lalo na nung nakita ko sa account n’ya yung picture na kumakanta siya at may dalang gitara. First impression: “Hmmm.. Marunong nga ba talaga siyang kumanta? O dahil sikat ay pakanta-kanta rin para ibigin? :D” Inaamin kong nagduda ako dati. Akala ko talaga wala siyang talent dun. So ano, napahiya ako! Aba’t nung minsang sumikat na ang Facebook, super nabigla ako! Yay, biglang nagchat si TJ! Kinilig ako. Ay, mali! Ganito pala yun: “GINOO KO, LORD!! GIKILIG KOOOOOOO! OMYGASSSSS!” Natawa na lang ako sa sarili ko nung narealize kong super babaw nga talaga ng kaligayahan ko. Alam n’yo kung ano yung pinakaunang chat posts niya? Demonstration mode...

TJ: “hey ziah :)”

Ako: (Matagal na natulala dahil hindi makapaniwalang siya ang unang nagchat sa akin..)

          “Hi TJ!” (Pasimpleng sagot para di masyadong obvious na kinikilig...)

TJ: “Please check my video on YouTube. Thanks. :)”

Ako: “Oh sure, TJ!”

                     Yun na nga yung hinihintay ko – ang makakita ng ebidensiya na magpapatunay na nakakakanta nga siya. Jusmio Marimar! Kinanta niya yung “She Was Mine” ni AJ Rafael! Well, di nga familiar yung song pero nung napakinggan ko, lalo akong namangha kay TJ. Man, the guy can really sing!! Todo-todo na tuloy ang pagkacrush ko sa kanya. Eeeeettttt!

                     Guys,wait lang ha? Intro pa lang yun. Andami ko pang gustong ishare. So yun na nga. Dun na nagsimula yung fangirl overload. Dumating din ako sa point na naging stalker ako. As in mga pictures niya both on Friendster and Facebook, lagi kong binibisita. Dun ko rin nalaman na may girlfriend siya that time na super ganda at sexy. Tapos nakita ko rin pictures ng family niya.. sa kapatid niyang si Roxinne, sa mommy niyang si Ma’am Weng, at sa daddy niyang si Sir Tito. Kumbaga, kung required lang ang paggawa ng research paper tungkol sa kanya ay pihadong pang-Summa Cum Laude ang grado na makukuha ko sa dami ng nalaman at napansin ko sa accounts niya. :P

                     If I am not mistaken, those happened roughly 5 years ago I think. Antagal ko nang kinikilig sa kanya. Antagal ko nang humahanga sa kanya. Antagal ko na siyang gustung-gustong makita! Sabi ko pa nga dati sa sarili ko, “Lord.. kahit once lang. Makita ko na sana si TJ in person!”

                     Fast-forward tayong konti. Taong 2011. Isa na akong fresh college graduate. Papunta akong Cagayan de Oro kasama ng classmate ko who also happened to be from that place. We planned na sabay kaming pupunta sa office ng PRC para asikasuhin yung application namin for LET.

                     May 29. Sunday. 10 A.M. Bagong gising. While having our breakfast, may nareceive na message from Globe yung classmate ko. May event daw na gaganapin sa Limketkai Parking Lot kung saan andun din si Vice Ganda. Uyy, artista! Fangirl mode activated. Syempre, we rushed to the venue about 4 in the afternoon. Dun ko nalaman na may pa-contest pala ng sayaw ang Globe. The only way na maaari kang makapanood is through buying a Globe SIM with the ticket of course. No choice. Bumili kami ng SIM card sabay pasok sa venue. Ang aga lang namin ha. May naabutan pa kaming grupo ng mananayaw na nagpapractice pa. Sabihin na lang nating bored to death kami ng classmate ko sa kahihintay na magsimula yung contest. Until mga 6 PM, yung host sa event na yun ay narinig na naming nagsa-sound check. Nung narinig ko yung boses, bigla akong kinabahan. Teka, kay TJ ba yun? Nang biglang iniluwa na lang siya ng stage. OH MY GEEEEE! Si TJ nga! Nung nakita ko siya, sobrang saya ko! Kinikilig, nanlalamig, nae-excite. Jusko, ganun pala ang feeling ng isang fangirl na sobrang sabik na makita ang idol ngunit nameet pa in a very unexpected moment! Sakto namang nasa harap kami nakaupo so libre yung mga mata kong titigan siya. Pero guys, ito yung di ko kinaya. Tingin ako nang tingin sa kanya na di ko namalayang napatitig na pala siya sa akin! Sheyytttt! Pwede bang mahimatay nang saglit?! Assumera talaga ako guys. Baka nga naman hindi ako yung tinitigan niya di ba? O di kaya’y sa sobrang titig ko eh baka naghinala na siya at natakot sa mga tingin ko? Well, bahala na si Batman sa mga tanong na yun basta ang alam ko, abot-langit ang kilig ko that time! Mygawd, titig pa lang, pamatay na!

                      The show went on. The whole duration of it, focus lang talaga ako kay TJ. What’s really funny pa about it ay yung pumunta si Vice Ganda malapit sa area kung saan nandun yung mga judges (which was also near the audience area) at halos lahat ng mga tao ay sunod din nang sunod sa kakapicture sa kanya habang ako, halos mag-isa lang malapit sa stage, at busy rin sa kakapicture kay TJ! XD Hindi ko na masyadong alintana na celebrity nga pala si Vice. Siya nga pala dapat yung rason kung bakit kami andun. :) Nung matapos ang show, di na ko nagpatumpik-tumpik pa! Karakaraka kong tinawag si TJ para makapagpapicture sa kanya. Pero naging busy siya. Andami ring lumapit sa kanya. Pero alam n’yo, sobrang na-appreciate ko siya nun kasi sabi n’ya sa akin “Wait lang ha?” in a very polite and gentle manner. Nawalan ako ng pag-asang makapagpapicture. Dala na rin kasi ng biglang hiya na naramdaman ko. Tumalikod na ako.. ready nang umuwi na dala-dala yung panghihinayang na andun na yung moment, di ko pa nasungkit yung ultimate wish ko. Pero shocking ang sumunod na pangyayari teh! Di ko inexpect na siya pa mismo ang nangalabit sabay sabing “Oi, ‘lika na. Picture na tayo.” Ayuuunnnnn, tunaw-puso, laglag-panga! I just can’t contain the happiness I felt that time! Parang lahat ng mga sinabi niya at mga galaw niya, memoryado ko pa. Ang bait niya! Major turn on!

                      Di ako makaget-over sa pangyayaring yun guys. Swear. He’s definitely a catch! Gwapo, talentado, at mabait! Jusko, answerte lang ng mapapangasawa ng taong to. :) Pahirapan sa pagtulog gawa ng unexpected meet-up at nung first at inakala kong last picture namin together. Hayy! Natulog at gumising akong may ngiti sa mga labi. Wala na rin kaming ibang topic kapag kami ng classmate ko ang nag-uusap. Tungkol kay TJ lang talaga! Sarap sa pakiramdam nun ha.. Truly unforgettable. Pero guess what? Mas nadagdagan yung pagkakahumaling ko sa kanya nung second time na nameet ko siya. Hahahaha! Wag kayong mag-alala guys. Di ko bultong ire-reveal dito ang lahat ng experiences ko with TJ. May second at third chapters pa to. XD Pasensiya na sa kakulitan ko at humaba nang ganito ‘tong naisulat ko. Sa susunod ulit. ;D I love you, Laloves! :D

                                                                                      - Instagram/Twitter: @kaZIAHan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FANGIRL OVERLOAD: THE BIG REVELATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon