Chapter 2 Code Name: SPIKE " The Bomber"

40 1 0
                                    


ISANG LINGGO BAGO ANG INSIDENTE NG ISANG GRUPONG NAKAHULI SA MGA HOLDAPER.

Matagal ng panahon ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ko ang sakit at hirap ng aking kahapon.

Napabuntong hininga nalang si Ernesto sabay bukas sa gripo upang makapag-simula sa paliligo.

"Kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo!" pakanta-kanta na wika ni Ernesto habang naliligo sa banyo.

"Oy!Ernesto matagal pa ba bago matapos yang concert mo? Baka ma late ka na naman sa trabaho mo." paalala ng nanay-nanayan ni Ernesto sa kanya.

"Sandali na lang po at matatapos na ako." sagot ni Ernesto at nagbihis na.

Pagkatapos maligo at magbihis ay kinuha niya muna ang ballpen at wallet nito sa kwarto at dumiretso na ito sa trabaho na hindi man lang ito nagsusuklay at hindi man lang naglalagay ng pabango sa katawan.

Si Ernesto kasi ay isang checker sa isang electrical shop kung saan siya ang naka-assign sa pagrecord ng supply na lumalabas at pumapasok kada araw.

"Ay ewan ko ba sayong bata ka, may edad ka na pero hindi ka pa rin marunong mag - ayos ewan ko lang kung may babaeang magkakagusto sayo. Pero

bilib din ako sa batang yan mula kasi ng dumating siya amin ay siya na ang tumayong ama sa pamilyang ito at hindi niya kami pinababayaan kahit na hindi niya kami kaano-ano.

Hindi alam ng pamilya na kumupkop kay Ernesto na siya pala ay biktima ng kidnapping ng mga sindikato upang gamitin sa mga masasama nitong gawain.

Palaging late si Ernesto sa trabaho. Ang iba niyang kasamahan ay nagrereklamo sa kanya pero mabait sa kanya ang kanyang amo at palagi na lang itong abswelto

sa pagiging late. Alas nuebe na ng umaga ngunit sarado pa rin ang shop na pinagtratrabahuhan ni Ernesto.

"Good morning Boss!Andito na po ako." wika ni Ernesto na nagtataka kung bakit sarado pa ang pinagtratrabahuhan.

Nagikot-ikot ito at mas lalong nagtaka ng makita ang sasakyan na pagmamay-ari ng amo nito at mga motorsiklo ng mga kasamahan nito. Bukas ang bandang likuran

ng tindahan kung saan binabagsak ang mga supplies nila kaya pinuntahan niya ito.

"Boss!Jet!Mike!Andyan po ba kayo?" wika ni Ernesto na patingin-tingin sa paligid.

Pumasok siya ng dahan-dahan sa bodega. Kinakabahan siya sa katahimikan ng paligid. Nang makarating sa gitnang bahagi napansin niya ang siang malaking karton

na animo'y itinaklob sa isang bagay upang hindi makita kung ano ang naroon. Mas tumindi pa ang kaba nito ng makita ang pulang likido na animo'y umaapaw na

sabaw sa isang lalagyan.

"Boss!Jet!Mike!Wag naman kayong magbiro ng ganito oh." patingin-tingin pa rin na wika ni Ernesto na kinakabahan pa rin sa nakikita.

Nilapitan niya at binuklat ang karton na itinakip sa isang bagay na basa. Napa-atras siya at natumba sa takot ng makitang nakahandusay ang kasamahang si Mike

sa sahig at maliligo sa sariling dugo. Mabait na tao si Mike kaya hindi siya makapaniwala sa nangyari dito. Mas napatindi pa ang pag-iyak ni Ernesto ng makita sa entrance papasok

sa loob ng tindahan ang nakasabit na kasamahan na wala na ring buhay.

"Boss!Boss!Boss nasaan ka?" sigaw ni Ernesto na natataranta sa nangyayari.

"Wag kang mag-alala Bomber 001.Buhay pa ang matandang amo mo." wika ng isang lalaki na lumabas sa entrance malapit sa bangkay ng kanyang kasamahan.

Professional GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon