Chapter 4 Code Name" VIRUS "The IT Expert"

12 1 0
                                    


"Mga tol wag niyong sasaktan ang girlfriend ko,please lang"pagmamakaawa ni Vince sa limang adik na nakapalibot sa kanila ng girlfriend niya.

"Hehehe.Mga pre ang ganda at ang kinis pa, swerte natin.Wow!.Hahaha"tawa ng isang adik habang binabastos si Jenny na mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Vince.

"Vince natatakot ako!"wika ni Jenny kay Vince na kinakabahan sa gagawin sa kanila ng mga adik.

"Wag kang mag-alala Jen, di kita hahayaang masaktan ng mga lalaking yan."sagot ni Vince sabay yakap ng mahigpit sa kasintahan.

"Mga tol please lang paraanin niyo na kami at malelate na sa trabaho ang girlfriend ko.Itong pera paki-usap padaanin niyo na kami."

paki usap ni Vince sa mga lalaki sabay abot sa wallet nito sa lalaki na nasa harapan nila na siyang nagsisilbing leader ng grupo.

"Hehe.Kalma pre"sabay kuha sa pera na nasa wallet ni Vince.

"Makikitikim lang kami, wag kang mag-alala mabilis lang to kami na ang bahalang maghatid sa girlfriend mo. Di ba mga pre?Hahaha".wika ng isa sa mga lalaking nakapaligid sa kanila.

Patingin-tingin si Vince sa paligid na baka makaisip ng paraan kung paano makakatakas sa kanilang sitwasyon.

Mas tumindi pa ang kaba nito ng maglabas ng mga patalim ang mga lalaki.Ngunit maya-maya pa'y may dumaan sa kanilang kinaroroonan ngunit natakot

ito na makialam sa kanila dahil baka madamay at mapatay ito ng mga adik.

"Miss ako naman ang yakapin mo.Hehe"wika ng isa.

"Miss halika sakin,cge na kung ayaw mong patayin namin ang boyfriend mo."pagkasabi nito ay pilit nitong hinablot si Jenny sa pagkakayakap niya kay Vince.

Mas tumindi ang tensyon at dahil sa galit sa paghila sa kanyang pinakamamahal ay nagawa nitong suntukin ang isang adik kahit may hawak itong patalim.

Ngunit ng natumba ang lalaking nasuntok nito ay siya namang pagsaksak sa kanya ng dalawang lalaki na nakapwesto sa kanyang likuran.

"VINCE!!!"sigaw ng umiiyak na si Jenny.

Lumapit ito sa nasaksak na boyfriend.At dahil sa dalawang saksak sa tagiliran ay maraming dugo ang nawala sa kanya at napaluhod nalang ito.

"Jen,mahal na mahal kita."wika ni Vince na nanghihina na.

"Mahal na mahal din kita Vince,wag mo akong iiwan.Wag na wag Vince."yakap nito sa duguang kasintahan

"Tama na ngang drama yan ganda,halika na.Mabilis lang to.Hahaha."wika ng isang adik sabay kaladkad sa kanya papalayo sa kasintahan.

May mga taong nakakita sa nangyayari pero naging pipi at bingi ito sa ginawa ng mga masasamang tao.

Nakahiga na si Vince sa daanan at hinahabol ang paghinga nito pero pilit parin na gumagapang sa madilim na direksyon kung saan

dinala ang pinakamamahal nitong kasintahan.

Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ni Vince ang pangarap nitong makasama ang pinakamamahal niya ay naglahong parang isang bula dahil sa mga

masasamang taong walang magawa sa kanilang buhay.

"Jen.Je.e.e.n!."mahinang tawag ni Vince sa kasintahan.

Maya-maya pa ay malakas na sigaw ni Jenny ang narinig nito sa di kalayuan.

"WAG!!! WAG!!!"at ibinuhos ni Vince ang lahat ng natitirang lakas nito sa kanyang huling sigaw at tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.

"Ay naku naman sir! sabi mo kanina dito ko ilalagay ang table nato malapit sa stage?.Naidlip ka lang sandali wag nanaman?

Professional GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon