"Excuse me po mam, kayo po ba si Ms. Rose Perer?" istorbong tanong ng isang messenger habang nagbibigay ng leksyon si Rose sa
mga estudyante."
"Excuse me class, opo ako nga po si Ms. Rose Perer bakit po?"tanong nito sa delivery boy.
"May padala po para sa inyo mam, paki lagdaan nalang po dito."sabay abot sa form na dapat mapirmahan ni Rose bago makuha ang padala.
Pagkatapos malagdaan ang form ay ini-abot sa kanya ang isang short brown envelope. Familiar sa kanya ang ganoong envelope
pero isinantabi niya muna ito at ipinagpatuloy ang aralin sa mga estudyante niya.
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos din ang klase.
"Ok class,see you next monday and enjoy the rest of the weekend."Ngiti nito sa mga pinakamamahal niyang mga estudyante.
Si Rose ay isang highschool teacher at adviser ng pinakamatalinong klase kaya ganun nalang din ang kanyang paghahanda ng
mabuti sa bawat araling itinuturo dito, mas pursigido siyang magturo lalo na at masisipag ang kanyang mga estudyanteng mag-aral.
Pagkalabas ng mga estudyante nito at nagsi-uwian na ay siya namang pagligpit ni Rose ng mga gamit para maka-uwi na rin.
Pero naupo ito saglit ng maalala ang ipinadalang envelope sa kanya.
Binuksan niya ang envelope at marahil iyon na ang hinihiling niyang huling misyon sa mga kasamahan nito upang siya ay makapag bagong buhay na.
Pagbukas niya ng envelope ay una niyang nakita ay ang checke na nagkakahalaga ng kalahating milyon. Kasunod nun ay ang litrato at impormasyon
at lahat ng lakad na gagawin ng kanyang magiging target.
Sa likod ng brown envelope ay may numerong nakalagay at alam na niya kung anu ang gagawin doon dahil hindi pumipermi sa isang numero
ang ginagamit ng grupo nito. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numero.
"Hello sino to?"tanong ng lalaki sa kabilang linya.
"R"maikling sagot nito.
"Hehe.mabuti naman at natanggap mo na ang ipinadala sayo R.Dalawang araw lang ang ibinibigay sayo ni Ninong, nakita mo naman
siguro kung gaanu kaimportante ang taong yan kaya nasa maganda din ang presyo nito."pagpapaliwanag ng lalaking kausap.
"Nga pala sa balita nalang namin aabangan kung nagawa mo nga ang misyon kung hindi alam mo na rin ang mangyayari."dugtong pa nito.
"Okay."maikling sagot ni Rose at sumakay na ito ng tricycle at umuwi na sa kanila.
Pagdating na pagdating ni Rose sa kanilang bahay ay sinalubong siya ng kanyang kapatid na si Nena na umiiyak.
"Ate! Ate! mabuti at dumating ka na kelangan na nating dalhin si nanay sa hospital, di na siya makagalaw di namin alam ang gagawin ni Nica."
wika ni Nena na umiiyak sa pag aalala sa ina nito.
"Ha? bakit anong nangyari?"kinakabahang tanong ni Rose sa kapatid.
"Kani-kanina lang po pagkatapos namin siyang painumin ng gamot ay bigla nalang po siyang nanginig at di na po makagalaw."pagpapaliwanag ni
Nena.
Pagkasabi ng kapatid nito ay dali-daling nagpatulong si Rose sa tricycle driver para madala ang ina nito sa hospital.
BINABASA MO ANG
Professional Gangster
Novela JuvenilFLASH REPORT!!! Kakapasok lang po na balita. Mga hinihinalang holdaper ang nadakip ng mga pulis sa isang abandonadong apartment. Ang nakakapagtataka po dito mga kababayan, lahat ng holdaper ay nakatali na at wala ng mga malay. Si pulis Inspector Ode...