VIII. WOOD EPISODE (Nico)

646 17 1
                                    

VIII. WOOD EPISODE

NICO.

Hot damn!  Nakasagasa ako ng babae!  Nagugulumihanang itinigil ko ang kotse at sinilip ang ilalim ng kotse.  Walang babae!  Nanginig ako.  Kitang-kita ko ang mga pangyayari.  Alam kong may nabangga akong babae.  But I couldn’t find her body anywhere.  Saan kaya napunta ‘yon?

Is this a bad sign?  A bad sign that I am not headed in the right direction?  Malinaw sa akin ang utos ng babaeng boss ni Daddy, na boss ko na rin ngayon.  Hanapin ang serial killer na nagngangalang Ernests “Erno” Gulbis.

Sabi ni Boss sa akin, ang unang hakbang raw ay kaibiganin si Fille.  Naniniwala kasi siyang alam ni Fille kung saan nagtatago ang serial killer na ‘yon, though personally, I don’t see how Fille could have anything to do with a serial killer.

Maraming alam na impormasyon ang boss ko tungkol kay Fille.  Mga impormasyong ipinasa niya sa akin para matagumpay kong magampanan ang pagpapanggap na kababata ni Fille.

My boss even asked me to observe the people close to Fille.  They all looked stupid to me.  Lalo na si Kei na grabe ang pagkakatitig sa akin.  Instant loathing agad ang naramdaman ko pagkakita ko pa lang sa kanya.

What I like about the assignment is that I could take Erno to my boss dead or alive.  I know that I want the first option.  At gusto ko, ako mismo ang papatay sa kanya.

Bata pa lang ako, fascinated na ako sa mga crimes.  The more brutal, the better.  Pero hindi dahil gusto kong maging pulis kagaya ng Dad ko.

Fascinated ako sa mga nakakagawa ng matitinding krimen.  Let’s just say na I have a criminal mind.  At dahil sa may consent ako na patayin si Erno, pakiramdam ko ay isa akong hired killer.  At astig ang feeling.

Pero siyempre, iba ang babae.  Ayokong pumatay ng babae.  Kaya siguro nanginig ako ng husto nang makasagasa.  Hindi maalis sa isip ko ang babaeng ‘yon kahit hanggang sa makauwi na ako sa bahay.

May message agad sa akin si Boss pag check ko ng chat box.

666: hows the job?

How cooler can she get?  Pati username astig!

                   Rayban: good. Well, boring. Sigurado k bang ang mga taong yun ang kabarkada ng serial killer?  They all looked stupid in my opinion.

                666: that man called erno is not just an ordinary man. He could even stop the time from moving.

                Rayban: of course. Kaya ko rin yun. Pag tinanggal mo ang battery sa isang relo, natural, hindi na aandar ang oras.

                666: and I am guessing that he could copy a person’s appearance too.

                Rayban: saang movie mo nakuha yan, boss?

                666: I’m not joking.  I’m just explaining 2 u what he is, because it might help you find him.

                666: as I’ve said, I think he could copy another person’s appearance, so the picture of him that I sent you is immaterial.  He could be in another person’s face right now.  That’s why I am asking you to watch his friends’ every move.  Baka isa na sa kanila si Erno.

                Rayban: what made you think that I’ll believe you?

                666: you are also an extraordinary person.  If you have doubt, ask your father.  He knows.

I didn’t feel better after our short chat.  What she said didn’t really make any sense.  May tao ba namang nakakapagpatigil ng oras o kaya ay nakakagaya ng mukha?  And no, I wouldn’t ask my Dad anything.  He might know what I am up to, and he just might stop me…

---

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon