X. HURT

734 20 2
                                    

X. HURT

NICO

Isang krimen na naman ang gumimbal sa buong bayan.  Ang matalino at mahiyaing estudyanteng si Makiri ang biktima.  Natagpuan na lang ang pira-piraso niyang katawan sa isang kalsada malapit sa Maine Street.  Sigurado akong ang serial killer na si Erno na naman ang may gawa nito.

Kakalipat ko lang sa school nila, isang murder agad ang nagwelcome sa akin.  Habang nagkakagulo sa kalsada kung saan umano naganap ang kagimbal-gimbal na pangyayari, nakiusyoso na rin ako.  My boss had warned me about this.  Pero hindi ako naniwala until this really happened.

Kung alam na niya ang mangyayari kay Makiri bago pa ito mangyari, isang hinala lang ang nabubuo sa isipan ko.  Siya ang nagpapatay dito.  Pero bakit niya iyon gagawin?  Akala ko ba ay ipinapahanap niya ang isang serial killer?  Not that I care about this murder.  Napapaisip lang ako kung ano ba talaga ang pagkatao ng Boss ko.  Bakit hindi ko pa siya nakikita?

Sinabi niya sa akin na magpapakita raw siya sa akin ng personal kapag nagawa ko na ang lahat ng pinapagawa niya sa akin.

She warned me that Fille might be deeply affected by this murder, kaya dapat daw ay nasa tabi niya ako para pagaanin ang loob niya.  Nakita ko si Fille kasama ng mga kaibigan niya.  They were also near the crime scene.

“Napakasama naman ng gumawa nito,” dinig kong sabi ni Anjo.

Whoever did that to Makiri was just amazing, in my opinion.

“Anong nangyari kay Merced?” tanong ko nang mapansing tulala ito at tahimik na lumuluha.

“Nashock.  Nakita niya ang nangyari,” sabi ni Anjo.

“Nakita niya kung sino ang kriminal?” tanong ko.

“Hindi eh,” sagot ni Anjo.  “Basta bigla-bigla na lang daw nagkapira-piraso yung katawan ni Makiri sa harapan niya.”

“Creepy,” I said.  “Mabuti pa, tsong, iuwi na natin si Merced.  Hindi makakatulong sa kanya ang pagi-stay dito.”

Inuwi na namin si Fille.  Nalaman ko na magkasama pala sila sa bahay ni Anjo.

Habang nakahiga si Fille sa kama at hinahaplus-haplos ni Anjo ang buhok niya, nagtanong ako para makasingit sa pagmomoment nila.

“Ano ang nangyari kina Tita Janet?  Bakit wala rito ang pamilya ni Fille?” kunwa’y tanong ko pero sa totoo lang, alam ko naman ang sagot.

“Car accident.  That was when she was about five years old.  Hindi mo ba nabalitaan?” tila naghihinalang tanong ni Anjo sa akin.

“Five?  Eh di five lang din ako nun… so, hindi ko na maalala,” agad kong depensa.  He seemed satisfied with my explanation.

“Dudurugin ko talaga ang buto ng kung sinumang gumawa no’n kay Makiri.  Napakawalang-puso,” muling sabi ni Anjo.

“That kind of crime… could only be done by a serial killer.  Nabalitaan niyo ba ‘yong tungkol sa serial killer na nakatakas sa kulungan… si Erno Gulbis?  Baka siya ang gumawa no’n!”

“Erno?  Erno Gulbis?  Bakit kilala mo siya?  Serial killer?” sunud-sunod na tanong ni Anjo.

“Madalas ko lang marinig ang pangalan niya sa mga balita,” pag-iimbento ko.

“Talaga?  Pero hindi namin alam na serial killer siya.  Siya ang ex-boyfriend ni Fille…” he revealed.

“Kilala mo siya personally?” tanong ko, pretending to be so surprised.

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon