VII. HAPPY THOUGHTS AND A MYSTERIOUS LAUGH

769 16 0
                                    

VII. HAPPY THOUGHTS AND A MYSTERIOUS LAUGH

Hindi ako tumigil sa pagsunud-sunod kay Mondael.  Lalo pa ngayong narinig ko na ang iniisip niya, kahit hindi naman ako sigurado kung boses niya ba talaga yon.  Isang araw, maaga pa ay nasa classroom na niya ako.  Hindi kasi kami magkaklase sa first period, kaya naisipan kong pumasok ng maaga para makita siya.

Pagdating ko sa first period class niya, wala pa siya.  Naroroon na ang bestfriend niyang si Nastja kaya nakipagchikahan muna ako sa kanya.   Kinulit niya ako tungkol kay Lou.  Itinanong niya sa akin kung nanligaw raw ba sa akin si Lou noon.  Sinabi kong hindi at never mangyayari ‘yon.  Mataas kasi ang pride ni Lou at hindi niya maamin kahit sa sarili niya na type niya ako, kahit obvious naman.  Chos!

I almost choked when Nastja told me na may nangyari sa kanila ni Lou noon.  Weird.  Nag-level up na pala ang mokong.

Nagkwento pa ng nagkwento si Nastja tungkol kay Lou, pero hindi ko na masyadong napakinggan.  Nag-stuck kasi sa utak ko ang sinabi niya na may nangyari na sa kanila.  Type ba siya ni Lou?  I got confused with my own reaction.  Why did it bother me?

“You look funny,” she said, smiling wickedly.

Muntik ko ng makalimutan, emotion reader nga pala siya.  Ano kayang emosyon ang nababasa niya sa mukha ko?

Namataan ko ang pagparada ng kotse ni Mondael.  Dali-dali kong tiningnan sa salamin ang mukha ko, at inayos ko ang buhok ko.

Nang pumasok siya sa classroom, agad siyang lumapit kay Nastja.  Mabuti na lang at nasa tabi lang ako ni Nastja.

Wala pa ang prof nila sa subject na ‘yon, kaya may free time pa akong titigan si Mondael.

“Dayel, may kailangan yata sayo si Fille,” sabi ni Nastja na ikinagulat ko.  Nababasa ba niya ang emosyon ko?  In love?  Obsessed? 

“Wala,” agad kong tanggi nang tumingin si Mondael sa direksiyon ko.  Agad siyang bumalik sa pakikipag-usap kay Nastja, and he was acting as if I weren’t there.  Hindi na ako nakatiis kaya napilitan na akong makipag-usap sa kanya.

“Um. Dayel…” sabi ko, na alam kong bahagyang ikinabigla niya rin.  Nakiki-Dayel na rin ako.  Feeling close, I know.

“Um.  Pahiram naman ako ng lecture notebook mo sa Trig.,” sabi ko.

“Wala akong lecture notebook,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.  Lumingon agad siya kay Nastja.  “Baka wala nga raw pala tayong klase ngayon.”

“Bakit daw?” tanong ni Nastja.

“May pinatay na namang estudyante kagabi,” pagbabalita ni Mondael.

Another murder?

“Sino?” singit ko sa usapan.

“Si Jennica!”

It is getting so freaky.  Sunud-sunod na ang mga patayan.  What in the world is happening?

Naramdaman kong pinagpapawisan na ako sa balitang narinig.  Pero bakit hindi niya pinupunasan ang pawis ko gamit ang suot niyang T-shirt kagaya ng madalas niyang ginagawa niya kay Nastja?

I was still daydreaming about Mondael, about us.  Napansin ko na lang na wala na pala siya sa harapan ko.  Si Kei na pala ang kaharap ko.

“Nabalitaan mo na ba, Fille?” tanong ni Kei.  “Chinopchop si Jennica.  Nakita ni Robin ang katawan niya.  Nakalagay sa plastic ng basura.”

Kinilabutan ako sa narinig.  Una si Charley, tapos si Jennica.  May lihim na galit ba sa Mean Girls ang killer?

“Alam mo bang pati ang kaluluwa niya, nakita ni Robin?” pagpapatuloy ni Kei.  “Nagsasalita raw mag-isa.  Tapos… parang siya yung nagturo kay Robin kung saan nilagay yung bangkay niya.”

CRIMES AND MYSTERIES 4: BATTERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon