Flames Series 4
In the Name of Love
MIRAH
by...emzalbino
ChapterTHREE MONTHS LATER..
Naging palihim ang relasyon nila Tim at Mirah. At habang tumatagal ay mas nagiging mas malapit na sila sa isa't isa. Parang nakalimutan na nila ang mga iringan ng kanilang mga pamilya dahil ang pinakikinggan nila ay ang mga kaylalakas na pagkabog ng kanilang mga dibdib, ang bawat pintig ng kanilang mga puso at ang isinisigaw nito kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Upang makasama lagi ni Mirah si Tim ay gumawa ng alibay ang dalaga sa mga magulang nito ng hindi siya pinagdududahan. Isang umaga habang nag aalmusal ang kanyang mga magulang na naabutan niya sa may kusina ay gulat na gulat ang mga ito dahil sa kay aga agang nakabihis ang kanilang anak.
"Good morning mommy, daddy!" magalang na bati ni Mirah sa mga magulang sabay halik nito sa mga pisngi nila.
"Good morning too anak! Hmm saan ba ang punta mo at parang nakagayak kana yata ah?" puna ni Don Gustavo sa dalagang anak nito.
"Oo nga eh, ni hindi na siya nag ehersisyo ngayong umaga"sang ayon ni Donya Merced sa asawa.
"Opo mo my , daddy! Mamayang gabi nalang po ako mag ja jogging dahil pupunta ako ng bayan at may interview po kasi ako sa inaplayan kong kompanya sa may bayan. Medyo nakakaumay narin pong nakatambay dito sa bahay buong maghapon so, I decided to apply a job para naman may pinagkakakitaan ng pera and im so bored na dito sa bahay. Ang mga kaibigan ko eh may mga pinagkakaabalahan samantalang ako eh andito lang at nakaupo, kaya napag isip isip ko na maghanap ng trabaho to make myself busy" sagot na pahayag niya sa kanyang mga magulang.
"Well, okay lang naman iha pero tandaan mo na hindi ka namin sinasabing maghanap ka ng trabaho dahil hindi namin sinabi iyon!" ani Don Gustavo kay Mirah.
"I know it daddy,mommy. But gaya nga ng sinabi ko ay gusto kong matutong tumayo sa sariling paa ko para naman malaman ko kung saan ang kahinaan ko and i want to become an independent woman. I'm matured enough to manage myself kaya nais kong I challenge ang aking sarili sa mga ibang bagay at ng hindi nalang naka depende sa inyo" kinakabahang pahayag ni Mirah sa kanyang mga magulang.
"Hmm, sabagay tama nga naman ang anak natin Gustavo. Kailangan rin naman niyang matutunan ang ibang bagay para pag nagka pamilya na siya ay hindi na siya mangangapa sa dilim. At kailangang gabayan nalang natin siya upang magtagumpay siya sa kanyang mga balak at pangarap sa buhay. Tama siya , she's getting old at kailangan talagang maging ganda siya sa mga pagsubok na susuungin niya sa buhay" sang ayon na wika ni Donya Merced sa sinabi ni Mirah.
"Okay kung iyan ang pasya mo eh hindi ka namin sasalungatin ng iyong mommy. Basta ba magpakabuti ka sa iyong mapapasukang trabaho upang magtagal ka at wala kang maaagrabyadong katrabaho mo" anang don Gustavo na napatango naman si Mirah at ngumiti sa mga magulang nito.
"Thanks mom,dad!.. Salamat at naintindihan ninyo ako" masayang turan ni Mirah sa mga magulang nito saka humalik sa kanilang pisngi....."I'll go first daddy,mommy dahil baka mahuli ako sa interview ko. And one more thing po, baka ma le late na po ako ng uwi mamaya dahil nagyayaya ang mga kaibigan ko at natanguan ko na po sila"...dagdag na paalam ni Mirah sa mga magulang.
"Okay basta mag iingat ka sa pag uwi mo" sagot naman ni Don Gustavo.
"Opo daddy!... Hindi na po ako magdadala ng kotse dahil magpapahatid nalang ako kay mang Sario hanggang sa may sakayan at mag ta taxi nalang ako hanggang sa pupuntahan ko dahil mamaya ay susunduin ako ng mga kaibigan ko at ang pangit naman pong tingnan na hindi kami magkakasama sa iisang sasakyan" alibay nito sa kanyang ama.