Flames Series 4
MIRAH
In the Name of Love
by..emzalbinoChapter 9...
Matapos ang pagsasalo salo ng tatlo sa may restaurant ay inihatid pa ni Tim sina Mirah at Emmz sa may kinaroroonan ng kotse ni Emmz saka ito nagpaalam sa nobya. Parang nakaramdam ng lungkot si Mirah ng makaalis na ang kotseng kinalululanan ni Tim.
"Oh iyang leeg mo baka mabali na sa kalilingon mo ngunit wala na naman iyong tinitingnan mo!" turan ni Emmz kay Mirah habang nagmamaneho ito.
"Nakalayo na siya" mahinang sagot ni Mirah ngunit nakatanaw parin sa may bintana kahit na hindi na niya abot tanaw si Tim.
"Napuruhan ka siguro ng husto kagabi, ano?" maya maya ay pabirong sabi ni Emmz sa kaibigan na siyang ikinalingon ni Mirah sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" maang na tanong ni Mirah sa kaibigan.
"Sus! Wag ka ng mag deny kasi tayo tayo lang naman ang nandito? Hindi ko naman ipagsasabi eh!" ngingiti ngiting turan ni Emmz habang nakapako sa daan ang mga mata nito.
"Gaga ka talaga! Kung anu ano ang pinagsasabi mo diyan!" pairap na sabi ni Mirah na medyo namumula ang pisngi nito.
"Nagmamaang maangan ka pa eh kita naman sa mukha mong parang wala ka yatang tulog" dagdag pang pang aasar ni Emmz sabay hagikgik ng mahina.
"Baliw ka talaga!" singhal ni Mirah saka akma niyang kukurutin ang kaibigan.
"Oppss! Nagmamaneho ako kaya wag mo akong kurutin diyan dahil baka mabangga ako!" banta ni Emmz kaya natigilan si Mirah sa kanya sanang gagawin.
"Kung anu anong sinasabi mo kasi!" medyo napipikon ng sabi ni Mirah ngunit panay parin ang hirit ni Emmz.
"I just ask you one question para alam ko din pag ako ang nalagay sa sitwasyon na iyan" seryosong wika ni Emmz.
"Ano iyon?" nakairap na tanong naman ni Mirah.
Humarap si Emmz sa kaibigan at mataman niya itong tinungnan ng mata sa mata...."Totoo ba iyong sabi nila na masakit sa umpisa but after the pain ay kakaibang ligaya daw ang hatid nito?" pigil ang ngiting tanong ni Emmz na i,inagulat naman ni Mirah dahil sa tanong ng kaibigan.
"Sira ka talagang babae ka! Sa dami ng itatanong mo ay iyan pa!" hindi na napigil pa ni Mirah ang sarili at talagang kinurot na niya sa tagiliran si Emmz kahit na ito ay nagmamaneho pa.
"Hoy Mirah! Baka mabangga tayo!" nakikiliting inaawat ni Emmz. Ang kaibigan dahil imbis na masaktan sa kurot ni Mirah ay nakikiliti dahil sa may kiliti siya doon.
"Kung hindi ka pa naman baliw ay iyan pa ang itatanong mo!" naiinis na singhal ni Mirah ngunit namumula ang mukha nito dahil sa nabisto siya ng kaibigan.
"Ha! Ha! Ha!.. Guilty ka kasi eh at halata ka sa kilos mo na may milagrong nangyari sa inyo ni Tim! Alangan naman na natulog lang kayong dalawa sa iisang kama at walang ibang nangyari?"
"Eh wag ka ng mang asar pa!" bulyaw ni Mirah kay Emmz.
"Pero friend, tama ba iyong sabi nila na masakit sa umpisa? Tell me naman oh para alam ko ang gagawin ko kung sakaling ako naman ang malagay sa lugar mo".
"Bakit, may nobyo kana ba para gawin iyon?" takang tanong ni Mirah kay Emmz.
"Wala pa naman! Malay mo eh one day at magka nobyo ako eh di alam ko na ang gagawin ko" pilyang sagot nito kaya binatukan siya ni Mirah.
"Baliw ka Emmz! Ibigay mo lang iyan sa lalaking alam mong magmamahal sa iyo ng tapat!"
"Alam ko naman iyon eh! Kahit na ganito naman akong pasaway ay alam ko naman na pangalagaan ang aking pagkababae but once na makita ko na ang lalaking iyon? Ako na mismo ang gagahasa sa kanya para malaman ko kung totoo nga ang sinasabi nila o hindi" dagdag na biro na ni Emmz kaya naman isang batok ulita ng natamo niya kay Mirah.
Iiling iling nalang si Mirah sa mga biro at pang aasar sa kanya ng kanyang kaibigan dahil alam naman niya na sadyang mapang asar ito. Makalipas ang ilang sandali ay nakauwi narin siya sa kanialng bahay. Wala doon ang kanyang mga magulang niya kaya deritso siyang pumasok sa may kwarto niya at agad na nagtungo sa banyo upang maligo.
Habang nasa tapat siya ng shower ay biglang sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Tim sa buong magdamag. Napangiti siya ng muling sumagi sa kanyang diwa ang labis na kaligayahan sa mukha ng lalaking mahal matapos ang mainit na kanialng pinagsaluhan.
"Mahal na mahal kita, Tim. I don't want to lose you kahit na ang mga magulang ko pa ang maging hadlang sa ating pagmamahalan" naibulong ni Mirah sa sarili saka napapikit ito at ninamnam ang malamig na tubig na bumuhos sa kanyang buong katawan.
Simula ng may mamagitan kita Mirah at Tim ay palihim na nagkikita ang dalawa at humahantong sa mainit na tagpo. Hanggang isang umaga habang nasa hapagkainan ang mag anak ay.
"Mirah iha, bakit ba parang nangangayayat ka?" maang na tanong ni Donya Merced habang kumakain ito.
"Oo nga!" sang ayon naman ni Don Gustavo....."Parang nasusobrahan mo na yata sa pagpapa payat ah?" wika pa nito sabay sulyap kay Mirah.
"Siguro nga po" tanging sagot ni Mirah saka nito ipinukos ang atensiyon sa pagkain ngunit ng makakain ng ilang subo ay nagpaalam na ito dahil busog na daw.
"Mirah!" tawag ni Don Gustavo kay Mirah.
"Bakit po dad?" sagot naman nito na napahinto pa sa paghakbang.
"Bawas bawasan mo ang pag di diyeta dahil nakakasam din iyan sa kalusugan ang sobrang kapayatan" saad ng kanyang ama na napatango lang ito at naglakad papunta ng kanyang kwarto.
Pagdating ni Mirah sa kanyang kwarto ay sinipat niya sa may malaking salamin ang kanyang sarili. Nagulat din siya dahil noon lang niya nakita na pumayat nga siya. Mag ta tatlong buwan narin na may nangyayari sa kanila ni Tim at hanggan ngayon ay nananatiling lihim parin ang kanilang relasyon.
"Kailan kaya kami magiging malaya na ipakita sa lahat ang tunay naming damdamin? Kailan kaya kami magkakaroon ng ipagsigawan sa buong mundo na mahal namina ng isa't isa kung ang aming pamilya naman ay parang aso't pusa na walang gustong magpakumbaba o magpatalo" biglang namalisbis ang luha ni Mirah sa kanyang pisngi dahil bigla niyang naisip ang mga kasinungaling pinaggagawa niya makita lang at makasama si Tim kahit sa ilang sandali.
Hanggang kailan nga kaya magkakaroon ng kalayaan sina Mirah at Tim upang magmahalan ng walang hadlang?
Abangan!....