Nag umpisa ang lahat ng makita ko siya pag baba ko ng bus.
Nakatingin siya sakin na parang ngayon lang siya nakakita ng tao. Kaya naiilang akong tumingin sa kanya. Sa isip isip ko 'Anong problema ng babaeng to? Ngayon lang ba siya nakakita ng taong nakapormal na damit?’
Naglakad na siya pero lumilingon parin siya sakin. Weird. Parang tong probinsyang to Weird. Definitely a weird place.
Ako nga pala si Vincent Tan. Writter ako ng mga nobela at profesor din sa pag sulat.
Kinabukasan pag gising ko nagpunta agadd ako sa isang building dito malapit sa apartment na tinitirhan ko para magturo na.
Pagdating ko halos lahat matatanda na ang tuturuan ko. Jusko. Bigyan niyo ho ako ng mahabang pasensya, yan ang sinasabi ng utak ko ngayon dahil alam niyo na ang matatanda. Hindi nakikinig sa mas bata sakanila.
Natapos ang araw at linggo ng paulit ulit ang mga nangyayari. Gigising magtuturo uuwi kakain paulit ulit.
Andito akongayon sa coffee bendo para bumili siyempre ng kape. Pero nakakainis ayaw lumabas ng kape. Sira na yata to e.
'Blaaag' biglang may sumipa sa machine.
AH! Yung babae. Yung nakatingin sakin nung bumaba ako ng bus.
''Mejo matanda na kasi itong machine na to kaya ganun kelangan minsan sipain Hehehe'' napatango nalang ako sakanya.
''Oo nga pala ako si Sazha. Sazha Lopez.'' Nakangiti niyang pakilala sakin.
Bata pa siya. Sa tantya ko nasa 18 or 19 lang siya. Mukang inosente sa mundo. Probinsyana.
"Prof ka ba?" Tanong niya. Siguro napansinniya dahil sa suot ko.
"Ha? Ah oo. " tumango tango lang siya ng nakangiti.
"Sige ha? Babye!" Nagpaalamna siya naglakad paalis.
Sazha's POV
"Pagbilan po ng giniling." Sabi kodun sa ale. Isasahog ko yun sa ulam namin na ampalaya.
Pauwina ko ng maabutan ko si mama nagwawalis sa labas.
"Ma bakit nagwawalis kapajan anong oras na oh" sabi ko.
Pero hindi nanaman niya siguro ako narinig. Mahina kasi ang pandinig niya.
"Halika na ma sa loob magpahinga ka" sabi ko sakanya na mejo malakas ang boses.
"Oo tara at pwede ba anak wag mo akong sinisigawan" Hay si mama talaga!
"Ma ipagluluto kita ng paborito mong ulam, kakain ka ng madami huh" masaya kong sabi kay mama.
"Aba anong meron at magluluto ka ng gusto kong ulam? Hmm."
"Wala ma. Lagi naman kita pinagluluto ah" si mama talaga tumatanda na.