Ive just realize some things. Napabayaan ko na ata ang sarili ko, si mama. Hay.
Ipagluluto ko siya ng paborito niyang ulam, pambawi sa ilang araw kong hindi pag uwi.
Habang pinapainit ko yung kawali r nag hihiwa ako ng sibuyas, at mga gulay.
Nang napansin ko si Vincent sa bintana
Ilang araw na nga ba kaming hindi nagkita? Di ko na matandaan. Balita ko bumalik na siya sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Siguro dinalaw niya ako kasi matagal kaming hindi nagkita.Dali dali akong tumakbo sa labas ng bahay. Hindi ko na naisip yung niluluto ko. Yinakap ko siya agad
"Antagal mong nawala, namiss kita Vincent!" Bungad ko sakanya
Pero inalis niya yung pagkakayakap ko sakanya. Di siya makatingin ng diretso sakin. Bakit? May nagawa ba kong mali? Tanong ko sa sarili ko. Na napansin niya siguro yung reaksyon ko sa kinikos niya.
"Alam mo, ahm.. kasi ganito e. Alam mo naman yung trabaho ko diba? Prof ako, alam mo naman siguro na bawalang relasyon natin."
Teka. Bakit. Ano to? Nakikipag hiwalay na ba siya? Madaming tanong ang pumapasok sa isip ko.
"At.. at isa pa.. may asawa ako. Sorry. Sorry kung hindi ko sinabi. Sorry kung niloko kita." Sabi niya sabay inabutan ako ng perang nakalagay sa malaking sobre. Mabilis na nagreact yung kamay ko at nasampal ko siya.
"Huh? Ganon nalang? Pagkatapos ng lahat. Sinunod ko lahat ng sinabi mo, ng pinagawa no sakin. Tapos ano? Maririnig ko sayo na may asawa kana at hindi tayo pwede.. Manloloko ka!" Sinampal ko sakanya yung pera niya at pinaghahampas ko siya. Wala siyang nagawa
Di kalaunan naramdaman kong uminit ang paligid. Paglingon ko ...
Nasusunog yung bahay namin!
Dali dali akong tumakbo papunta sa loob dahil nandun sa loob si mama. Pipigilan sana ako ni Vincent pero tinitigan ko siya ng masama. Sobrang sama. Galit na galit ako sakanya. Kung hindi dahil sakanya hindi ako magkakaganito. Tumakbo na ako sa loob. Kasalanan ko to kung bakit nasunog ang bahay.