PROLOGUE
Pao’s POV
Ex ko?
Hmm. Gwapo yun :] Habulin nga ng babae e. ATA? Sabi nya sakin nun e. Hoho :> Kaya nga daw ang swerte ko dahil sa dami ng babaeng nagkakandarapa sakanya, AKO ANG PINILI NYA. Kapal lang e ano? :p
Pero sa totoo lang. Hindi lang yun ang rason kung bakit ko sya minahal.
Minahal ng SOBRA.
Sya kasi yung taong nagpasaya sakin ng sobra. Pinakita sakin kung gaano ako kahalaga sa buhay nya. Pero higit sa lahat, minahal ako ng sobra-sobra. Sobra pa sa hinihingi kong pagmamahal galing sakanya.
Masaya naman ako noon e, bago pa sya dumating sa buhay ko.
Pero pamula nung dumating sya,
Doon ko nakita na kahit gaano ako napapasaya ng kaibigan ko, may taong magpapadoble pa ng sayang nararamdaman ko. Kung gaano ako kahalaga sa buhay ng pamilya ko, sakanya ko nakita na kahit papano may isang tao parin pala na ipapakita sakin na sobra nya akong pinahahalagahan sa buhay nya. At higit sa lahat.
Yung akala kong pagmamahal na nararamdaman ko galing sa pamilya at kaibigan ko, makikita at mararamdaman ko din pala yung pagmamahal na yun sakanya.
Makikita at mararamdaman ko pala lahat ng yun kay Oelejim Louis Concepcion Posadas.
Pero lahat ng yun, nawala.
Akala ko kapag nawala sya, magiging ayos ang lahat.
Ayos naman ako nun diba? Ayos naman ako nung wala pa sya sa buhay ko. Pero siguro nung dumating sya, mas sumaya ako. Nadagdagan yung happiness na nararamdaman ko.
Kaya ngayong wala na sya sa buhay ko, nahihirapan ako. Dahil nabawasan yung happiness na nararamdaman ko. Happiness na nadagdagan ng dumating sya at iparamdam sakin na nandyan lang sya sakin at mamahahalin ako ng sobra.
“FOREVER” at “PROMISE”. Uso ang salitang yan sa couples, right?
Sasabihin nila na Forever tayong dalawa. O kaya, Promise hinding-hindi kita iiwan.
May mga taong nagpatunay na totoo ang mga yan. Na totoo ang Forever at Promise. Pero meron ding taong magaling lang sa salita, hindi sa gawa.
Kami? Ginawa naman naming yung lahat para masave ang relationship e. Kaya lang,
Siguro kung hindi talaga para sa isa’t isa, kahit anong pilit walang mangyayari.
Sabi nila malay mo, kami naman talaga diba? Kaya lang, wala pa sa tamang oras. Malay daw namin, may Part 2 pa. Pero para samin, wala na yun.
Sabi nila, ang magmahal ang isa sa pinakamasayang bagay na pwedeng maranasan ng isang tao. Pero ito rin ang bagay na magbibigay ng pasakit sa buhay ng tao.
Syempre hindi naman maiiwasan yun, right? Kahit sobrang mahal mo yung tao, hindi mo maiiwasang saktan sya.
Ang relationship, parang traffic signs yan e. 1-way, 2-way, Do not enter, No U turn, No left turn, but the best so far is GIVE WAY and KEEP RIGHT. Kayo naman nagpapatakbo ng relationship nyo e, depende na yun if susunod ba kayo sa traffic signs or papatakbuhin nyo lang ang relationship nyo roughly.
Kasi ako, alam ko na ginawa ko ang lahat dahil alam kong ito ang tama.
Ang tama para saming dalawa.
BINABASA MO ANG
ANG PAKIALAMERO KONG EX ❤ (Owy Posadas feat. Chicser)
FanficSa relasyon, once na sinabing ex dalawa lang ang options: From couples magiging enemies. Pwede din namang from couples magiging friends parin in the end. Ang dating cute love team na OwPao saan mag e-end? Magiging enemies ba sila o may mabubuo parin...