I.

20 1 0
                                    


"Lord, alam ko ang selfish selfish ng hiling ko. Alam ko rin maraming mas higit na nangangaylangan neto, kaso Lord nahihirapan po ako, hindi ko alam kung sino ang pagbibigyan ko, mahirap naman kasing hatiin to, baka mamatay pa ko. Hindi pa ko ready mangyari yun. Kaya Lord, sana naman gumawa kayo ng isang himala, sana bukas pag nagpatingin ako sa doctor makita na nila na tatlo ang puso ko. Sabi kasi nila hindi daw ako dapat sakanila dumiretso, nakukulitan na si Doc sakin, hindi na nga nya po ko pinagbabayad ng fee para sa check up ko, hindi rin naman kasi umaabot ng tatlong minuto man lang yung pagtingin nya sakin kaya hindi na rin po ko nag iinsist na bayaran sya, nagdadala na lang po ko ng miryenda nya. Sabi nya nga po dapat daw po sa psychiatrist na ko magpatingin. Tama po ba na sinabi nya yun? Puso ang patitingnan ko at wala naman akong problema sa utak. Alam ko po nagbibiro lang sya nun kaso medyo nagtatampo nga po ko kay Doc kaso naiintindihan ko naman po kung bakit nya sinabi yun, siguro iniisip nya na masyado lang akong na i-stress kaya kaylangan ko ng pwedeng makausap pero di naman po ganun kalala kaya hindi ko na kaylangan magpakonsulta dun. Hayy, pero Lord yung wish ko tuparin mo naman po. Thank you po saka I love you. Bukas naman po ulit. "
pabulong na dasal ko. Nang matapos na ko ay inayos na ang mga gamit ko at naghandang umalis.

"Weird..." pabulong din na sabi ng babae na katabi ko kani-kanina lang. Hindi ko naman gaanong pinansin dahil baka kasama lang sa dasal nya yun. Kaya lang medyo tinamaan ako sa sinabi nya.

Siguro nga masyado kong wirdo para humiling ng ganoong bagay. Alam kong imposible at napakalabo talagang mangyari. Hindi naman talaga pwede e, na maging tatlo ang puso ko. Nakakatawa ano? Napaka selfish ng hiling ko. WISH lang naman yun e at kahit siguro magkaron ng pakpak ang baboy e malabong magkatotoo yun. Lagi ko hinihiling yun, simula ng makilala ko sya o sila? Akala ko kasi iisa lang sya. Ang tanga ko para di mapansin ang mga yun. Kaya pala minsan nagtataka sya sa mga sinasabi ko kasi hindi pala sya sya. Ang gulo no? Ako rin e naguguluhan. Kahit tong puso ko gulong gulo na. Kaya nga hinihinling ko na sana tatlo na lang ang puso ko, para masolve agad tong problema ko, kaso hindi e. Kaya kaylangan kong pumili kaso ayoko talagang pumili kaya eto simula ng malaman ko ang bagay na yun at simula ng maramdaman ko to lagi kong pinagdarasal na magkatotoo yun. Minsan din hinihiling ko na sana di ko nalang sya o sila nakilala para matigil na tong kahibangan ko, kaso kasalanan ko rin naman kasi ako ang naunang nag approach kaya ayan tuloy eto kinalabasan.

Naupo muna ko sa bench malapit sa chapel. Napangiti ako sa mga naalala ko. Dito nagumpisa yun e, dito ko sya unang nakilala.

****

∩__∩
hello po.. hihi alam ko di nyo sya magets, hahaha ako rin di ko po sya magets, sa totoo lang di ko po kc alam kung pano ko sya uumpisahan, kaya ganyan po yung ginawa ko.. sa next chapter po FLASHBACK po yung mangyayari, eto po kasing 1st chapter is yung result na. Kaya po yung mababasa nyo sa mga next chapter is puro flashback na... okiie >_< pasensya na..sorry maigsi..

Triple HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon