III.

8 0 0
                                    


Nagising ako dahil sa may marahang tumatapik sa pisngi ko. Napangiti naman ako ng makita ko kung sino iyon.

"Mang..." medyo antok ko pang sabi.

"Bumangon ka na dyan, ikaw talagang bata ka... hilig mong matulog dyan sa sofa, may kwarto ka naman." Saka tumayo at dumiretsong kusina.

"Mamang naman, ngayon ko na nga lang kayo ulit nakita sermon pa abot ko sa inyo." Habol ko sabay yakap at halik sa pisngi nya.

"Na miss ko po kayo." Paglalambing ko.

"Oo na, namiss na rin kita. Alam ko naman gusto mong ipagluto lang kita ng paborito mo." Sabi nya na nag pahagikgik sakin.
"O sya, kahit di ka naman mag ganyan talagang pagluluto kita. Pumanhik ka na't mag ayos, malapit narin akong matapos magluto." Sinunod ko naman ang sinabi nya. Sya ang pinakamatagal na katulong namin dito sa bahay, kaya lang di na sya pwedeng mag stay dito dahil may katandaan na rin. Dumadalaw lang sya minsan at ipinagluluto ako o kaya pag wala kong pasok ay tinuturuan nya ko magluto. Ayoko kasi ipagkatiwala sa ibang katulong yung pagluluto, nakasanayan ko na kasi yung mga lasa ng pagkaing hinahanda nya. Nakasanayan ko na rin syang Mamang kasi parang second mother ko na rin sya.

Matapos kong magayos ay bumaba na rin ako. Ten pa naman ang pasok ko kaya ayos lang na mag bagal ako. Nadatnan ko naman si Kuya Gie sa sala.

"Aga ah!" Biro ko."tara Kuya Gie kain muna tayo." Pag aya ko at umiling naman sya. Kinunutan ko sya ng noo at alam kong alam nya na ayaw ko ng sagot nya.

"Eto na nga po oh, sasabayan ko na po ng pagkain ang prinsesa." Pagsuko na sabi nya. Napa 'tsk' na lang ako at inunahan na syang tumungo sa kusina.

"Mamang tatlong plato ha, kakain rin si Kuya Gie." Sabi ko at naupo na sa pwesto ko.

----

"Aga mo yatang papasok? Siguro kakatagpuin mo yung lalake kahapon ano?" Panunukso ni Kuya Gie at sinamaan ko naman sya ng tingin. On the way na kasi kaming school at totoo namang napaaga ako ng pasok ngayon.

"Aga aga kuya ha." Banta ko sakanya.

"Oo nga e, aga aga mong pumasok ngayon. Sa pagkakaalam ko kasi ten pa ang pasok mo at sa tantya ko nine palang makakarating na tayo sa school mo. Nakakapagtaka ano? Ano kaya gagawin mo sa isang oras na bakante mo?" sabi nya na halata sa tono ang pangaasar.

"Kuya naman e! Kahapon ko lang nakilala yun okay! At di ko alam kung nag aaral ba yun o kung san sya nagaaral. Saka di naman talaga kami nagkakilala, nagkataon lang na nakalagay yung pangalan nya sa bookmark na nahulog nya. Kaya nalaman ko kung ano yung pangalan nya. Syempre para fair nagpakilala ako. Ayos na ba? Tama na asar ha. Naiinis na ko." sabay irap ko sakanya. Nakita ko naman syang palihim na tumatawa. Habang may binubulong.

"Bahala ka nga!" angil ko.

-----

Naglibot libot muna ko. Isang oras pa bago mag klase pero ewan ko ba, excited akong pumasok ngayon. Wala akong madalas kasama pero friendly akong tao. Hindi ko lang talaga kayang pakisamahan sa pang araw araw yung mga ugali ng mga tinuturi kong kaibigan. Hindi ko naman kasi alam kung kaibigan bang matatawag yun. Pag may kaylangan saka lang nandyan.

Napahinto naman ako sa paglalakad ng makita ko ulit yung lalake kahapon. Naisipan kong habulin sya  para masabayan ko sya sa paglalakad nya. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, pero parang mas lalo kong naexcite nang makita ko sya.

"Hello Thunder." masigla kong bati sakanya. "Dito ka rin pala nagaaral, nakakatuwa naman. Ano palang course mo? Bakit ngayon lang kita nakita dito? Bagong lipat ka lang ba? Kaso di naman pwede yun, ilang months na lang kasi tapos na ang isang sem. Hmm? Siguro di lang talaga ako pala masid sa mga pumapasok dito kaya di kita napapansin dati. Pupunta ka ba ulit sa puno ng balete mamaya?" Dirediretsong sabi ko sakanya. Bakas naman sa mukha nya ang pagkamangha at pagtataka.

Triple HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon