IV.

10 0 0
                                    


Yung hindi mo ma explain yung nararamdaman mo. Sa sobrang dami ng emosyon, para kang matatae, na masusuka na para kang sinasakal. Pakiramdam ko nangyayari lahat sakin ngayon yun. Pauwe na kami ngayon. At dahil sa halo halong emosyon ang nararamdaman ko, hindi ko na nagawang pansinin yung panunukso ni Kuya Gie sakin kanina. Tahimik lang buong byahe, siguro napansin din ni Kuya Gie na masyado kong tense kaya di na rin nya ko nagawang biruin.

Hindi pa man naipaparada ni Kuya Gie ang saaakyan ay agad na kong bumaba.

"Pa!" tawag ko kahit hindi pa ko nakakapasok ng bahay.

"Pa-." napahinto ako sa pagtawag ko kay Papa dahil sa babaeng maganda na nakaupo ngayon sa sofa. "uhh hello po." nahihiyang sabi ko sa babaeng nakaupo. Sa tingin ko ka edaran lang din sya ni Papa. Maganda sya, simple pero eleganteng tingnan at mukhang mabait. Ngumiti sya sakin at parangmasaya sya na makita ako. Kilala nya kaya ko? Napayuko na lang ako dahil na hihiya ako sa inasal ko kanina.

"Ikaw ba si Strawberry? Tama nga ang kwento ni Steve, napaka ganda mong bata." lumapit sya saakin at yumakap. Naiilang ako sa ginagawa nya. Hindi ko sya kilala at wala akong maalala na na meet ko sya kahit isang beses palang. Pero sa ginagawa nya ngayon parang kilala nya ko matagal na. At ano daw Steve? ibig sabihin malapit kay Papa ang babaeng to dahil sa pagtawag nya ng pangalan ni Papa na wala man lang ka pormal pormal. Bigla naman akong kinabahan pero iniwaksi ko agad iyon dahil ayoko magisip ng mali.

"Uhmm.." ingit ko dahil naiilang na talaga ko sakanya. Kanina pa kasi sya nakayakap sakin kaso ayoko namang maging bastos at palayuin na lang sya. Mukha namang syang nakaramdam at sya na ang kusang lumayo.

"Sorry.. asdfghjkl." hindi ko ganong naintindihan yung huli nyang sinabi dahil sinadya nya yatang ibulong iyon. Nagkibit balikat na lang ako. Napansin ko naman nakamasid lang si Mamang samin at nakangiti. Nginitian ko sya at lumapit sakanya para magmano.

"Sige na iha, magpalit ka muna doon pababa na rin siguro ang Papa mo." sabi nya at tumango na lang ako at nag paalam sakanila saglit. Madali naman akong pumanhik sa kwarto ko at nag ayos.

"Bat kaya ang weird ng mga tao ngayon?" kanina si Thunder tapos sunod yung bisita ni Papa tapos pati si Mamang. Nagkibit balikat na lang ako ulit at lumabas na ng kwarto. Inabutan ko naman silang naguusap at nagtatawanan sa loob ng kusina. Napatingin sakin si Papa at malawak ang ngiti. Nilapitan ko sya at mahigpit na niyakap.

"Papa.." naiiyak ako. After six years, ngayon ko lang ulit sya nayakap ng ganito kahigpit. Nung huling beses ko syang nayakap ay yung aalis sila ni Mama. "Papa miss na miss ko na po kayo ni Mama." sabi ko at parang limang taong bata na nakasubsob sa mga bisig nya. Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Mas masaya siguro kung nandito rin si Mama at kayakap ko rin. Pero naiintindihan ko naman kung bakit hindi pwedeng magkasama silang makauwe.

"Shhhh.." pagalo nya sakin. "Ang laki mo na, dalagang dalaga ka ng tingnan tapos iiyak kang daig mo pa kindergarten na bata. Mamaya malaman ng boyfriend mo na ganyan ka ka childish iwanan ka non." natatawa nyang sabi na nagpatigil sakin sa pagiyak. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at nakangusong humarap sa kanya.

"Papa.. wala kong boyfriend. Seventeen palang kaya ko, sabi nyo sakin pag thirty na ko saka pa lang ako pwede mag boyfriend." napapangusong sabi ko na sya namang nagpatawa kay Mamang at sa babaeng bisita ni Papa.

"Seriously Steve?! Thirty?! Baka di mo na abutan apo mo non."  natatawang sabi nung babae. Para naman napahiya si Papa sa sinabi nung babae at kahit ako rin nahiya sa nasabi ko.

"I'm just protecting my daughter, ayoko lang na masaktan sya mas lalo na ng ibang tao."sagot ni Papa at iiling iling lang yung babae. Bumaling naman ng tingin sakin si Papa at parang may gusto sabihin.
"but  baby hindi ko naman sinabi na seryosohin mo yung bilin ko sayo, syempre ayoko naman maging iba ka. Gusto ko rin ma experience mo kung ano yung nararanasan ng ibang kabataan. Kaso ayoko lang mabalitaan na umiiyak ka dahil sa ibang lalaki. Ang gusto ko maenjoy mo ang teen age life dahil alam kong pagtanda mo hahanap hanapin mo yun." tumango naman ako bilang sagot.

"At katulad nga ng nabalitaan ko ngayon. Sabi sakin bago ka daw umuwe may kasama ka daw lalake." seryosong sabi nya.

"Pa.. kakikilala ko palang po kay Thunder saka ilang beses na nga nya ko sinungitan parang ayaw nya sakin." nakangusong sabi ko.

"Aba't... teka, wag mo sabihin ikaw ang unang lumapit. Nagugustuhan mo ba yung lalaking yon?"

"Papa kasi ganto yun..." at ikinuwento ko sakanya kung bakit ako ang unang nag approach kay Thunder. "Saka Pa gusto ko po sya pero hindi naman po yung katulad ng nasa isip nyo. Magaan lang po talaga ang loob ko sakanya kaya gusto ko po sya kaibiganin." paliwanag ko. "at Papa, wala po ba kayong balak ipakilala sakin yung bisita nyo?" saka hinarap ko yung babaeng ngiting ngiti kaming pinagmamasdan habang naguusap ni Papa.

"Oh sorry I forgot, anyway sya si Tita Cristalyn mo and she's my childhood bestfriend." tumango ako at nginitian si Tita Crystal. Kaya pala parang malapit sya kay Papa.

"Nice to meet you po Tita, bagay na bagay po sa inyo yung pangalan nyo." sabi ko at ngumiti sya bilang sagot. Bakit parang nahihiya sya sakin ngayon? Wirdo talaga.

Napuno naman ang ingay ang buong kusina. Kahit na kumakain kami ng dinner ay hindi parin matapos tapos ang usapan. Nasabi ko rin kay Papa na ako nangunguna sa lahat ng may Course na katulad ko. Nasabi ko na din yung about sa scholar at yung sa proposal gusto kong mangyari. At hindi nga nagkamali si Maam dahil proud na proud sakin hindi lang si Papa pati na rin si Tita Crystal at si Mamang. Kaya din pala hindi makauwe si Mama kasi hindi maiwan yung business doon. Alam ko naman na dahil dun yun. Nang matapos kami ay pinag pahinga ni Papa si Tita. Sabay pala silang umuwe dito at nalaman kong mag business partners din pala sila.

"Pa.." tinabihan ko sya saka ikinawit ang braso ko sa braso nya. Sobrang namiss ko yung ganitong paglalambing ko sakanya.

"Oh bakit di ka pa natutulog? Diba maaga pa pasok mo bukas? Halika na, ihatid na kita sa kwarto mo." sabi nya at tinanggal ang pagkakawit ng braso nya sa braso ko at saka ko inakbayan.

"Pa.. mag stay ka na po ba ulit dito?" alam kong hindi pero hindi naman masamang umasa diba? Umiling sya at ngumiti.

"Pasensya na anak, one week lang ako dito. May kakausapin lang akong tao na pagbibilhan ko ng area para sa bagong branch ng business natin. Balak kasi namin ni Mama mo na magtayo na rin dito para mapadalas na rin ang paguwe namin." Napangiti naman ako sa sinabi nya. Kapag nakapag patayo na sila ng isang branch dito sa mapapadalas ko na silang makakasama. Konting antay na lang.

"Sige na, matulog ka na. Lalabas na lang ako pag mahimbing na tulog mo." Humalik muna ko sa pisngi nya at saka humiga. Sa totoo lang kanina pa ko inaantok kaso gusto ko talaga makasama si Papa kaya pinipigilan ko.

"Goodnight Pa.."

"Goodnight Strawberry... sorry anak, sana mapatawad mo kami ng Mama mo." bulong nya. Tumango na lang ako kahit hindi ko maintindihan kung ano ang kinahihingi nya ng tawad at sadyang hinila na rin ako ng antok kaya di ko na nagawa pang sagutin sya.

*****

Vote and comments pahingi.. :) thanks

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Triple HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon