II.

10 1 0
                                    


Kakalabas ko lang ng chapel. Dito ako madalas dumiretso bago pagkatapos ng klase. Ang sarap kasi sa pakiramdam na may napagkukwentuhan ka ng mga bagay na nagyari sayo buong araw. Yung sobrang excited ka sa mga ikukwento mo kasi may maganda nanaman nangyari sa buong araw mo. Hindi ko naman kasi magagawa ito pagdating sa bahay, dadatnan ko lang doon isang tahimik at walang kabuhay buhay na tahanan. Minsan nga hinihiling ko na may magpakita sakin na white lady o kahit dwende man lang doon. Wala man lang kasi ako makausap. Kaya pwede ko na siguro pagtyagaang kausapin ang mga yun. Kaso parang kathang isip lang ng ibang tao yun, wala man lang kasing nagpapakita sakin. Kaya nga ito ang naging routine ko, pagkagaling ng eskwela didiretso ko dito para makipagkwentuhan sakanya. Pakiramdam ko kasi ang saya saya nya pag lagi kong kinukwento kung ano ang mga nangyayari sakin, kahit na alam ko na nakikita at nasusubaybayan nya ako.

Pumunta muna ko sa bench sa ilalim ng puno ng balete. Lagi rin akong madalas dito. Ang tahimik kasi ng lugar na to, wala manlang nagtatangkang tumambay maliban sakin. Alam ko naman natatakot yung iba dahil sa mga sabi sabi na ang puno daw ng balete ang madalas tirahan ng mga maligno, kaso hindi parin ako naniniwala. Wala naman kasi akong kakaibang nararamdaman. Minsan nga nakatulugan ko ang pagtambay ko dito at inabot pa ko ng gabi kaso wala namang iba sa pakiramdam. Natatawa pa nga ko ng may dumaan na lalaki malapit dito tapos napatingin sya sa gawi ko, nagulat nga sya at kumaripas ng takbo. Napagkamalan nya siguro akong white lady, naka dress din kasi ako noon ng puti, ang haba pa noon ng buhok ko.

Napatigil naman ako sa pag hagikgik ng mapansin kong may nahulog sa lalaki na kararaan lang galing sa likuran ko. Wait! Ibig sabihin hindi lang ako ang nagpapalipas oras dito? Galing kasi sya sa likod ng malaking puno na to saka may isa pa kasing bench sa likod at sigurado kong doon sya galing. Napangiti naman ako sa naisip ko at mabilis na pinulot yung nahulog ng lalaki. Isang bookmark, may nakalagay doon na quotation pero di ako sa quotation magkainteres kundi sa pangalan na nakalagay sa ilalim non.

" Thunder Ferrer " nilingon ko ulit yung lalaking nakahulog. Hindi pa sya ganong nakakalayo kaya tumakbo ko papalapit sakanya.

"Wait! Kuyang naka blue!" Sigaw ko habang lakad takbong palapit sakanya. Hindi man lang nya nagawang lumingon. Samantalang yung ibang nakablue na lalaki nagsilingunan. Bingi ba sya? Tinawag ko ulit sya pero sa pangalan na na nabasa ko doon sa bookmark.
"Thunder! Thunder Ferrer!" at sa pagkakataong yun nagawa na nyang lumingon. Putek! Pinagpawisan ako dun ah. Pinakita ko sakanya yung bookmark na nahulog nya pero kunot noo lang ang sinagot nya sakin. Huminga muna ko ng malalim saka lumapit sakanya para iabot sakanya tong hawak ko.

" Hindi mo napansin, nahulog mo ito." Sabay bigay ko sakanya ng bagay na yun. Kinuha nya sakin iyon na wala man lang kahit isang salitang binitawan saka tumalikod para umalis na.

Kung anong kinaingay ng pangalan nya, sya namang kinatahimik nya.

"You're Welcome!" ngiting ngiti pang sabi ko kahit hindi naman nya ko nakikita at kahit di naman sya nagpapasalamat. Siguro nahihiya lang sya mag thank you.

"Strawberry!" Sunod na sabi ko at napansin kong napahinto sya ng sabihin ko yun. Siguro iisipin nya baliw tako pero di ko sinayang yung pagkakataon at saka tinuloy yung sasabihin ko.
"Ako nga pala si Strawberry De Guzman, pero tinatawag nila kong "S". Nakakailang daw kasi akong tawagin sa buong pangalan. A-ahh. .. Sige! Sana magkita tayo ulit! Ingat ka! Ba-bye!" saka patakbong bumalik sa puno ng balete.

"Whooo! Sana pag nagkita kami pansinin na nya ko." Bulong ko, saka kinuha ang gamit ko at dumiretso sa parking lot.

----

"Kuya Gie pasensya na medyo natagalan." saka pumasok na sa loob . Family driver namin sya o parang mas applicable kung sasabihin kong driver ko sya. Sa simula naman kasi ako lang ang pinag da-drive nya kasi hindi naman nagkaron ng time na magkaron kami nila Mama na magkasama sa isang lakaran. Hayyy, eto nanaman yung pakiramdam. Kaya ayoko munang uuwe e, ayoko yung pakiramdam na to.

"Maam uwe na po tayo?" Napanguso naman ako sa sinabi nyang yon.

"Kuya... alam kong haggard ang itsura ko ngayon, pero sa tingin ko naman hindi pa ko nagmumukhang thirty years old para i- Maam mo ako at mag po ka sakin." Mahinahong sabi ko na nagpatawa naman sakanya. Nakakainis! Alam kong nangaaasar nanaman sya. Anim na taon ang tanda nya sakin at para ko na syang kapatid. Lagi kaming ganito, mas lalo pagnakikita nyang nakabusangot yung mukha ko. Pero mukha ba kong malungkot kanina? Kainis! Trip lang talaga ko asarin.

"Kuya naman e! Nakakainis ka!" Padabog na sabi ko pero tumawa lang sya ulit.

"Hayy nako Strawberry bagay na bagay sayo ang pangalan mo, mas lalo na pag nakikita kong asar na asar ka. Grabe ang pula mo. Pero maiba tayo, sino yung lalake kanina? Ikaw ha... ibang lalake na pala tinutunguhan mo para mapagkwentuhan mo ha." Alam nya kasi yung pagtungo ko sa chapel at kung ano ginagawa ko dun. Hindi naman ako ganong nagpaapekto sa sinabi nya, alam ko kasing manunukso lang sya at ang kalalabasan maaasar nanaman ako sakanya.

"Kuya...mabuti pa dumaan na lang tayo doon sa food court at wag mo ng tanungin kung sino yun. Nagugutom na ko."

"Yes Maam" pilyong sabi nya sakin. Kahit kaylan talaga. Inirapan ko na lang sya at bumaling ng tingin sa labas.

Alas syete na ng gabi nang maihatid ako ni Kuya. Hindi naman kasi sya dito nag stay at umuuwi rin sya sakanila. Meron naman katulong kaso pinapapunta ko lang dito pag maglilinis na ng bahay o kaya pag maglalaba. Pero minsan ako na lang din gumagawa para hindi ako masyadong mainip. Bumaba muna ko para magtimpla ng gatas. Sa totoo lang ayoko talagang uuwe dito, ramdam na ramdam ko kasi yung kalungkutan. Wala man lang kabuhay buhay. Pero may inaantay kasi ko, sabi kasi nila six months lang daw kaso six years na yung lumipas. Nakakatawa, ang pangit ng joke nila pero natatawa ko.

Naupo muna ko sa sofa habang inuubos yung gatas ko. Ramdam ko yung maiinit na tubig umaagos sa pisngi ko. Lagi na lang ganito, Parang eto yung nakasanayan ko para makatulog ako. Ang umiyak, kaso nakakasawa rin pala yung ganitong pakiramdam, yung ganitong pagdadrama. Wala naman kasing nangyayari. Sana bukas pag gising ko hindi na ganto. Sana...

*****

Thanks for reading.. vote and comments pahingi.. :)

Triple HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon