Page 3

583 19 3
                                    

Sabado, walang pasok. Kaya heto ako ngayon, nakahiga pa rin kahit tanghali na. Wala naman akong gagawin. Ang boring pag nasa bahay ka.

Hinagilap ko ang aking cellphone nang marinig kong tumunog iyon.

From: Aldrin

Good morning :)

Oh gosh! Sweet!

Magta-type sana ako upang mag-reply pero naalala ko 'yong nangyari kahapon. Napairap na lang ako.

Hindi nga pala kami bati.

Iniwan ba naman ako ni Aldrin mag-isa sa canteen kahapon! Bwisit kasi iyong babae na yumakap sa kanya. Hinila siya palayo sa akin!

Humigpit ang hawak ko sa cellphone.

In-off ko ito at padabog na hinagis sa aking tabi.

Hinilamos ko ang magkabila kong palad sa aking mukha. Bwiset. Naiinis na naman ako.

Because of boredom, lalabas ako. Gusto ko pumunta sa Mall. Baka mabaliw na ako rito sa bahay sa sobrang tahimik!

Wala pa naman akong kasama. Mga busy sa trabaho ang parents ko.

Matapos suotin ang rubber shoes, lumapit ako sa may pintuan para makalabas. Pagbukas ko naman ng gate namin, bumungad sa akin si Aldrin na akmang pipindutin iyong doorbell ng bahay.

Nagulat siya sa pagbukas ko ng pinto. Hindi naman mapigilan ng sistema kong kiligin sa kagwapuhan niya.

Wearing only long sleeve shirt and pants make him so handsome like a professional model! Why oh why?

Parang gusto ko siyang pudpurin ng halik.

Pinigilan ko ang sarili ko sa pag ngiti. Hindi pa ako tapos sa pagtatampo. Anong akala niya? Malilimutan ko na lang basta ang pag-iwan niya sa akin sa canteen kahapon? Na-uh!

Sumimangot ako at umakto na parang hindi siya nakita.

Nilagpasan ko siya pagkasarado ko ng gate. Naramdaman kong sinusundan niya ako.

"Rika..."

Tuloy ang lakad ko. Chin up and poker face.

"Rika, wait!" Tawag niya ulit. Tapos naramdaman ko ang mainit niyang palad na sumakop sa pulsuhan ko. Hinigit niya ako palapit sa kanya.

"Ano ba?!" Galit na sigaw ko habang pinipilit na kumawala sa kanyang hawak.

Tumawa siya ng mahina. Inirapan ko siya. "Aldrin, ano ba?! Bitawan mo ako kasi may pupuntahan pa ako, tsk!"

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Now, I can smell his cool perfume.

"Why are you acting like this? Bakit galit ka pa rin sa akin?" Aniya.

"Hindi ako galit sayo! Sadyang mainit lang ang ulo ko!" Sinubukan ko siyang iwasan.

He snaked his other arm on my belly. Ang pagkakahawak niya naman sa pulsuhan ko ay hinigpitan niya.

I looked up to him. He's smiling brightly. Iniwas ko ang aking tingin.

"Libre na lang kita para hindi na mainit ulo mo." Nakangiti pa rin siya.

Oh god. Pwede na ba ako mahimatay?

Hindi na ako pumalag pa nang hilahin niya ako papunta sa nakapark niyang kotse sa labas. He open the door at pinapasok niya ako. Mabilis siyang umikot papuntang driver seat.

"Bwiset!" Pabulong kong asik. Humarap ako sa bintana. Pinag-krus ko ang aking magkabilang braso sa ilalim ng aking dibdib.

When he turned the engine, tahimik lang ang biyahe pero binasag niya iyon nang magsalita siya.

"Hey... May sasabihin ako sayo." Aniya sa malambing na boses.

May kuryusidad ko siyang nilingon. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano naman ang sasabihin mo?" Masungit kong tanong.

Sinulyapan niya ako. ''Huwag na pala,'' Sabi niya at tumawa. Binaling niya muli ang kanyang atensyon sa pagmamaneho.

Nainis ako.

"Bwiset. Ano iyong sasabihin mo?" Padabog akong gumalaw sa kinauupuan ko.

"Oh!" Humalakhak siya sa pagdabog ko. "Calm down. Galit ka masyado..."

"As if I care? Mayaman ka naman diba? So, okay lang. Madami ka naman kotse, e!" Sinipa ko pa iyong floor ng kotse na inaapakan ko.

Napailing na lamang siya.

"You know what..." Nagsalita siya ulit. "Maganda ka."

Natigilan at napasinghap ako sa biglaang pagsabi niya non. Patago kong kinagat ang ibabang labi ko. Pinipigilan ang kilig na dumaloy sa aking katawan.

Maganda raw ako? Ngayon niya lang napansin? Hmp.

Pinigilan ko na huwag muna mag-react.

"Pero ang ingay mo. Ayoko ng ganoon sa babae."

Nabigla ako. Suminghap ako ng ilang beses. Ano ba ang gusto niyang sabihin? Pinuri niya ako tapos sasabihin niya pa iyong negative side na ayaw niya sa akin? Ang galing niyang manira ng mood!

"Hoy, Aldrin! Hindi ako maingay no!" Sigaw ko. Nakakainit ng ulo ah, maganda na, e... Maganda na 'yong pagkakasabi niya dinugtungan niya pa. Ang hilig niya mang-inis!

Tumawa siya. "Bakit? Totoo naman ah. Tingnan mo, sumisigaw ka."

"Sumisigaw ako kasi nakakainis ka! Anong gusto mo, iyong babae na yumakap sayo kahapon sa canteen? Tahimik at malambing? Pwes, hindi kami pareho ng ugali kaya maghanap ka ng iba na hindi maingay!"

Hiningal ako ako pagkatapos sabihin iyon.

Nakita ko na natulala siya sa aking sinabi.

"Classmate ko iyon. Hindi ko naman siya pwedeng iwasan dahil partner ko siya sa project..." Aniya.

Umirap ako lang ako at hindi umimik.

"Are you jealous?"

Saglit niyang hininto ang kotse sa gilid ng kalsada.

Lumunok ako bago sumagot sa tanong. "Yes, I am." Inamin ko na.

Dumaan ulit ang katahimikan. Ngayon, ako naman ang nagsalita.

"Gusto mo rin naman ako hindi ba?" Mahinang sabi ko. Sinulyapan ko siya. Nagkatinginan kami.

Hindi siya sumagot.

"Libreng umamin," Ani ko pa.

Wala pa rin siyang sagot. Nalungkot ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko at tumingin sa bintana na nasa aking gilid.

Siguro, mali ako. Hindi niya ata ako gusto. Masyado akong assumera. Binigyan ko ng malisya ang pagiging sweet at caring niya sa akin.

"Looks like nag-assume ako masyado." Tumawa ako - tawa na walang buhay. "Sorry..."

"Rika..." He slowly called my name.

"Hmm?" Hinintay ko ang kanyang sasabihin.

"Is... that true?" Aniya. Sinulyapan ko siya. Seryoso ang kanyang mukha. "Nagseselos ka?"

Tumango ako. "Oo. Tsaka, matagal na rin ako may gusto sayo." Nahihiya kong sinabi. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

Hindi na siya umimik.

Tumikhim ako.

"I like you either..." Biglang sabi niya.

Nawala ang kaba at lungkot sa aking dibdib. Marahas ko siyang nilingon. I saw smirk on his lips.

Nilapitan ko siya at hinampas sa braso.

"Bwisit ka! Halata na naman dati pa! Akala mo hindi ko ramdam ang mga da-moves mo?"

Humalakhak siya. "Ang torpe ko ba?"

Ngumiti ako. Ngumiti ako dahil sa kasiyahan. We both like each other. Sana ito na.

"Oo! Ang torpe mo! Sobra!"

END

Torpe (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon