Ang Pagmamahal Ni Mama [One Shot]

2.7K 83 47
                                    

** Dapat talaga sa Linggo ko pa ito ipo-post. Kaso, wala akong time sa Linggo kaya heto, ipo-post ko na. Advance Happy Mother's Day sa mga Inay niyo! :) **

****

“Rose!”

“Yes, madam?”

“You go to Cheche’s school later and pick her up, okay? I’m going to be home late today.”

“Okay mam. Take care!”

Tumango lang siya sa akin at saka lumabas ng bahay. Sumunod ako sa kanya para isara naman ang pintuan. Bumalik ako sa loob ng salas at nilibot ang aking mata sa buong paligid. Bumuntong hininga ako. Nakita ko na naman kasi na nakakalat sa sahig ang mga mamahaling laruan ng mga alaga ko, mamaya ko na sila ililigpit kapag natapos na akong magluto. Nadaanan din ng mata ko ang maliit na kulay kahoy na tukador na may lamang mga litrato.

Kinuha ko ang isang picture frame at pinagmasdan ang imahe ng pamilyang nasa litrato. Ito ang pamilyang kasama ko ng mahigit-kumulang sampung taon na. Dito na nga din ako nakaramdam ng pagtanda. Dito na ako nagka-edad. Dito, sa bansang hindi pamilyar sa akin, ako nagta-trabaho bilang isang OFW.

Sa totoo lang, ayoko talagang umalis ng  Pilipinas. Pero dahil sa kawalan ng pag-asang umunlad ang buhay sa sariling bayan at sa kahirapang maghanap ng trabaho sa bansang iyon ay naisipan kong maghanap ng trabaho sa labas ng Pilipinas.

Mahirap din ang proseso. Medyo malaki din ang nailabas kong pera para lang magkaroon ako ng mga dokumentong magagamit ko sa pagluwas ng bansa. Sandamakmak din na agency ang pinuntahan ko pero sa kabutihang palad, nakahanap naman ako ng mapapasukan.

Sa mag-asawang intsik, sa bansang Singapore ako nakapasok bilang katulong. Meron silang dalawang anak, isang babae at isang lalaki na isa at dalawang taong gulang lang noong unang pasok ko sa kanila. Pero ngayon, pareho na silang nasa elementarya.

Nakakatuwa ngang isipin na sa pangangalaga ko na sila nagkaisip at lumaki ng maayos. Ako ang nagturo kung paano humakbang, ako ang nagbihis sa kanila, ako ang palagi nilang kasama sa eksuwelahan, ako ang nakasaksi ng pagiging marunong nila sa klase. Maraming pagkakataon at kaganapan sa kanilang buhay na ako ang nasa tabi nila.

Samantalang ang mga sarili kong anak, hindi ko man lang nakitang naglakad sa entablado hawak hawak ang diplomang pinaghirapan nila sa eskuwelahan.

Sa pagtitig ko sa larawang nasa kamay ko, hindi ko maiwasang hindi maisip ang pamilyang naiwan ko sa Pilipinas. Kamusta na kaya sila? Ano kayang ginagawa nila ngayon? Iyan lang ang palaging naitatanong ko kada araw pagkagising na pagkagising ko pa lang. Pero hindi lang ‘yan ang madalas kong maitanong. Sa totoo lang, napakarami kong tanong na tumatakbo sa aking isipan sa bawat pag galaw ko sa apat na sulok ng bahay na ito.

Tuwing kakain ako ng tinapay at magtitimpla ng kape sa umaga, iniisip ko kung sila ba’y nakakapag almusal din. Tuwing magluluto ako ng pananghalian at hapunan ng mga amo ko, inaalala ko kung meron din bang pagsasaluhan sa hapagkainan ang pamilya ko. Tuwing hinahatid at sinusundo ko sa ekwelahan ang mga alaga ko, iniisip ko kung may nag-aalaga ba sa mga anak ko ‘pag sila’y nagkakasakit. Tuwing day off ko naman at kakain ako sa labas, iniisip ko din kung nakakatikim din ba sila ng masasarap na pagkain. Tuwing matutulog ako sa kuwarto ko, inaalala ko kung nakakatulog din ba sila ng maayos tuwing gabi. Halos lahat ng kilos ko dito, sila ang naalala ko.

Ang Pagmamahal Ni Mama  [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon