NERDY 2*

52 2 0
                                    

Hindi ko na pansin pagabi na pala masyado akong nadala ng pag-iisip ko.

Naglalakad nako pauwi sa bahay ko ako nalang naman mag-isa wala na akong pamilya ang kaisa-isa kong pamilya nawala pa kaya ngayon alone ako pero may company na naiwan ang aking mama at yun nalang ang nag sisilbing ala-ala na naiwan niya sakin kaya inaasikaso ko yung company namin kahit araw araw akong pumapasok sa school, ang akala ng lahat na mahirap lang ako dahil sa isa lang akong scholar at sa mga suot kong damit na mahaba ayokong pumorma dahil lang sa gusto kong sumikat , dahil kahit hindi ako pumorma sikat na ako sa school na pinapasukan ko , ikaw ba naman araw araw asarin, pagtripan hindi ka magiging sikat hinahayaan ko lang sila dahil wala akong panahon sa walang kwentang bagay mas gugustuhin ko pang mag isa lang kesa makisama sa mga pakitang tao.

Nandito nako sa bahay ko hindi siya gaanong malaki sakto lang para saakin dumiretso agad ako sa kwarto ko dala siguro ng pagod humiga ako sa kama ko.

**~~~~~ KINABUKASAN ~~~~~**

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako, bumaba na ako at dumiretso sa kusina para mag luto ng agahan at baon ko para mamaya .

Tapos nako sa morning rituals ko saglit lang naman ako magayos eh dahil malapit lang ang iskwelahan ko nilalakad ko nalang sayang pamasahe,
Kung tinatanong niyo kung may kaibigan ako wala.

Ang bastos ko ba?! Sorry hindi pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si COLEAN ZYRE SHIN Nag aaral sa VU *villiafuerte university* 2nd year highschool .

Habang dumadaan ako sa hallway, nag iingay nanaman sila dahil dumating na ang clown nila hindi ba sila nagsasawa sa mga ginagawa nila , araw araw mang aasar , mantitrip at mambubully.

" hoy, panget na nerd" Sabi sakin ni Sheena habang hinharangan ang dinadaanan ko, at kasama pa ang alipores niya.

"Wala akong balak makipag away sayo kaya pwede padaanin niyo na ko" mahinang sabi ko kay sheena.

"Aba sumasagot kanang nerd ka ha. Pwes eto ang sayo" sinabunutan na niya ako at sinampal, hindi ako lumalaban dahil ayokong makasakit hangat kaya kong pigilan sarili ko gagawin ko.

Umiiyak nako dahil sa sakit ng sabunot nila. "hoooooy! Tigilan niyo yan, bakit ba palagi niyo nalang siya sinasaktan ano ba ang ginawa niya sa inyo ha! " galit na sigaw nung babaeng maganda para siyang dyosa .

"Oh. Hi, Janie bakit ba nakikisali ka dito wala kang pake kung ibully namin siya araw araw bakit mag kaibigan ba kayo? " naka smirk niyang sabi dun sa Dyosang babae.

"Hindi kaba inform na magkaibigan kami" nakingiting mapang asar si dyosa , dahil sa hindi ko kilala yung babaeng tumulonh sakin kaya dyosa nalang tawag ko sa kanya.

"Sige. Pagbibigyan kita ngayon nerd. Bye bitch! " malandinh sabi niya makapag sabi ng bitch , akala niya siya hindi.

"Ahmm. Thank you nga pala sa pag tulong " nahihiyang sabi ko kay ateng dyosa.

"Wala yun, bakit kasi ayaw mo lumaban sakanila hmm. Btw friends na tayo ha. " masayang sabi niya , makikipag kaibigan ang dyosa sa isang nerd? Parang ampanget naman nun.

"Ahmm. Ano kasi..."
"Hindi ako tumatanggap ng No. Tsaka yun nalang ang pambayad ko sa pagtulong ko sayo :) " waaaah. Ang ganda ng ngiti niya shooooocks! Makakatangi ba naman ako.

"Ahmm. Sige friends na tayo :)" nahihiya kong sabi.
"Sige , anong room mo!? Besty? " tanong biya sakin. Yuck! Ang corny nang besty. Eww.

"2A ako eh."
"Yeheeey! Mag kaklase pala tayo tara na besty" magiliw na sabi niya habang nakakapit sa braso ko na akala mo unggoy lang eh.

Nakrating na kami sa room , gosh! Ang ingay niya tas panay kwento wala naman akong panahon sa pag kukwento niya dahil nakikinig ako sa teacher.

NERDY - GANGSTER .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon