Chapter 4

144 21 7
                                    

Chapter 4

Hindi itsura ang batayan ng ugali…

Si Chase ay parang isang mysterious guy lang na pumasok sa buhay ko. Alam mo ‘yun? Out of nowhere, biglang may nag-Poof! At niluwa ng kalangitan si Chase.

Hindi ko pa siya lubusang kilala. Wala akong alam sa family background niya, sa educational background niya. Basta ang alam ko, magka-year lang kami. Isa pa, ni hindi ko rin pala alam kung pano siya napunta sa debut ko!

Oo. Siya ‘yung lalaking nagsayaw sa akin nung iniwan ako ni Jay mag-isa sa dance floor. Si Chase ‘yung lalaking ‘yun. Kaya nga siya naging mysterious eh kasi para siyang intruder na gusto lang pala akong iligtas. Hahaha!

Mabait si Chase. Mukha mang strong ang characteristics niya, pero mabait talaga siya! Looks can be deceiving, though. Hindi naman porket strong ang itsura ay strong na siya ah! Minsan kasi hindi talaga ang itsura natin ang nagre-reflect sa ugali natin. Though, may times talaga na tugma ‘yung ugali natin sa itsura natin.

Kahit na parang stranger man sa akin ‘yung life background ni Chase, naging malapit naman kami sa isa’t isa. Sa loob ng isang buwan, feeling ko isang taon ko na siyang kilala. Tapos nung May 21, may ginawa siyang surprise sa akin. Post-debut party ko daw. Daming alam, ano? Hahaha!

Pero sa post-debut party na ‘yun, walang invited. Kahit parents ko, wala. Siya lang talaga ‘yung nadun. Nung una, nada-doubt ako kasi hindi ko pa naman siya ganun kakilala. Pero tulad nga ng sabi ko, it’s been a month, but it felt like a year has passed by. Hindi ko man alam ang storya niya, pero feeling ko kilala ko na siya. Baliw lang, ano?

“Happy birthday!” Bati niya sa akin.

Nasa isang gazebo kami sa isang public park sa city namin. Medyo wala namang tao sa paligid, at madilim na ang paligid. At tanging ‘yung mga parang Christmas lights na lang sa gazebo ang nagpapa-ilaw dun sa may parte na ‘yun ng park.

Kung ano-ano pa ngang nakalagay dun eh. Mga roses na parang kinalat lang sa paligid, mga kung ano-ano pa na parang kinalat lang diyan pero may design talaga ‘yun. ‘Di ko lang mapansin kasi feeling ko nakakalat lang ‘yun. Hahaha!

“Ano bang trip mo?” Biro ko sa kaniya. Syempre, na-appreciate ko ‘yung surprise niya na ‘yun. ‘Di naman ako manhid na walang pakielam sa mundo. Kahit dalawang beses na akong inagawan, ‘di pa rin ako nagiging manhid. At ‘di ako magiging ganun. Pwede akong magbago. Pero never ako magiging manhid. *wink*

“’Di mo ba nagustuhan?” Malungkot niya naman tanong sa akin. Hahaha! Natatawa ako! ‘Di bagay sa kaniya ‘yung mukhang ‘malungkot’ eh. Hindi kasi bagay sa kaniya. Strong nga ‘yung itsura niya, dba?

“Syempre, nagustuhan ko! Ano ka ba!” Sabi ko sabay tawa. Baliw na ako eh. Harhar. Hahaharot!

Pinidot niya na ‘yung isang cassette at nagsimula ng tumugtog ‘yung kanta. Pangit ng kanta. Joke! Ayoko kasi sa kantang ‘yun. Kanta kasi sa akin ‘yun ni Zac eh. *pouts*

Another Cliché Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon