Chapter 1

387 25 4
                                    

Chapter 1

Mahirap kalimutan ang nakaraan…

“Audrey! Tara na!”

“Pababa na, Chase!”

Err. Ang bilis-bilis niya kasi masyadong kumilos eh. Sabagay. Lalaki siya eh. Pero ‘di naman siya marunong maghintay? ‘Di na ba uso ang ‘Patience’ ngayon? Nako. Baka nagkakaubusan na. May ilang malls nga daw na out of stock na ‘yun eh. Err. K. Ako na corny.

“Nandito na ako!” Sigaw ko sa kaniya. Shemay! Ba’t ba ang gwapo-gwapo ng lalaking ‘to? Naka-blue v-neck na t-shirt lang siya ngayon tapos black na skinny jeans. Simple lang ano? Pero sobrang gwapo niya. Kaya nga na-in love ako sa kaniya eh.

Oy! Pero hindi lang ako sa looks niya na-in love ah. Mabait din kasi siya. Caring, makulit, and all those other stuffs that you’ll love for a guy. Para sa akin, perfect siya. Pero ‘di talaga siya perfect. May flaws din siya but I don’t care. Normal na flaws lang naman ‘yun eh. ‘Di siya ganun kalala.

“Ang ganda mo talaga.” Sabay pisil sa cheeks ko. Ang ganda ko daw oh! Harot! Hahaha! Kaso wala eh. Hanggang best friends lang naman kami eh. Ewan ko. Nahihiya kasi akong umamin eh tsaka ayokong isugal ‘yung friendship namin. Sayang ‘yun, if ever man.

“Loko ka talaga!” Sabay tulak naman sa kaniya. Err. Libreng chancing na rin sa abs niya. Hahaha! Harot! Ay, sorry. Dapat nga pala Rated PG ‘yung story. *facepalm*

“Tara na nga!” Aya ko sa kaniya. Baka ma-late pa kami dun ano! Bawal pa naman ma-late. Baka kasi ma-special mention pa kami dun eh. Hahaha!

Ang rude ko pala. ‘Di pa pala ako nagpapakilala! My name is Audrey Gayle Minos Delara. Single and ready to mingle. Harot! Kaka-eighteen ko lang nung April 21. Syempre, nag-debut ako. Pero ayoko ng alalahanin ‘yung mga pangyayari nung araw na ‘yun. Masyadong masakit eh! Ayoko ng ikwento! Isa pa, dalawang buwan na ang lumipas simula nung nag-debut ako. Tsaka may pupuntahan pa kami ngayon ni Chase. Palusot.com Hahaha!

Orientation at enrollment namin ngayon. Incoming third year college na kaming dalawa. Pareho nga course namin eh! BS Applied Chemistry and Management. ‘Di niyo alam ‘yan! Isa kasi ‘yan sa mga unique courses na ino-offer ng school na lilipatan namin. Yup. Lumipat kami ng school. Bakit? Long story. Tsaka, dito ko naman talaga gustong mag-aral noon pa. Hindi lang talaga ako pumasa sa passing rate ng campus na ‘to kaya nalipat ako sa ibang campus. Kaso after two years pa ako nakalipat kasi kailangan ko munang makumpleto ‘yung 30 units ko. Actually, ito rin ‘yung course ko sa isang campus, kaya nga hindi ko na kailangang bumalik pa ulit sa pagiging first year eh.

Pero feeling ko, first year pa lang ulit ako. Bagong friends, bagong professors, bagong aura na mararamdaman, bagong environment, bagong building, at bagong campus. Jusko. Ba’t ba kasi ang lalaki ng campuses ng University na ‘to? Pero, go lang. Kasama ko naman si Chase eh. Harot! *blush*

“Oh, ba’t nakangiti ka?”

“Bawal na ba ngumiti ngayon?”

“Grabe ka. Nagtatanong lang naman ako eh.” Sabay pout. Aba! Pa-cute pa ang loko. Grabe siya. Hindi niya ba alam na mas nai-in love ako sa kaniya? Hahaha!

“Oo na. Oo na. Pa-cute masyado!” Sabay pisil sa cheeks niya. Ang sarap kayang pisil-pisilin ng cheeks niya! Medyo chubby kasi eh pero normal lang naman. Masarap lang talagang pisilin. Hahaha!

“Aray! Aray!”

“Ay sorry!” Sabay haplos sa mukha niya. Grabe. Namumula na ‘yung pisngi niya! Grabe. Ganun na ba ako kagigil sa pisngi niya? Hahaha!

Another Cliché Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon