AN: Play the music for better reading :)
Jam's POV
Tumakbo ako sa ambulansya, nakita kong isinasakay si Kenneth pati ang isang lalaki"Ken!" tumakbo ako papunta sakanya pero hinarang ako ng isang lalaki
"Sorry miss, hindi po kayo pwedeng sumama sa loob ng ambulansya, sumunod na lang po kayo" napaupo ako at umiyak, kasalanan ko to, kapag may nangyaring masama kay Ken, wala akong ibang sisisisihin kundi sarili ko, kung sana binigyan ko sya ng chance
"Halika na, susundan natin" sumama ako kay Ivan
"WTF?!!!" napatingin ako sakanya, halata ang inis sa mukha nya, ayaw gumana ng sasakyan
"Ivan, gumawa ka ng paraan please, kailangan natin abutan si Ken" sabi ko habang umiiyak
"Dyan ka lang ha?" tumakbo si Ivan, hindi ko alam kung saan sya nag-punta, iyak parin ako ng iyak, si Ken, paano kung-- paano kung may masamang mangyari sakanya?!
"Tahan na Jam, nandito lang ako palagi" isang boses ang narinig ko
"Kenneth?!" napalingon ako sa kaliwa at kanan, sigurado akong narinig ko ang boses ni Kenneth.
"Jam, halika na" dumating na si Ivan, sumakay na rin ako sa taxi, papunta na kami sa ospital, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko
"I love you, Jam" boses ni Ken, napahagulgol ako
"Ken" bulong ko habang umiiyak "Lord, please, wag nyong hahayan na may mangyaring masama kay Kenneth, hindi pa ako handa, magkakaanak pa kami, bubuo pa kami ng pamilya, magpapakasal kami, wag mo syang kunin ngayon, wag mo munang kunin ang lalaking pinaka mamahal ko, hindi ko kaya, lord, please" dasal ko sa utak ko habang umiiyak.
Nakarating na kami sa ospital, dumiretso kami ni Ivan sa ER, sinalubong kami ng isang lalaking kasama nya kanina, nakaupo sya sa tapat ng ER
"Ikaw si Jam diba? Ok na ako, pinukpok lang ako sa ulo, pero si Kenneth, hindi ko pa alam, maging matatag tayo sa pwedeng mangyari" sabi nya, nanghina ako sa mga sinabi nya
"Lord, iligtas mo ang asawa ko, bigyan nyo sya ng lakas para makaya nya, lord nagmamakaaawa ako, iligtas nyo si Kenneth" dasal ko sa utako ko, lumabas na ang doctor, hindi ko nagustuhan ang itsura nya, nakayuko sya
"Kayo ba ang kasama ng pasyente sa loob?" tanong ng doctor "Opo, ako po ang asawa nya" sabi ko naman........
"Sorry, pero tumagos ang bala sa puso nya mula sa kanang braso nya, ginawa namin ang lahat, ilalabas na namin mamaya ang bangkay nya, mamaya nyo pa sya pwedeng makita" sabi ng doktor.
Nabingi ako sa sinabi ng doctor. Hindi ko alam kung anong irereact ko, ano nga ba dapat? Hindi ko alam, nagagalit ako, nalulungkot, naiiyak, gusto kong patayin yung doktor sa harap ko at ang taong gumawa nito kay Ken"DOCTOR?! DOCTOR ANG TINGIN MO SA SARILI MO? HINDI MO NAILIGTAS ANG ASAWA KO! PLEASE, NAGMAMAKAAWA AKO, SUBUKAN MO ULIT" lumuhod ako sa harap ng doktor habang umiiyak
"Jam" sabi ni Ivan, at saka ako niyakap, hinawakan ko ang kamay nya, ang sakit, ang sakit sakit, ang dami ko pang pangarap sa buhay na tutuparin ko kasama sya.
May isang nurse na lumabas sa ER, hila hila nya ang isang bangkay. Tumayo ako agad nakita ko ang buhok, lalaki, gusto kong tignan ang lalaki sa likod ng telang puti pero natatakot akong buksan, hindi ko kaya, pero paano kung hindi sya si Ken? Paano kung lumalaban parin pala si Kenneth ngayon? Lumapit ako sa bangkay, dahan-dahan kong tinanggal ang tela sa mukha nya
"Ken" iyak ko at saka niyakap si Ken, biglang bumuhos ang malakas na ulan, parang nakikisabay sa nararamdaman ko. Niyakap ko ang katawan nya, mahigpit, sobrang higpit
"Ken, gumalaw ka please, I love you, hihintayin ko ang I love you too mo, kaya please sumagot ka, Ken"
Vote and comment, please.
BINABASA MO ANG
Through It All (One Shot)
RomanceSa buhay pag-ibig, madaming epal, madaming pagsubok, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa mahal mo? Paano kung isang malaking problema ang dumating sa inyo, susuko ka na ba agad? O mas pipiliin mong hawakan ng mahigpit ang kamay...