13

48 4 0
                                    

Jam's POV

"Jam, nung isang linggo ko pa dapat ibibigay sayo ito, muntik na mabulok sa bulsa ko, alam mo, isa lang ito sa pagdadaanan natin, marami pa tayong pagdadaanan, Jam, ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, ang magiging ina ng mga anak natin, Jamaica Theresa Madrio, will you marry me?"

Mangiyak ngiyak ako sa sinabi nya "Syempre naman, Ken. Oo!" hinila ko sya pataas sa pagkakaluhod nya at saka niyakap.

Pinunasan ko ang mga luha ko at saka tumingin sakanya

"Ken, anong gusto ipangalan natin sa baby natin?" nagulat si Ken, nakatulala lang sya

"FUCK! Buntis ka?!" sigaw nya ng naka-ngiti

"Haha oo, 1 month pregnant, hon" sabi ko at saka nya ako binuhat at hinalikan.

Wala na akong pakialam kung nasa hallway kami ng ospital, kung maraming nanunuod, basta kasama ko na ang mahal ko ngayon, sya lang at ang baby ko ang importante sa akin

"I loveeee happy endings" sabi ni Lyra at saka nag-punas ng luha, napatingin kami sakanya, at napatawa.

"Congrats ate" sabi ng isa "Congrats, sweet nyo po woooh" sigaw naman ng isa kanina pala 'tong mga tao dito

"Hon, lika na" sabi ni Ken at saka hinawakan ang kamay ko.

Naglakad kami paputa sa kwartong pagpapahingahan nya 

"Hon, anong ipapangalan natin kapag babae anak natin?" tanong ko

 "Hmm, gusto ko little Jam at Kenneth Junior eh" 

 "Ehem ehem" singit ni Ivan

Nasimangot naman si Ken "Ivan, maraming salamat ha" sabi ko kay Ivan 

"Wala yun, mauuna na ako ha? Tawagan nyo nalang ako kapag may kailangan kayo, pre congrats" sabi ni Ivan at saka umalis na. 

"Hon, parang gusto ko ng soccer team" walang ya

 "Sige! Ikaw manganak! Kala mo madali manganak ha!" sigaw ko kay Ken

 "Hahaha joke lang hon, pero the more, the merrier" sabay halik nya sa noo ko

 "Malapit na hon, magiging Jamaica Theresa Madrio-Valmonte ka na" 


AFTER 8 MONTHS

Ken's POV

Kakauwi ko lang galing trabaho, pagod na pagoad ako, pero kapag nakikita ko asawa ko, nawawala lahat 

"Hon! Nandito na ako" sigaw ko saka pumasok ng baha

 "Nandito sa kusina" rinig kong sigaw ni Jam

Ang laki na ng tyan nya, ilang linggo nalang, magiging ganap na ama na ako

 "Hi hon, napagod ako, kiss ko?" sabi ko at yumakap sa likod ni Jam at hinaplos ang tyan nya 

"Hi baby boy, bilisan mong lumabas tapos maglalaro tayo palagi huh, tuturuan kitang manchix!" sabi ko at saka ako hinampas ni Jam

 "Hoy ah!" sabi nya at sumimangot

 "Joke lang hon" at hinalikan ko sya sa labi. Kumakain na kami, tahimik lang, halatang gutom kami pareho. 

"AHHHH" sigaw ni Jam, agad ko syang nilapitan

 "Hon, ok ka lang?" tanong ko

 "Yung tyan ko! Ughhhhh hon, dalhin mo na ako sa ospital" sigaw nya, binuhat ko sya papunta sa kotse, nagmamadali akong magdrive, manganganak na yata si Jam

 "Tangina ang sakit! Gago ka Ken, hindi ka na makakaulit sa akin ahhhhh" sigaw ni Jam

 "Honey, hawak ka sa damit ko, kapit ka lang, malapit na tayo" sobrang natataranta ako, traffic pa.

 "Baby di ko na kaya, lalabas na" shhht! Itinabi ko ang sasakyan sa kahabaan ng EDSA 

"Baby, sa likod tayo" inalalayan ko sya papunta sa likod at inihiga

 "Lalabas na ba talaga?" tarantang tanong ko sakanya 

"Oo hon! Ahhhhhhhh" binuhusan ko ang kamay ko ng alcohol, itinaas ko ang bistida nya at tinanggal ang panty nya, napalunok ako, hindi ko alam ang gagawin ko pero susubukan ko.

 "Baby hinga ka ng malalim at saka umire ha? Isa, dalawa, tatlo, ire!" sigaw ko

 "Ughhhhhh" ire ni Jam, medyo lumalaki na ang butas nag pagkababae nya at may lumalabas na tubig 

"Hon isa pa ha? 1, 2, 3 ire!" pagkaire nya eh nakikita ko na yung bunbunan ng anak ko

 "UGHHHHHHHHHHH" ire ulit ni Jam, hinahaplos ko ang tyan nya

 "Baby sige pa, kayanin mo" at saka haplos ulit sa tyan na

 "Ughhhh tangina mo Ken ughhh hindi ka na talaga makakaulit sa akin" ire ni Jam 

"Baby naman, ire pa, lalabas na yung ulo" malapit na, konti nalang 

"UGHHHHHHHHHH" lumalabas na yung katawan nya

 "Baby, isang ire pa, lakasan mo, hinga ka ng malalim, 1, 2, 3"

 "UGHHHHHHHHH" at tuluyanng lumabas ang baby, hawak hawak ko sya ngayon, ang liit, parang bote ng 1.5, ako ang nagpaanak sa sarili kong anak, sa sobrang tuwa ko, lumalabas yung talent ko, naluluha ako shht 

"Baby, putulin mo yung pusod" sabi ni Jam 

"Huh, paano ko puputulin?" umiiyak yung baby ko 

"H-hon, hindi pa tapos, may isa paaaa" WTF?! Kambal! Ipinatong ko ang little Jam sa dibdib ni Jam, babae ang panganay ko 

"Baby, kagaya lang ng kanina ha, relax lang, hinga ng malalim 1, 2, 3 ire" at saka umire si Jam, nahirapan kami sa pangalawa dahil medyo malaki ito 

"Ughhhhhhhh" sa huling ire ni Jam at lumabas na yung bata, kinuha ko yung dalawang face towel ko at saka ibinalot sa dalawang bata, buti palagi akong may dala, dumiretso na kami sa ospital para maputol ang pusod at malinis ang littel Jam at kenneth junior ko.

 "Hon, ok ka na ba?" tanong ko kay Jam na nagpapahinga na 

"Baby, ang sakit" sabi nya sa akin at niyakap ko sya

 "Baby, natupad agad ang hinihiling natin, isang Ma. Jamaica at Kenneth Jr" sabi ko at saka sya tumawa

 "I love you, Jam. I love you so much" sabi ko at hinalikan ko sya sa noo.


Through It All (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon