Chapter 12. Hindi na!

387 19 1
                                    

SHARLENE'S POV

"Okay class! Congratulations sa inyong lahat! Masaya ako na makaka graduate kayo at sana, magamit nyo lahat ang natutunan nyo dito sa school natin para mapaunlad ang bansa natin."

Napangiti ako.

Hindi ako makapaniwala!

Gagraduate na kami! Yehey.

"Wuu! Sa wakas! Salamat Lord gagraduate na kami!"-Angel-

"Sa wakas! Buti na lang ang natapos na ang pagpapahirap satin ng mga prof! Makakaalis na tayo sa SCHOOL NA TOOO!"-Gail-

"Masaya nga! Pero promise guys! Mamimiss ko kayo!"-Mildred-

Bigla kaming nalungkot.

"Swimming naman tayo!"-Angel-

"Oo nga! Last bonding natin bago grumaduate!"-Gail-

"Tama! May alam ako! Sa San Pablo Laguna! Sa Bato Springs! Maganda dun!"-Mildred-

Natawa na lang ako sa kanila. Ang bilis magbago ng mood nila e.

"Oo nga pala! Maiba nga tayo!"-Gail-

Nagtinginan silang tatlo.

"Oo nga pala Shar! Abay kami a!"-Mildred-

"Ha? Anong abay? Anong sinasabi nyo?"-ako-

"Hay nako! Nagkakaila pa! Diba ikakasal na kayo ni Joaquin pagka graduate natin?"-Angel-

Nanlaki ang mga mata ko.

Oo nga pala! Oo! How could i forget that?

"Wag mo sabihing nakalimutan mo?"-Gail-

"Hindi a!"-ako-

"Nakaka excite! Yehey!"-Angel-

"Speaking of the kasal... ayan na ang groom to be mo!"-Mildred-

Napatingin ako sa tinuro ni Mildred.

Si Joaquin! Sino pa ba?

Tinawag nya ako.

Pagkalabas ko ay nagulat ako ng makita kong ang daming estudyante sa likod nya na nakapila.

"Anong meron? Bakit kayo nakapila?"-ako-

Lumapit sakin yung isang estudyante. Inabutan nya ako ng pink rose na may note.

I love the way you talk.

At isa- isa na ngang nagsilapitan sakin ang mga estudyante. Nangyari na to e! Natatandaan ko!

I love the way you laugh.

I love the way you walk.

I love the way you smile.

I love the way you love me.

And I promise i'll love you forever without hesitation.

I promise my love for you will never change.

Lumapit sakin si Joaquin at inabutan ako ng mga bulaklak.

"And i also promise that i will love you more everyday."-Joaquin-

Hindi ko alam na napaluha na pala ako.

"Shar, ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Ikaw lang ang babaeng nagpapasaya sakin. Mahal na mahal na mahal kita."-Joaquin-

Lalo akong napaiyak ng lumuhod si Joaquin sa harap ko.

"Will you be Mrs. Reyes? Will you marry me Sharlene San Pedro?"-Joaquin-

Nakikita ko sa mga mata ni Joaquin na mahal nya ako! Hindi ako makapaniwala na dadating ang araw na to! Na aayain akong magpakasal ng lalaking mahal na mahal ko!

She's My Girl (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon