Chapter 18. Oh no!

293 13 0
                                    

JOAQUIN'S POV

"Hindi ako makapaniwala sayo! Akala ko pa naman, mabait ka!"-ako-

Sobrang nagulat talaga ako nang malaman ko kung sino ang pumunta dun bago kami!

"Maniwala kayo sakin! Hindi ako ang nagpagawa nun."

"Hindi Raychelle! Wag ka nang magsinungaling!"-ako-

Tama! Si Raychelle nga ang nakita namin sa cctv! Hanggang ngayon, nahihirapan akong paniwalaan yun.

"Sir Joaquin! Maniwala ka naman sakin! Hindi talaga ako ang nagpagawa nun!"-Raychelle-

"Kung hindi ikaw! Ipaliwanag mo samin kung bakit ka nandun!"-Brace-

"May kaibigan ako na nangtatrabaho dun! Ayun lang. Dinalaw ko lang naman sya e. Maniwala ka sakin sir Joaquin! Kaibigan ko si Shar at mabait sya sakin kaya bakit ko naman gagawin yun sa kanya?"-Raychelle-

Gusto kong maniwala sa kanya pero di ko naman agad magawa yun! Kailangan ko muna ng katibayan na totoo ang sinasabi nya!

"Pwes, patunayan mo samin na may kaibigan ka nga dun."-ako-

"Opo sir! Sige. Pumunta na tayo dun ngayon din."-Raychelle-

Pinauna namin si Raychelle maglakad.

"Joaquin! Wag mo sabiihing naniniwala ka sa kanya?"-John-

"Oo nga Joaquin! Nagsisinungaling lang sya!"-Grae-

"Pero may katuwiran naman sya. Bakit nya naman yun gagawin kay Shar? At isa pa, wala pa tayong ebidensya."-ako-

"Hay nako! Ayan ang hirap sayo! Masyadong malambot yang puso mo."-Nash-

Syempre! Mahigit 1 taon ko na ding kilala si Raychelle at mabait naman sya.

Pumunta na kami sa shop na yun.

Pagpasok namin ay nagulat kami ng batiin si Raychelle ng mga nagtatrabaho dun.

"Huy Raychelle! Napadalaw ka na naman!"-Crew-

"Oo nga Raychelle! Wala ka na namang magawa no?"-Crew2-

Napatingin ako sa kanya.

Kung ganun, nagsasabi sya ng totoo. Mga kaibigan nya nga ang mga nandito.

Umalis na kami pagkatapos nun.

"Naniniwala na po ba kayo sakin sir Joaquin?"-Raychelle-

"Oo. Pasensya na kung napag bintangan ka namin."-ako-

"Wala yun sir. Alam ko naman na nag- aalala ka lang kay mam Sharlene."-Raychelle-

Napatingin ako kay Nash ng kulbitin nya ako.

"Kung ako sayo Joaquin. Mag- ingat ka pa rin mula sa kanya kasi hindi pa rin tayo nakakasigurado."-Nash-

Tss. Hindi ko alam. Sa palagay ko naman ay walang kinalaman si Raychelle sa mga nangyayari.

NASH'S POV

"Basta ako! Masama talaga ang kutob ko sa Raychelle na yun!"-Bela-

"Pareho tayo friend! Naku! Palagay ko talaga ay may kinalaman sya sa nangyari kay Shar!"-Mianca-

Nandito kami ngayon sa bar pero wala si Joaquin. Binabantayan nya daw si Shar.

"Pero pano nga kung wala naman syang kinalaman?"-Grae-

"Oo nga. Kawawa naman sya. Hinuhusgahan agad natin."-John-

"Ewan ko lang sa inyo ha! Pero ako naniniwala lang sa instinct ko!"-Bela-

"Oo! At base on studies, malakas ang instinct ng mga babae!"-Mianca-

"Ewan ko. Ako din parang wala nang tiwala sa Raychelle na yun. Ewan ko ba."-Brace-

Nag- iisip lang ako.

"Ang magagawa na lang natin ngayon ay tulungan na mag- imbistiga si Joaquin para mas mabilis mahuli yun."-ako-

Bigla namang nagring ang cp ko.

Si Joaquin tumatawag! Naku! Baka may problema na naman!

Joaquin: hello Nash! Pumunta kayo ngayon dito sa ospital.

Ako: ha? Bakit?! Anong nangyari?

Joaquin: si Raychelle! Nasagasaan ng van!

Ako: ANO?!

SHARLENE'S POV

"Sigurado ka ba Shar na kaya mo nang lumabas ng bahay? Kung natatakot ka pa, wag na muna."-Joaquin-

"Hindi na Joaquin. Nabigla lang siguro ako sa nangyari pero naisip ko na hindi naman pala ako dapat matakot kasi bukod sa nandyan ka naman, kayang- kaya ko namang labanan ang sino mang magtatangka sa buhay ko! Karate Champion ata ako! Bwahahaha!"-ako-

Ngumiti si Joaquin.

"Sobrang saya ko na nakabalik ka na sa normal."-Joaquin-

"Bakit? Naging abnormal ba ako? Hahaha! San nga pala tayo pupunta ngayon?"-ako-

"Pipick- up natin yung mga invitation tapos maghahanap tayo ng maayos na receptionist tapos susulatan natin ng mga pangalan yung mga invitation tapos pag may oras pa, ihatid na natin yung iba."-Joaquin-

"Wow! Mahaba palang araw to! Ang dami nating gagawin."-ako-

Hinawakan ni Joaquin ang kamay ko.

"Oo! Pero hindi ko naman hahayaan na mapagod ka ng husto!"-Joaquin-

Ang sweet nya talaga!

"O tara na Raychelle."-Joaquin-

"Yes sir."-ako-

So nagsimula na nga ang napaka busy naming araw pero hindi ko naman napapansin ang oras kasi kasama ko si Joaquin at nag eenjoy naman ako.

Naglunch kami. Nagtaka naman ako kasi hindi sumabay samin si Raychelle.

"Joaquin, nag- away ba kayo ni Raychelle?"-ako-

Nagulat si Joaquin.

"Ha? Hindi a! Bakit mo naman nasabi yan?"-Joaquin-

"Kasi parang hindi sya masyadong nagsasalita tapos hindi pa sya sumabay sa pagkain natin."-ako-

"Baka naman pagod lang sya. Pabayaan mo, bibigyan ko sya ng day off."-Joaquin-

Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami pabalik sa sasakyan ng may maalala ako.

"Ay yung panyo ko! Naiwan ko pala sa mesa. Teka Joaquin, kukuhanin ko lang."-ako-

"Wag na Shar. Mauna ka na sa kotse, ako na ang kukuha."-Joaquin-

Ang sweet nya!

So naglalakad na ako pabalik ng kotse nang mapansin ko ang isang van sa gilid ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nasa driver's seat ng van!

"Mr. Bad?!"-ako-

Ngumiti sya habang nakatingin sakin dahilan para mabato ako sa pwesto ko. Hindi ako makagalaw!

Nakatingin lang ako sa kanya nang paandarin nya ang sasakyan.

Napapikit ako dahil malapit na ang van at naramdaman kong tumalsik ako sa gilid.

Teka?

Tumalsik ako?! Hindi ako nasagasaan!!

Pagdilat ko ay nagulat ako ng makita ko si Raychelle na duguan!

Niligtas nya pala ako!

"Raychelle!"-ako-

~~~~~

Ano kaya ang magaganap? Hahaha thanks readers! :)

She's My Girl (SharQuin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon