The Camera Deal
Pang-apat na araw na ito ng magsimulang makatangap ng flower bouquet sa isang unknown sender si Portia,isang college student na kumukuha ng H.R.M. Sa instutusyon ng System Plus Computer College San Fernando,pangalawang year niya na ito sa skwelahan na ito . Hindi niya alam kung ano ang motibo at ano ang ibig sabihin ng mga bulaklak na ito,halos mapuno na nga niya ang trash bin sa kanilang skwela sa kakatapon ng mga bulaklak na natatangap niya.
Nang papunta na siya sa basurahan para itapon ulit ang natangap niyang bulaklak nung araw na yun nakasalubong niya si Mrs.Caroline Santos , ang department head ng HRM, isang dalagang babae na nag tra-trabaho sa lugar nayon for 6 years.
"Oh mukhang di parin tumitigil yang secret admirer mo sa pag se-send ng bulaklak?" tanong ni miss Santos kay portia na nagmamadaling itapon ang boquet sa basurahan dahil malapit ng pumasok ang kanyang teacher sa english , "oo nga po eh miss" ang sagot ni Portia habang pabalik na sa kwarto , "mukhang hindi kapa handa para umibig ULI huh?" ang biro ni miss Santos habang papanhik sa hagdan para pumunta sa faculty.Napatigil si Portia at nagtataka kung anong ibig sabihin ni miss Santos sa kanyang tanong dahil wala panaman siyang nakakarelasyon ,nang ta-tanungin na ni protia si miss Santos para malaman anong ibig sabihin niya sa sakanyang sinabi, bigla naman dumating ang kanyang professor at wala na siyang nagawa kaya pumasok na siya sa room at nag-umpisa na silang mag klase , ngunit sa kalagitnahan ng discussion di makasunod ng maayos si portia sa discussion dahil naiisip niya parin kung anong ibig sabihin ni miss Santos sa kanyang tanong na "mukhang hindi kapa handa para umibig ULI huh?" , umikot yun sa kanyang isipan ng panandalian pero kinalimutan din niya ito dahil sumasakit lamang ang ulo niya sa kakaisip niya tungkol doon.
Kinabuksan wala siyang natangap na flower bouquet sa desk niya , ngunit may ibang nakalagay dito, isang letter na nag-lalaman ng mga salitang "WE CARE FOR YOU RIGHT FROM THE START" ,hindi niya na masyadong pinansin ito dahil nag-dadalawang isip na siya baka isang prank lang ito ng mga kaklase niya,pero itinago niya ito sa kanyang bag ,dahil naramdaman niya na kailangan niyang itago iyon ,hindi niya nga din maintindihan kung bakit sa tingin niya ay importante yun pero nag-uumpisa na siyag mag duda na baka biro nga lang ang mga natatangap niya.kinabukasan hindi parin natapos ang mga natatanggap niyang letter pero this time ang naka sulat ay "NIREREGRET KO ANG ARAW NA YUN, MAPATAWAD MO SANA AKO", sa pangalawang letter na Ito napa-isip si portia kung biro lang nga ba ito o totoong may "secret admirer" nga ba talaga siya , ngunit pinilit niyang hindi bigyang pansin ang letter nayun ,ngunit dumating nanaman bigla yung pakiramdam na yun , yung pakiramdam na nagpipilit sa kanya na itago ang letter nayun,kaya inilagay niya nalang ito sa bag niya at isinama nalang doon sa na-unang letter na natangap niya.pagkabukas nagpatuloy parin siyang makatangap ng letter,binuksan niya ito,ngunit nung binabasa niya ang mga nakasulat dito nakarandam siya ng kabog sa dibdib at tumingil ng panandalian ang kanyang puso.
"PUMUNTA KA SA ROOF TOP MAMAYA NG MAG ISA, SANA MAY MAALALA KA PA"
Natapos na ang klase niya at hinintay niyang kumonti ang mga tao sa skwelahan para makapanhik siya sa taas ng walang nakaka-alam at nag-iisa , ngunit sa inip niya di niya na napigilan ang sarili niya at pumunta na sa roof top ,sinigurado niya na walang nakapansin sa kanya sa pagpunta niya sa taas, habang papalapit siya sa taas nagumipsang magsulputan ang mga pakiramdam na iba-iba , kinakabahan siya dahil baka may masamang intensyon ang may gawa ng mga letter nayun at the same time na cu-curious at na e-excite siya kung bakit to ginagawa to ng "secret admirer" niya at anung ibig sabihin ng mga letters na natatangap niya.
“Ito nayun malalaman ko narin kung sino ang nasa likod ng mga bulaklak at letters na ito ,pero sino nga ba siya ...sino siya?” paulit-ulit niyang tinanong sa sarili niya yung mga salitang yun hagang sa makarating siya sa taas ,nung hawakan na niya ang door knob para buksan ito, para bang may kuryenteng pumipigil sa kanya na buksan ito pero nilaban niya ito ,” hindi, kailangan kung buksan ito ,kailangan kung makilala kung sino siya ,kailangan kong malaman.”pagbukas niya sa pintuan biglang sumakit ang ulo niya. Para bang tinamaan siya ng kidlat at di siya makagalaw ,ang tanging nagawa niya lang ay humawak sa handle ng pintuan at napahawak sa ulo niya ,”ano to? bakit ang sakit nang ulo ko? dati naman akong pumupunta dito bakit ganito?anong nangyayari sakin “ yun lang ang pumasok sa utak niya sa mga oras nayon,ngunit pinilit niyang buksan ang kanyang mga mata dahil may nag-sasabi sa kaloob-looban niya na nasa panganib siya ,kung ano man yun may pakiramdam siya na nasa malaking kapahamakan siya.”Portia anung nangyayari sayo labanan mo ito you need to get up and be alert!”,unti-unting nawala ang sakit niya sa ulo at nabuksan niya ang mata niya, inaasahan niya na may tao sa paligid niya, ngunit iba ang nakita niya ,isa nanaman letter ang kanyang nakita ,nag-uumpisa ng mairita si portia sa mga letter nayun pero kinuha niya yun ng walang pag-aatubili at binasa ang mga nakasulat dito.
BINABASA MO ANG
The Camera Deal
HorrorPast completes our life,it is one of the puzzle piece that only fits on a certain part of a puzzle, - JMJ masasabi mo bang past is past kung di mo alam ang iyong tunay na nakaraan? CHARACTERS: Portia: 17 years old girl,lively and curious. namumuhay...