The Camera Deal Chapter 3: The mark.
“Please be warned.”
Ang kanyang nabasa sa isang anonymous letter, na naatangap niya noong araw na iyon. sumigaw siya ng napaka lakas ,hindi siya sumigaw dahil natakot siya ,sumigaw siya dahil sa pagka-inis , namuo sa kanyang loob ang galit , nang-gigil siya at pinulot ulit ang papel ,tinitigan niya ito ng panandalian habang nanginginig ang kanyang mga kamay sa pagkagigil , at sa mga oras na iyon isinumpa niya sa sarili niya na ipaghihinganti niya ang pagkamatay ni miss Santos , kung gusto niya ng patayan hindi siya papatalo , na handa na siyang pumatay ng tao para paipaganti at maprotekyonan ang kanyang sarili sa psychopath na gumugulo ng kanyang magulo ng buhay , isinumpa niya sa sarili niya na hahanapin niya kung sino man ang nag padala ng letter na ito sa ano mang paraan na mahahanap niya.
Nilumukot niya ang sulat at itinapon ito sa basurahan . hinap ang kanyang cell phone para I text si Victoria .
“Victoria , alam mo na ba kung may pasok bukas?kung meron kita agad tayo sa harap ng school huh? I’ll be waiting may sasabihin kasi ako sa iyo eh. “
i-sinend niya na ang message at naghintay para sa reply ni Victoria ngunit 30 minutos na ang nakalipas at wala parin siyang natatangap na message kaya inilagay nalang sa ilalim ng unan ni Portia ang kanyang cell phone at natulog na lang.
pagkaumaga tinignan agad ni Portia ang kanyang cellphone at nakakita ang reply na hiihintay niya kagabi pa .
“sorry late reply hehehe.walang pasok magtatagal daw ng 1 week yun sabi nila , bakit? Ano ba ang sasabihin mo?”
ng nalaman ni Portia na walang pasok nawalan na siya ng interest na kausapin ng personal si Victoria at hindi na niya ito ni-replayan.
………………………………………………………………………………………………………………………………..
Magtatanghalian na at halos kaka-bangon palang ni Annaya ,na galing sa kanyang mahimbing na tulog , napuyat siya kagabi dahil sa kakanuod ng mga video na ginagawa ng Jamich ,isa siyang proud na fan ng jamich,wala siyang kasama dahil nag do-dorm lamang siya at wala siyang roommate , kaya nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin ng hindi napapagalitan at nasasabihan ng kanyang mga magulang ,nakaka-kain ng late , nakakatulog ng late at nakakalibot kung kailan niya gusto.
Mag-aalauna na ng hapon, kakatapos palang kumain ni Annaya, ng nakatangap siya ng text kay Victoria.
“Annaya? Anong ginagawa mo? Nakakainip tara libot tayo, sama natin si Portia .”
agad nag-reply si Annaya .
“Sige , sige!!! Wala din akong magawa sa bahay , sige maliligo na muna ako”
dali-daling kumaha ng damit si Annaya sa kanyang cabinet ,agad siyang naghubad at dumaretso sa kanyang banyo .ngunit bago pa niya buksan ang shower biglang may kumatok sa kanyang front door , kaya ipinatong niya ang kanyang dala dalang damit at cell phone sa lababo at nagtapis nalamang, dumaretso siya sa pintuan ,binuksan niya muna ito ng kaunti at tumingin sa labas ngunit wala naman siyang nakitang tao sa labas, at naisip niya na baka may nag tri-trip nanaman sa kanya kaya sumigaw siya sa harap ng kanyang pinto .” Kung wala kayong magawa sa buhay niyo , wag ako ang guluhin niyo dito!”
isinara ni Annaya ang pintuan at nakalimutan na itong i-lock dahil nagmamadali na siyang naligo at baka mahuli siya . halos patapos na si Annaya ng biglang nag-ring ang kanyang cellphone , basa pa siya pero kinuha niya na agad ang cellphone at pinunasan na lamang ang kanyang kamay at sinagot ang kanyang cellphone.
BINABASA MO ANG
The Camera Deal
HorrorPast completes our life,it is one of the puzzle piece that only fits on a certain part of a puzzle, - JMJ masasabi mo bang past is past kung di mo alam ang iyong tunay na nakaraan? CHARACTERS: Portia: 17 years old girl,lively and curious. namumuhay...