Chapter 2 :The unlocked door

53 1 3
                                    

everythings becomes fragile when you love ,so it is up to your trust to each other to make it solid.

Pagkatapos lang ng isang lingo pinapasok rin agad si Portia sa kanyang skwelahan para makahabol parin siya sa mga lesson at exams na hindi niya pa nakukuha .sinabihan din siya ng kanyang psychologist na wag muna niya masyado pahirapan ang kanyang sarili sa pagalala sa mga parte ng kanyang ala-ala na hindi niya pa masyadong alam. pinayuhan din kasi ng councilor si miss santos na papasukin si Portia .umuwi nadin at bumalik na sa ibang bansa ang kanyang mga magulang, binisita lang siya para siguraduhin na ligtas at ayos na siya, bumalik din sila agad sa kanilang pinagtratrabahuan dahil meron pa silang importanteng appointment na dadaluhan.samantala ang katawan ni renzy ay kinuha at inilibing din ng mga pulis dahil walang umangkin na kamag-anak o sino man sa kanyang labi.

Kahit sariwa pa sa kanya ang ala-ala ng mga nangyari noong mga nakaraang araw sinubukan parin pumasok ni Portia,kahit na wala siyang masyadong kaibigan sapat na sila para makatulong sa paglimot sa kanyang mga mapapait na ala-ala ,pero isa lang ang kanyang di maintindihan sa kanyang mga kaibigan, sa tuwing tatanungin niya sila patungkol kay renzy o kay xander o ano paman patungkol sa mga bagay na nangyari sa mga kanyang nawalang ala-ala.madalas nilang ibahin ang usapan okaya kung hindi naman ay hindi siya sinagasot ng maayos minasan naman ay hindi nila pinapansin. nasasabi niya iyon dahil nakikita niya sa mga mata ng mga kaibigan niya na may itinatago sila sa kanya na hindi niya alam, kaya sinubukan niyang kausapin ang kanyang pinaka matalik na kaibigan na si Victoria, 17 years old na isang fashionista, katabing sit siya ni Portia at madalas siya kadaldalan ni Portia kapag walang ginagawa sa klase,siya din ang pinaka unang nilalapitan niya tuwing may problema siya,kaya siya ang pinaka unang nilapitan ni Portia ,dahil inasahan ni Portia na hindi magsi-sinungaling sa kanya si Victoria.

kaya pagkatapos ng kanilang klase sa kanilang ikalawnag professor kinausap agad ni Portia si victoria.

“Victoria kailangan nating mag usap” ang bulong ni Portia kay Victoria habang sinisigurado na walang naka-kapansin sa kanya

“bakit naman? “Ang sagot ni Victoria

“basta, magkita tayo mamaya sa roof top, wag mong pagsasabi” ang bilin ni Portia

“bakit naman? Hindi ako papayag hangat di mo sinasabi sa akin kung ano yun”habang nilalabas niya ang notebook niya para sa susunod na subject.

“Basta, may ita-tanong lang ako sayo, tandaan mo huh? Sa roof top, mamaya, ikaw lang! Bawal magsama ng iba”ang paalala ni Portia habang patayo na si Victoria para batiin ang kanilang susunod na professor

habang nag kla-klase sila napapa-isip si Victoria kung ano ba yung gustong sabihin ni portia sa kanya kinabahan siya ng panandaliaan ngunit naisip niya na wala siyang ibang magagawa kung hindi mag hintay nalamang hangang matapos ang kanilang klase at pumunta mamaya sa roof top.

“okay that’s all for today class,make sure na I pass ninyo ang project ninyo within this week , Good bye”habang papalabas na ang professor sa room.

“good bye sir” ang sagot ng buong klase .

“By the way ,since tayo na ang last na magkla-klase dito for today ,para doon sa last na lalabas sa klase,make sure na I-lock niyo ang door ,ako nalang ang magsara ng windows ,you can go out now “

nagsilabasan na ang ibang kaklse ni poria samanatalang siya nagmamadali palang mag pasok ng kanyang mga gamit sa kanyang bag , nang paglingon ni Portia sa room napansin niya na wala na agad itong laman , siya nalang pala ang naiwan doon sa room kaya dahil dito iniwan niya nalang ang mga gamit niya sa desk at nagmadali ng lumabas , nakalimutan niya din ang habilin ng kanilang professor na i-lock ang pintuan ,ngunit di na niya ito pinansin at dumaretso na sa roof top dahil baka nandodoon na si Victoria na nag hihintay sa kanya.

The Camera DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon