CHAPTER 19: KAREN [THE OFFER]

13 0 0
                                    

Karen's POV:

"What if gumawa na lang tayo ng short film para sa mga teachers para sa graduation?" ~ako

Nag-iisip kasi ang student council ng pakulo para sa graduation.. of course myembro kami ng Student council! Si Jervhee ang president at ako naman ang vice. Treasurer si Prinxie tapos Information officer naman si Jean at Business manager  naman si Rida. ;)

"Sino ba sa atin ang literate sa mga paggawa-gawa ng mga ganyang presentation?" ~Eliza, tanda niyo pa siya? siya yung kapatid ni John na nakaaway ni Rida. Small world deba? officer din siya, siya ang Sgt. at Arms namin.

Natahimik kaming lahat, pano ba naman, wala ni isang marunong sa amin niyan! -___-

"Sige na nga, i- disregard niyo na lang yon." ~ako ╭(╯ε╰)╮ sayang maganda pa naman yon.

"Teka, baka naman may kakilala kayong marunong?" ~Jervhee

"Uy, si Vincent! Marunong 'yon!" ~Prinxie

Para namang nagliwanag ang bombilya sa utak ko! "Oo nga! Sige kaming apat na kakausap kay Vincent!" ~ako then tinignan ko yung apat. Iyong titigan na nagkaka-intindihan na agad?

"Sige, kayo nang bahala. Balitaan niyo na lang kami kapag pumayag siya." ~Jervhee

After nun, natapos na rin yung saglit naming meeting. Iyon lang naman pag-uusapan namin din kase. -___-

Pagdating namin sa room, nakita agad namin si Vincent, as usual kasama na naman nito yung mga kaibigan niyang lalaki. Tropa naman talaga sina Eugene, Mark, Steve at Vincent. Madalas lima silang umpukan diyan dahil lagi namang kadikit ni Vincent si Rachel at hindi pa noon umaalis si Steve. Ngayon tatlo na lang sila kasi bukod sa wala si Steve ay.. hindi na magkasama sina Vincent at Rachel.. aw. :(

Nilapitan na namin siyang apat, pero ako yung nagsalita, "Vincent, diba marunong ka sa video editing?"

Tumango naman siya, kaya ayun inexplain ko na sa kanya yung balak namin.
"Nako Karen, parang hindi ko yata magagawa yan ngayon." ~Vincent

●o● "luh, bakit naman?"
"May iniisip kasi akong... alam mo na, problema ngayon."

Bigla nag-flash sa utak ko si Rachel, baka iyon nga ang problema niya.

"Alam mo, mabuti ngang may pinagkaka-abalahan ka. Para nalilibang ka, makalimot." ~Ako
sarili ko nang hugot yon! Naalala ko kasi bigla si Marky dahil sa pagse-senti nitong lalaking to.

Pansin ko lang, napaka-emotional niya nga talaga when it comes to relationships. Naalala ko dati kung paano niya iniyakan si Rida dahil sa naudlot nilang love story. Yes, kamuntik nang maging si Rida at Vincent noon. First niya sana si Rida if ever. Kaso si Rida at yung older sister niya matagal nang hindi magkasundo. Saka hindi din naman gaanong seryoso si Rida sa kanya. Ewan ko ba kung bakit hindi 'yon napansin ni Vincent noon samantalang kaming tatlo nina Prinxie at Jean ay amoy na amoy. Apparently, hindi naging sila. Umiyak siya. Sadnu?
Then, na-issue din sa kanya si Prinxie, MU sila dati! ewan ko kung anong nangyari at naging hanggang ganun na lang. Kilig na kilig pa nga kami dati kapag pinaglalapit namin sila. Sa bus, kainan, minsan sa upuan din! From head over heels naman kasi kung langgamin sila noon.

O diba? Naiimagine niyo na ba siya kung gaano siya kapogi? charr. Sa amin lang ni Jean siya hindi umepekto. Si Jean? nako walang pakialam yan kay Vincent at matagal na niya iyang kakilala mula pagkabata pa! Ako naman, wala! Pare nga lang tawag ko dyan eh.

"Sige, pumapayag na ako" ~Vincent

(⊙o⊙)? Saan na nga ba ulit kami? Ay oo, iyong niyayaya ko siyang mag-edit. tama! Napa- throwback pa ako eh!

"Good! So kelan tayo magsisimula?"~ako

"Kapag na-compile na lahat ng video na ie-edit."

"Sige, kami nang bahala dun. Salamat!" ~ako, then niyaya ko na yung mga tuod kong kaibigan na wala man lang sinabi na bumalik na sa upuan namin.

"Ano? Pumayag ba sya?" ~Rida

nako mukhang hindi pa yata nakinig ang mga to. -_-

"Oo payag daw sya. Haha! Ako pa ba?" ~ako

"Ayos! So ano daw kailangang gawin?" ~Jervhee

"Mag-start na kumuha ng videos tapos ico-compile. Bale  magbabahay-bahay tayo para dito." ~ako

Ewan lang ha, pero parang sabay-sabay silang ngumiwi...

"Uhh... ano kasi alam nyo naman na hindi ako basta-basta pinapayagan sa nga ganyan di ba?" ~Jean :3

"Oo nga. Ako rinnn" ~Prixie

Well oo, tama sila. -_-
Tumingin naman ako kay Merida. Alam ko kasing hindi mahigpit ang magulang nya sa kanya....

0_0 "Oy teka, hindi nga magulang ko pero si John naman. Ayaw na kong pagalain non. Kakabati lang namen kaya pass muna ko dyan Karen." ~Merida

"Hays, may away na naman kayo ni John?" ~ako

"Ako na lang sasama sa yo."

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. 

Si Vincent! Sumunod pala siya dito...

"Oh ayan naman pala oh! Keri nyo na yan Karen!" ~Jean

Lahat sila tumango sa sinabi ni Jean, tahimik lang naman na naghihintay si Vincent sa isasagot ko.

"Ok sige na nga." ~ako -_-

Humarap ako kay Vincent,

"Simulan na natin after class."

~~~~~~~
To be continued....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and my Bestfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon