MTIMNB - Chapter 1

58 1 0
                                    

My Textmate is my new Boyfriend

(Ranz Kyle x Lily Collins x Oliver Posadas)

Chapter 1: Gab's POV #OliverTheTextmate

Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi mo at hinanap ang mga text messages ng aking kasintahan.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang binabasa ang mga ito. Mga messages na siyang nagpapakilig sakin.

"Mahal na mahal din kita Ranz." Hinalikan ko ang screen ng phone ko habang nakangiting tumingin sa pinsan ko.

Tinigban niya ako ng masama at ramdam ko ang pagka-irita niya.

"Same old message and what's new? Araw-araw nalang, lagi mo yang binabasa. Nakaka-irita na sa tenga!"

Tinawanan ko lang ito ng mahina.

"Busy lang si Ranz kaya hindi na niya naaasikasong magtext."

"Ang tanong, babalik pa kaya? Almost one year na pero hindi parin siya nagpaparamdam o umuwi man lang!"

"Siyempre naman Kate. Business trip ang ipinunta niya sa Manila at wala siyang planong manirahan doo kung hindi din lang ako ang makakasama niya."

Patanong na tumingin sakin si Kate.

"Sasama nga sana ako sakanya kaso inaalala ko si nanay."

"Hay naku! Huwag mo na siyang hintayin, maraming mahaharot, malalanding babae sa Manila at malamang may iba na siya dun. Babae pa naman yang Ranz na yan."

"Hindi yun magagawa ni Ranz." Tumingin ako sa katapat na salamin ng kwarto ko. "Mahal na mahal ako ni Ranz."

"Sana!" Sinulyapan ko siya habang inaayos ang sarili sa harapan ng salamin. "Hindi mo ako tularan, kuntento na ako sa mga textmate ko. Kahit mapa-biruan o lokohan yan, kering-keri. Walang seryosuhan."

Lumapit ako sakanya at hinablot ko ang phone niya.

"Tigilan mo nga yang kabaliwan mo sa mga katextmate mo. Kahit sino sinasabihan mo ng I love you. Magseryoso ka din kaya minsan para maranasan mo din."

"BIG NO! Never akong magseseryoso sa isa man sakanila!"

Masaya kaming nagbibiruan at nag-aasarab nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at mabilis na binasa ang message.

"Ranz again! Same message! AGAIN!"

Gaya nga ng sabi ni Kate, kapareho ng dating tinetext sakin ni Ranz ang muling ipinadala niya sakin.

Nakakalungkot pero masaya na rin ako dahil kahit papaano ay naaalala pa niya ako.

"Baka nakalimutan lang niya na nasend na niya sakin ito. Kilala mo naman si Ran, hindi mahilig magtext."

"Nag-iisip ka pa ba Gab? Sa halos isang taon na yan, yan at yan at yan lagi ang tinetext niya. What kind of boyfriend is that? Iisa lang ang alam itype?"

"Better much ka lagi Kate. Huwag ka na ngang maingay, matutulog muna ako."

Pahiga na sana ako nang muling tumunog ang phone ko. Gaya ng nakasanayan kong gawin, binabasa ko agad ito.

"Kanino na naman yan galing?" Tinignan ko si Kate. "Si Ranz na naman, paulit-ulit nalang ba?"

"Hindi si Ranz... si Oliver."

Lumapit si Kate sakin pagkarinig ng pangalan ni Oliver.

"Oliver? Yung nakikipagtextmate sayo? Magreply ka naman sakanya, hindi yang lagi mong sineseenzoned."

Napangiwi ako sa kagustuhan ni Kate na replayan ko itong Oliver na ito.

"Wala akong balak magreply. Nacute-tan lang ako sa name niya kaya nakasave ang number niya. Baka kapag nalaman ni Ranz na nakikipagtextmate ako, magagalit yun sakin."

My Textmate is my new BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon