MTIMNB - Chapter 2

40 1 0
                                    

Chapter 2: Gab's POV #UmaasaPaRin

Kakaupo ko lang at susubo palang sana ako nang magsalita si inay.

"Akala ko ba balak na ninyong magpakasal ni Ranz? Magtatapos na ang taon."

Nakatingin lang ako sakanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naunahan na nama ako ni Kate.

"Wala na po yatang balak yang si Ranz na umuwi. Baka nga nakalimutan na niya yang pinsan ko."

Tinignan ko ng masama si Kate na nakangising kumakain.

"Busy lang siya." Ganti ko naman.

"Baka nagbago na ang isip niya." Napatingin ako kay inay.

"Baka naman may ibang babae na yun. Si Ranz pa eh babaero yun."

Pinandilatan ko si Kate pero walang epekto sakanya yun.

"Hanggang ngayon kontra ka parin kay Ranz."

"Oo naman po inay. Dahil ako mismo ang nakakita sakanya na may kayakap siyang babae pero napahiya lang po ako nang piliin ng anak niyo na paniwalaan yung Ranz na yun!"

"Totoo naman kasi na pinsan lang niya yung babaeng yun." Muli kong sabat sa usapan nila.

Tinaasan ako ng kilay ni Kate. Ibig sabihin lang na, hindi siya magpapatalo sakin.

"Pinsan? Hah? May pinsan bang nagyayakapan ng mahigpit at naglalandian sa gilid ng kalsada. Palibhasa kasi dayo yang Ranz na yan kaya maraming sekreto!"

Wala na akong nagawa kundi ang sumimangot. Sino ba naman kasi ang kayang lumaban kay Kate.

Halos lahat ng dahilan kaya niyang sabihin.

"Tawagan mo sana si Ranz at ipaalala mo sakanya ang pinag-usapan niyo."

"Magsasayang lang siya ng oras inay. Hindi din lang sasagutin ni Ranz."

"Nakasilent lang ang phone niya."

Pati ako hindi nawawalan ng dahilan basta maipagtanggol ko lang si Ranz.

"Kaya nga may list ng mga missed calls ang mga phone diba? Think of it! Siguro naman hindi siya bulag par mabasa ang number mo o baka naman nagbubulag-bulagan siya!"

Ipinagtuloy ko nalang ang pagkain ko at nag-iisp ng sasabihin kay inay para makampante siya.

"Kung hindi matutuloy ngayong taon, may next year pa naman. Bata pa naman ako eh."

"Mauulit lang ng mauulit yang next year mo hanggang sa maging senior ka na! Bakit na nagtyatyaga ka sa Ranz na yan. Hindi lang nanan siya ang lalake sa mundo, duh!"

"Wala ka kasing alam sa pag-ibig Kate."

Tinignan ko si Kate na nakatulala lang sakin. Natamaan ata sa sinabi ko.

"Pag-ibig..."

Magsasalita sana ulit ako nang biglang tumunog ang phone na nasa isang lamesa.

Sabay kaming tumayo at dinampot ang kanya-kanyang phone.

"Huwag kang assuming Kate, sakin yun." Nakangiting biri ko sa pinsan ko.

Pinandilatan lang niya ako ng mata.

"Excited ka lang atang mabasa ang text from Oliver. Huwag ka ding deniel!"

"Si Ranz ang nagtext."

Pinagpipindot ko ang phone ko tsaka ito ibinalik sa lamesa.

"So? Anong sinabi ng Ranz mo? Same messages again?"

Hindi ko nalang siya pinansin, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Pero nawalan na din ako ng ganang kumain kaya bumalik nalang ako sa sala at nanunod nalang ng tv.

My Textmate is my new BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon