MTIMNB - Chapter 4

17 0 0
                                    

Chapter 4: #GabsDecision


Ibinagsak ni Gab ang phone niya sa kama nito at humarap siya sa salamin.

"Nagsisinungaling lang yang Oliver na yan. Sinisiraan lang niya si Ranz sakin."

Napatingin siya sa phone niya ng bigla itong tumunog. Muling nagtext si Oliver sakanya.

Pero hindi na niya ito binasa at binura agad.

"Will you stop bothering me!"

"I'm just concerned because I'm a friend." Oliver

Napahinga ng malalim si Gab habang patuloy na nagrereply sakanya.

"I don't need your friendship!! Boyfriend ko ang sinisiraan mo!!"

"I'm just telling the truth. There are ways to prove it. Come to Manila, magpapakulong ako mismo kapag nagsinungaling ako." Oliver

Nakaramdam na siya ng kaba sa mga reply ni Oliver hanggang sa hindi na niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya.

"I'm willing to help you Gabbi. You can stay in my house while you're here. I'll prove to you that I'm not lying. Wala din naman akong mapapala kapag ginawa kong manloko. I just really want to help Gabbi." Oliver

"Why do you want to help? Diba, wala ka namang mapapala, sana manahimik ka nalang."

"I have a sister at ayokong mangyari sakanya ang ginagawa sayo ng boyfriend mo. Para makahinga na din ako ng maluwag."

Hindi na napigilan ni Gabbi at humahulgol na ito sa iyak. Pero hindi niya ito pwedeng ilakas dahil maririnig lang siya.

Isinubsob niya ang mukha niya sa unan pero biglang nagring ang phone nito. Tumawag muli si Oliver.

"He-llo..."

"Gabbi, tutulungan kita basta magtiwala ka lang sakin. Come here as soon as possible. Ang gusto kong mangyari ay magka-ayos kayo at maikasal kayo."

Hindi na niya nagawang magsalita dahil sa mga naririnig mula kay Oliver.

"Kung natatakot ka, magsama ka ng kaibigan mo, kamag-anak o kahit sino, ang pamilya mo basta ako ang bahala sa lahat ng gagastusin niyo. Papalitan ko din ang pamasahe niyo papunta dito. Tutulungan kitang maibalik si Ranz sainyo."

Huminga ng malalim si Gabbi at kinondisyon ang sarili bago sumbatan si Oliver. Pinahid niya ang luhang dumadaloy sa pisngi niya.

"Pupunta ako diyan at hindi ako uuwi dito nang hindi kasama si Ranz."

"Hihintayin kita Gabbi. Thanks for trusting me." Oliver

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Textmate is my new BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon