Chapter Thirteen

148 3 1
                                    

Chapter Thirteen - Court

"What happend to Steven?" tanong ng teacher namin.

"Di din po namin alam," sagot ng kaklase ko.

Ano nga kaya nangyari sa kanya? At hindi pa binalik cp ko!

Lumipas ang mga klase namin pero hindi sya umattend. Nagcutting ata.

"Psst. Steph, anu bang nangyari kay Steven?" tanong ni Lani sa akin nung uwian na.

"I don't know," sabi ko.

"Uyy... Baka naman nainlove na sayo!"

"Anu ba yang sinasabi mo--!" naputol ang sinasabi ko kasi may sumigaw.

"STEPH!!!"

Lumingon ako para tingnan kung sinong tumawag sa akin.

Dug. Dug. Dug.

"Jan? Oh, bakit?" tanong ko.

"Diba sabi ko sa iyo kanina sabay tayo umuwi?"

Ah. Oo nga pala.

"Sige mauna na ako Steph, ui Andy wag mong pababayaan yang kaibigan ko ha!" sabi ni Lani tapos umalis na.

"Tara na Jan?" aya ko.

"Sige."

Naglakad lakad na kami. Nung nandoon na kami sa kanto nagsalita naman sya bigla.

"Steph, may sasabihin ako sa iyo."

Dug. Dug. Dug.

"Anu yon?" tanong ko.

"G-gusto kita."

Napahinto naman ako sa paglalakad.

"H-ha?"

"Gusto kita! Pwede ba akong manligaw?"

Anu bang pinagsasabi nya?

"Ah. Eh... Ano--"

"Ganito nalang, I'll court you. Kasi kahit humindi ka manliligaw pa din ako, sige mauuna na ako ha? Okay lang ba?"

"Ah oo mauna ka na," tulala kong sabi.

"Sige, mag-ingat ka."

Tapos umalis na sya. Nagulat talaga ako sa mga sinabi nya.

Dug. Dug. Dug.

"Gusto ko din ba sya?" tanong ko sa sarili ko.

No. Friends lang kami.

"Stephanie..."

Nagulat naman ako dun sa nagsalita. Lumingon ako, si yabang.

"Hoy! Yung cellphone ko!" inilahad ko yung kamay ko.

Ibinigay nya naman sa akin.

"Ang pangit naman ng cp mo!" sabi nya.

Aba at nanglait pa! Ang yabang talaga!

"Hmp! Dyan ka na nga!" sabi ko.

"Teka! Magpractice tayo dun sa talent portion natin!" sabi niya.

"Ay! Oo nga pala! Next week na iyon. Saan naman tayo magprapractice?"

"Sa inyo," nakasmirk niyang sabi.

"What?! No! Sa inyo nalang!"

"Sure," sabi nya tapos ngumisi.

Creepy! I smell something fishy here.

"Tara sa kotse," sabi nya.

Sinundan ko naman sya.

"Sakay ka na," sabi niya.

Hmp. Di manlang ako pinagbuksan! Ah! Pero hindi ko naman yun ineexpect sa katulad niyang walang ka-gentleness sa katawan.

Sumakay na ako sa front seat at nagseatbelt.

"Marunong ka ba magdrive? Baka mamatay ako nyan," sabi ko.

"Oo naman!"

Pinakita nya sa akin yung student liscense. Edi sya na!

Inistart nya na ung engine at pinatakbo na yung kotse. Ako naman inalala ko yung sinabi ni Jan.

Court? Sigh.

Mr. and Ms. Rich (on-hold and revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon