Chapter Six - Modelling Job
2 months na din ang nakakalipas. Everything went well sa school. Tapos si Mr. Yabang ayun hindi na ako masyadong kinukulit, and I thank him for doing that, kasi wala ng magulo.
"Stephanie, Steven, merong nagorganize ng pageant sa school. It will be held next week. Naghire na din ako ng magtuturo sa inyo, kaya may practice kayo after classes," sabi ng adviser namin after ng class niya sa amin.
After classes? No! May modelling job ako mamaya. Paano na yan?
Lunch time..
"Psst.. Lani, may problema ako!" sabi ko kay Lani.
"Oh ano?" tanong niya.
"Eh may modelling job ako after class anong gagawin ko?"
"Ha? Edi wag ka nalang muna pumunta sa practice ngayon, ako na mageexplain," sabi niya at nginitian ako.
"Oh sige! Salamat talaga!" sabi ko.
Nung dismissal nagpaalam na ako kay Lani.
"Oh sige sasabihin ko may family matters ka na kailangang puntahan," sabi niya.
"Okay. Salamat talaga. Alis na ako. Bye!" nagmamadali na ako.
Nung nasa may kanto na ako, nagdial dial na ako ng number. Malalate na kasi ako sa modelling job ko.
"Hello? Mang Lumo? Pa--" naputol ako sa pagsasalita.
May nangagaw ng phone ko and it is Mr. Yabang.
"Hoy new girl! Anong hindi ka makakapunta sa practice?!" nagaalburoto niyang tanong sa akin.
"Argh! Bukas na lang! Dali akin na yung phone! Nagmamadali talaga ako! Please!" sabi ko, I don't have time for arguments!
"Hindi pwede!" sabi niya.
Haay!! Nakakainis! Kung kailan nagmamadali!
"Bilis na! Naman eh!" desperada na ang tono ko.
"O-oi wag kang iiyak! Oh eto!"
Binalik nya na yung phone ko at tumakbo nanaman paalis.
"Mang Lumo dali na po! Ihatid nyo na ako sa modelling job ko!"
Tapos ibinaba ko na.
Nakaabot naman ako. Medyo late nga lang. Well ipopost daw yung minodell ko sa mga malls. Well okay lang naman sa akin iyon, hindi naman siguro makikita iyon ng classmates ko noh?
BINABASA MO ANG
Mr. and Ms. Rich (on-hold and revising)
Novela JuvenilIsang mayamang babaeng nasa kanya na ang lahat nang gusto niya ay nagkaideyang gusto niyang mag-aral sa isang public school. What if meron ding nagaaral doon na mayaman na lalaki...? Anong mangyayari kapag nagkita sila...? Anong mangyayari kapag pin...