[Edited version na yung Chapters 1 & 2. Heheh]
---
Hanggang sa makauwi ako, hindi parin maialis sa isip ko ang nakita ko sa laptop niya. He was smiling brightly. I've never seen him that happy. Pero hindi naman ako ang katabi niya. He's with Miss Mitch. Candid shot yung photo. Nasa beach silang dalawa, nagtatampisaw sa dagat. Sa pagkakakuha ng litrato, binabasa niya ng tubig si Mitch habang nakasalag ang mga braso nito.
Ako dapat ang nasa picture na yun.
Ako dapat ang kasama niya sa beach.
Ako dapat ang kahawak niya ng kamay.
Ako dapat ang mahal niya.
Pero ano nga bang magagawa ko kung hindi niya ko kayang mahalin? Naging klaro naman sakin yun noon eh. Lalo na't sakanya talaga nanggaling na kapatid lang ang turing niya sa akin.
Bigla nalang nag-flashback sakin ang lahat...
"OMG, bestfriend! May major na tayo!!! Good luck nalang satin this semester." – Eka
"English and Math. Perfect combo tayo, bez. Basta kapag nosebleed na ko, help ah!" – hindi naman talaga ako mahina sa English, mas magaling lang talaga siya. Walking Thesaurus at Dictionary ata 'to eh.
"Sureness! Then help me with my assignments in Math. Hindi raw mawawala ang Math kahit basic eh. Kaazar naman." – nakuha pang magmukmok nitong babaeng to. Pero matitiis ko ba siya? Syempre naman. Uso tumanggi. Lol.
Matapos naming kunin ang schedule naming sa Admissions Office, naghiwalay na kami ng landas. Magkaibang building kasi yung Faculty namin, but we're both under College of Education.
Buti nalang magaling ako sa directions kaya hindi ako naliligaw kahit hindi gaanong familiar yung pasikut-sikot sa building namin.
Nakakapanibago. Mag-isa lang ako. Sanay kasi ako ng kasama lagi si Eka. Since elementary, until now. Huhuhu. Miss ko na siya. Joke! Not-so-clingy bestfriend here.
Yung akala ko magaling ako directions...hindi pala!! Naliligaw na ata ako. Medyo wala ng tao sa paligid ko. Buti nalang may namataan akong pababa sa hagdan. Nagmamadali siya pababa kaya dinalian ko din.
Sa pagmamadali ko, mauuna pa ko sa kaniya sa unang hakbang. I tried to stop using my sneakers, break kumbaga. Kaso hindi kumagat, dederetso ako neto sa hagdan.
Habang dumudulas, napahawak ako sa railings ng hagdan at nag-summersault, mga tatlong ikot ata yun. Oh ha! Lumanding ako ng nakaluhod yung isang binti at yung isang kamay naka-support sa sahig. Yung parang pang prince na pose. Naiimagine niyo ba? Hahaha.
Pag-angat ko ng ulo ko nakita ko siyang nakatingin sakin. Di ko mabasa yung reaksyon niya. Pagtataka at pagkamangha ata? Naamaze siguro siya sa stunt ko.
And then slowly, he smiled then clapped. His smile turned to laughter.
"Ang husay nun ah!" – tumatawa padin siya. Ang tangkad niya. Dahil nasa taas siya ng hagdan, para akong dwendeng minamaliit ng higante.
"Ah...eh...salamat." – bigla naman akong nahiya sa ginawa ko. Tumayo na ko at pinagpag yung kamay ko.
"Second year ka? Bagong mukha eh." – tanong niya bigla with matching smile. Kilala ba niya lahat ng tao dito? "Jayden. President ng Math Club." Nahulaan niya siguro yung pagtataka ko. Titig na titig ako sa mukha niya kaya di ko napansin yung kamay niyang nakalahad. Mukha naman siyang friendly.
Inabot ko yung kamay niya. Oooh lambot. Hahah. "Airie. Uhmm, san dito yung room B-12? Medyo naliligaw na kasi ako. Kaya kita hinabol."
"Doon rin ako papunta. Sabay na tayo" – alok niya. Wehehe. Bumaba kami ng hagdan ng naka-HHWW. Hihi. :">
Jokeeeeeeeeeee! Asa. :D
In fairness, swerte ng first day ko.