~one

22 1 1
                                    

Monday – First day of classes.

May mga umalis at mga dumating din mga studyante. May bago at may luma. Hay. Nakakatamad na umaga, tiyak akong homeroom lang ang class ngayon. You know, for orientation and sa walang kamatayang "introduce yourself".

Papasok na ko sa room ng may mga bumati sakin, "Good morning, Ms. Airie." – And yes, Math teacher po ako rito. Kala niyo student no? May teacher ba namang tinatamad sa first day of classes? Meron, ako. Haha! Bata pa ko, actually 2nd year of teaching ko palang, pero nakakaramdam na ko ng midlife crisis. What the heck :3 "Good morning din." Bati ko rin dun sa bumati sakin with matching smile pa. "Ang ganda talaga ni Miss oh!" Ay sus! Napaka-honest na mga bata naman ng mga ito. Well, ganun talaga. Haha! ^_^v

Pagkapasok ko sa faculty room, si Mrs. Reyes palang ang nasa loob. Maaga pa naman kasi, 6:30 am. 7:00 am pa ang start ng flag ceremony. "Good morning, Mrs. Reyes." Isa si Mrs. Reyes sa mga beteranong guro dito sa school, ayaw niyang tinatawag siya sa pangalan niya. "Good morning, Ms. Dickinson". She preferred calling her by her surname and calling others by Mr or Ms or Mrs [insert surname here].

"Maaga pa po pero ang dami nang studyante sa hallway. Excited na at napaka-energetic nila" – ako

"Sana lang ganyang din sila kaaktibo matuto pag dating sa klase." – Mrs. Reyes. Sana nga po. J

Unti-onti nang dumadami ang nagdaratingang mga guro. Isa na dun ang aking bestfriend. "MARS!" Makasigaw naman to. -_- "Mars, may chika ako sa'yo." – Chrizza Evine Yap. "Oh, ano naman yun?." Bago pa man siya makasagot ay bumukas na ang pinto at iniluwa si Mr. Principal na may laway-laway pa. Hahaha! Joke. ^_^v may nakasunod sa kanyang lalaki na pinaiwan niya muna sa labas."Good morning, teachers! As we all know, one of our greatest faculty member left us already that is why we opened a hiring position last summer." Mukhang good news to ah. "Mahirap makulangan ng mga guro ngayon, lalo na't napakademanding ng ating curriculum. At para nadin hindi na mahirapan si Ms. Airie na ihandle lahat ng Math classes." Good news nga ah. Nung namatay si Ms. Villareal, ito agad ang pinroblema ko. May her soul rest in peace. It's not that I'm being insensitive. Ang hirap kayang maghandle ng 20 classes. Haller!!

"And so, may I present to you the newest member of our faculty..." sakto pag pasok nung lalaki, nahulog naman yung ballpen ko, kaya pinulot ko muna. "Mr. ..." Dug dug. Tama ba pagkakarinig ko? Siya kaya yun o baka kapangalan lang niya? Bigla akong nanginig sa antisipasyon. Ang tagal ko na palang nasa ilalim ng mesa kaya tinawag na ko ni Eka. At sa sobrang kaba... BOOG! Aray -_- nauntog pa ko. Naalog utak ko dun ah. Nawala ata lahat ng formula sa utak ko, pano na ko makakapagturo nito? \OoO/ OA. Haha! "Uy mars, okay ka lang?" Lahat sila nakatingin sakin kay tumango nalang ako. Lumingon kay Mr. Principal, pero hindi ako kay Mr. Principal tumingin, sa lalaking katabi niya – na nakatingin din sakin. Siya nga at walang iba. First day of class pero mukhang ayoko nang pumasok nang buong taon. This will be the longest school year of my life, as in ever!

Break time – Cafeteria

"Ayun ba yung chika mo sakin, Mars?" – ako

"Oo, friend. Naunahan lang ako ni Mr. Principal. Dapat ako magsasabi nun eh." – Eka

"Baliw ka talaga. What's the difference kung sayo manggagaling? I'm sure hindi lang yun ang sasabihin mo."

"Ay tumpak ka! Hindi lang talaga yun ang balita. Ready ka na ba malaman, Mars? Baka kasi ma-hurt ka eh."

Hala, anong ready ba pinagsasabi neto ni Eka. May pa-hurt hurt pang nalalaman. "Spill it out girl."

"Boyfriend siya ni Ms. Mitch. Yung English teacher."

I froze. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa unang pasabog, may kasunod pa pala. Sana nilahat na nila. :/

"Mars, okay ka lang? Sabi ko na nga ba mahe-hurt ka eh."

"Mars naman, ang tagal na nun. Why should I be affected?" Yeah ang tagal na nun, 2nd year college palang ako nun, siya 4th year. Ngayon, 2nd year of teaching ko na di ba?

"Hindi daw. Eh parang squeeze-until-the-last-drop-fall ang drama mo dyan sa juice mo? Kung tao lang yan, kanina pa lumabas ang kaluluwa nun sa sobrang higpit ng pagpiga mo dyan."

Tinignan ko yung juice na sinasabi niya, tama siya. Halos mapipi na yung tetra pack. Buti nalang wala nang laman kaya hindi tumalsik kung saan. "Hindi ako affected, nagulat lang ako. Like, 'Oh wow! May bago napala siya ulit. What happened to ****?' You know?"

"Ahahahahahahaha! Hindi daw affected but you sounded bitter when you do that." Sabay palo sakin? Ang sakit Eka -_- sinasaktan mo ko emotionally and physically.

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinngggggggggggggggggggg~

"Hopya! Time na. Tara let's bagets." Sabay tayo na at pumunta na kami sa faculty room to get ready for the next class.

Uwian – Faculty room

"Bye teachers!" Isa isa nang nag sisilabasan yung mga co-teachers ko. Ako, eto nasa tapat padin ng laptop ko. Getting ready for tomorrow's lesson. Sabi ko tinatamad ako di ba? Ganito talaga ako tamarin. Hahah! Tinatapos ko na lahat dito sa school para pag uwi, rekta tulog na. Umuwi na rin pala si Eka. Layas talaga yung gurong yun. Di makatagal sa school. Kakaiba. XD

Tumingin ako sa paligid. Wala na palang tao. Makauwi na nga. Pagbukas ko ng pinto... BOOM! May nabangga ako. Ano kaya yun? Bakit ba ang dilim sa hallway? Pag yuko ko, mannequin lang pala. Kala ko real life person. Was I expecting someone? Uuwi nalang kung anu-ano pa iniisip. Pero bago ako tuluyang makalabas ng school, lemme take one more look. Pag lingon ko sa building, may lalaking nakatayo sa may bintana. Shocks! Minumulto ata ako. Wala namang napapabalitang haunted tong school namin. Tara uwi!


From A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon