Isang linggo na ang nakakalipas. Usap usapan yung lalaki sa bintana. Sabi na nga ba minumulto ako eh. :3
"Maganda umaga mga guro!" Eskandalosang babae talaga tong si Eka, kaya mahal ko to. Oops, bilang kaibigan ah. :D "Good morning din sayo, Ms. Eka." Bati ng iba pa naming co-teachers. Buti nalang at sanay na sila sa kaingayan netong babaeng to. Pagkatapos niyang batiin ang lahat ng guro dito, bumaling siya sakin. "Mars, may chika ako sayo!" Na naman?
"This must be good, Eka. 'Yang mga chika mo kasi ma-cholesterol. Not good for the heart." Excited na naman ang loka. Tatlong bagay lang naman ang kinae-excite-an nito: kumain sa bagong bukas na restaurant, her full bloom romantic lovelife at my non-existing imaginary lovelife, at higit sa lahat, ghost haunting. Oh wait... don't tell me...
"Oh yes, Mars! I tell you. Nababalitaan mo naman siguro yung lalaki sa bintana. Gusto ko siyang Makita. Malay mo hottie. Ipapakilala ko sayo nang meron ka nang existing ghostly lovelife... Aray!" Ayun binatukan ko nang matahimik. Masyado nang madaldal yung parrot eh.
"Ano naman kala mo sakin papatol sa multo. Oy mahal ko pa buhay ko no! Pero Mars, alam mo ba. Nakita ko yung lalaki sa bintana nung first day of school. Di ba lagi akong nagpapaiwan. Ewan ko kung napansin ni Manong Guard." Nakikita ko na sa mata niya ang ready to explode bomb. "Pero baka janitor lang yun." Dagdag ko kaya parang nabuhusan ng tubig yung paputok.
"Ehhh Mars naman eh, ayaw mo lang ako samahan kaya mo sinasabi yan."
"Ehhh Mars naman eh, sino bang nagsabing sasama ako?"
"I hate you na talaga." Pag dating talaga sa ghost haunting ay mapilit na siya. Bata palang kami, kung saan saan na kami nagsusuot para lang makakita ng multo. Wala kasi akong third eye kaya di ko nakikita yung mga nakikita niya. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit ko nakikita yung lalaki sa bintana. Why oh why?
"Hay sige na nga."
"Thankie Marsie! See ya after school."
See you later, lalaki sa bintana. T^T
~~~~
"Mars, sorry di ako makakapunta sa ghost haunting natin. Naalala ko, may date pala kami ni Carlisle ngayon. I can't be without my baby."
"Edi mabuti. Wala naman talaga akong balak maghanap ng multo. Anyway, kung gagawa kayo ng baby. Pakidamihan ah. Tapos pengeng isa." Hahaha! Desperate measures. :D
"Ewww mars ah. Ano ako mother dog? Osiya, gotta go. In case na makita mo yung lalaki, say hi for me." Sabay beso. Nababaliw na naman talaga tong babaitang to.
"Good bye mga Sir mga Ma'am"
As usual, ako nalang ulit ang nandito. 1st quiz ng mga students ko kaya dapat I am ready! (y)
Pagkalagay na pagkalagay ko ng laptop sa bag ko, may narinig akong kumalabog. My ghash. Bakit ngayon pa kung kailan naman ako lang mag-isa? Walang pakisama!! But wait... kung nakikita ko nga siya, baka hindi talaga siya multo. Okay... tapang tapangan po ako. Binabagtas ko yung hallway papuntang Speech Lab, kung di ako nagkakamali, dun ko nakita yung silhouette. Patay yung ilaw pero may liwanag. Sinilip ko kung may tao, wala naman. Laptop pala yung nakabukas. Dahil nahawa ako kay Eka sa pagkachismosa, sinilip ko yung laptop.
Boom! Dinaig pa ng multo ang nakita ko. Pero bakit ganun? Hindi ko maialis yung mga mata ko sa screen. Parang sinasabi ng computer na nakabubuti para sakin ang titigan siya. Unti-unting tumataas ang kamay ko na para bang may sariling isip, aabutin ko na sana yung screen pero may narinig ako yabag ng papunta dito sa room. Dali-dali akong nagtago sa isa sa mga cubicle ng speech lab, hindi niya ko pwedeng Makita dito. Narinig kong nagbukas ang pinto, sa sobrang tahimik sa kwarto, halos lahat naririnig ko. Ang paghinga niya, ang pagtipa niya sa laptop, ang pagsara ng laptop, ang pagbukas ng zipper, ang muling pag bukas ng pader at tuluyang pag layo niya sakin. Hindi ko namamalayan na pinipigil ko na pala ang hininga ko. Nagmadali akong lumabas at baka maabutan ko pa siya. Dahan dahan kong isinara ang pinto at nakita ko siya. Nakatalikod. Naglalakad. Palayo. Siya pala. Ang lalaki sa bintana.
86�S��1�4
