Chapter 2:
Kung iniisip nyong cheap sa school namin. Honestly hindi..
100000 ata tuition fee dun e. -____- Mayayaman nagaaral pero may mga scholar naman na nakakapasok para sa mga may kaya na matalino.
May pilahan ng tricycle sa may kanto *Hindi talaga yun kanto parang may intersection dun na ewan. Basta hindi sya sa highway hindi sya yung daanan nung mga jeep, tricycle lang talaga. Ang hirap naman iexplain* kasi parang papunta yun sa bayan ng lugar nato. Yung school naming mga 20-30 mins ba pag nilakad? Basta pag naka tricycle mga 10mins lang. pagcar ata 7? 5? Mga ganun.
Nakarating na kami. WOOOOH! Bilang lang yung mga estudyante ditong nagcocommute halos lahat kasi nakakotse, taray. Patalbugan pa.
After an hour. (Tapos na flag cem ….. sabihan ng sections… formation sa pila… )
VIOLA! Magkaklase kaming apat for the third time sa highschool ^_^ Section A. PILOT SECTION YAN!
At for the third time rin mga suplado at suplada ang mga kaklase mo. May kanya kanya ng ‘groupies’ ditto. At kaming apat ang may sariling groupies.
Pasukan na sa classroom. Ang lamig………. Ang sarap.
“WOW Ang lamig. Ang sarap” –Mike
*bulungan sa room*
‘Wala ba silang aircon sa bahay?’
‘what the hell? Gwapo pa naman sya kaso poor ata’
‘How stupid’
‘I thought he’s rich? So social climber lang pala siya? Hot pa naman’
Ako: ‘Bwisit talaga mga kaklase ko dito e’
*Binatukan ni Aril si Mike*
”Hindi mo naman kailangang magreact ng ganyan” –Aril
“Oo nga nagmukha ka lang wannabe e kaya mo naming bilhin tong school na’to” –ako
*SILENCE*
Nagulat ang mga people
“What’s the problem?” –Lyka
“He’s at your back” w/ matching pointing fingers –sabi ni Abigail malandi. Oo malandi talaga siya
*Lingon sa likod*
Si Clovis pala. -____- at ang mga boylet nya. Another ‘Group’ ng room. 6 sila na puro lalaki.
Yan yung anak ng may-ari ng school. Clovis Yap. Surname ng mom nya yung Aliston.
“What did you just say?” –Clovis *Tinginan lahat ng mga tao sa classroom*
“Me?” –Ako
“YES!” –Clovis
Let me think HMmmmmmmmmm.
“Putek di ko maalala” –Bulong ko
“What?”-Clovis
“Teka!” –ako -,-
“Bodits sabi mo kayang bilhin ni Mike yung school!”-Aril
“Ahhh. Na kayang bilhin ni Mike yung school.. Oo” –Ako
“At talagang inulit mo pa” –Clovis
Ha? E di ba tinanong nya? Parang tanga to. -___-
“Totoo naman ah” –ako
“Are you saying na mas mayaman pa sya samin?” –Clovis
Mukhang iniisip nan g buong klase na napasubo ako at magiging kawawa ako sa huli at mapapatalsik sa paaralan after neto. Well, mali sila. Hindi ko naman ito didibdibin.
BINABASA MO ANG
I am the Class President
Teen FictionSa bawat saya may mararamdaman kang tama. Sa bawat tama may kakambal na mali. Sa bawat mali, nagkakaroon ng problema. At sa bawat problema mayroong lungkot. At sa bawat lungkot dadating din yung pagahon. At kapag may pagahon, mayroong pagasa. Pero p...