Chapter Four

121 3 1
                                        

Nagising ako dahil sa lakas ng ulan. Nilingon ko ang lalaking nag da-drive. Anong oras na ba? Tumingin ako sa labas ng bintana na malapit ng gumabi. Tinignan ko ang nasa dyaryo. Sayang at hindi ko na to maabutan. Kung may pagkakataon pupunta ako dito. 

Naging mahaba ang byahe at hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin. Napapikit ako at tahimk na nag dasal. Ang mga nadadaanang mga buildings at mga sasakyan ay naging mga puno at tricycle. Lumiko kami sa madilim na parte na may nakalagay na "private property". Kinabahan ako lalo. Ilang minuto pa ang nakalipas hanggan sa nakita ko ang malaking gate.  May sumaludo na tatlong guard at binuksan ang gate.

Tahimik na lumabas ang lalaki na para bang wala hindi niya alam na may kasama siya. Mabilisan kong tinaggal ang seatbelt. Mabuti nalang sinasama ako noon ni tatay sa pasada niya kaya alam ko kahit papaano ang mag seatbealt. 

Bumungad sa amin ang isang lalaki at bahagyang yumuko.  "Good evening Sir ." Lumabas na ako sa kotse at halos napanganga sa nakita. Wow? Dito ba talaga siya nakatira.  Ganito kalaki ang mall namin sa probinsya. 

Nagtatakang tumingin sa akin ang lalaking bumati  kay Uranus. Mag papakilala sana ako kaso mukhang ayaw niya.

May dumating na babaeng may edad at puti na ang buhok  " Nandito na po pala sir Uranus" masayang sabi nito at biglang naglaho nang makita ako. 

" Nasa office po ang papa nyo sir at gusto ka niyang kausapin"  kinakabahan at nakayukong  sabi ng babaeng may edad. 

Naramdaman ko ang masamang aura niya matapos ang huling sinabi. Sumenyas naman ang lalaki at tumingin sa akin. Akala ko iiwan na ako doon pero lumapit sa akin ang babae kanina.

"Sumunod ka sa akin" nakataas ang isang kilay na sabi nito. 

"Mall o hotel  po ba 'to?" tanong ko nang marating ang elevator. Umalis na si Uranus kaya kami nalang tatlo ang naiwan.  Ang weird naman kung mall to. Kasi sobrang tahimik at walang tao.  Tumawa ang lalaki sa tabi ko. Mukhang nasa late 30's siya.

"So hotel po 'to?" 

Nag stop kami sa ikatatlong palapag. Hindi ko alam kung ilang palapag ito pero tingin ko nasa apat o lima. 

Lumabas kami sa elevator at naglakad sa malawak na hallway. Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng kagamitan ay mamahalin. May malalaking paintings na nakasabit sa dingding at may mga kakaibang disenyo ng vase na nasa table. 

Nasa harap kami ng malaking pintuan at may pinasok na susi ang lalaki. Bumukas ito at bumungad sa akin ang malaking kama. May paintings din ito sa gilid. Ngayon ko lang napansin, halatang mahilig sa paintings ang may-ari. 

"Dito ka muna dahil wala pang sinasabi si sir Uranus kung ano ang gagawin sayo" nakasimangot na sabi ng babae. Kanina ko pa napapansin na ayaw niya sa akin. 

Unang lumabas ang lalaki na nagbukas ng pinto. Agad akong lumapit sa manang na mukhang masungit sa akin.  

"Manang, please po paano po ba makaka alis dito?" Ngayon  pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag tanong. 

"Hindi ba ikaw ang bagong...." hindi pa tapos si manang magsalita dahil bigla akong napatili. Ibig sabihin kukunin na niya ang puri ko. At pagkatapos ay itatapon ako o babayaran ng malaking halaga para tumahimik. 

At dahil sa pag tili ko ay biglang pumasok ang lalaki bumati  kanina. 

"Anong nangyari?"

Umiling si manang  at ako ay hindi na halos makagalaw dahil sa lalim ng iniisip. 

"Lumabas ka muna, may pag uusapan lang kami." 

Tumango ito at sinarado na ang pinto. Bumaling sa akin si manang at mas lalo itong nakasimangot dahil sa hindi nagustuhan ang pag tili ko.

"Bago ka sumama dito ay alam mo na ang pinasok mo" 

Ako naman ang napailing. 

"Manang, nagkakamali po kayo ng iniisip. Hindi po ako isang bayarang babae!" 

Biglang kumunot ang noo ni manang sa sinabi ko, bumuka ang bibig nito na para  mag salita pero napatigil iyon ng bumukas ulit ang pintuan at tumambad ang lalaking kanina ko pa tinatakasan.

"Leave us" halos tumindig ang balahibo ko dahil sa lamig ng boses nito.

Sumulyap sa akin si manang at yumuko ito sa lalaki bago lumabas.

"Anong kailangan mo sa akin?!" panimula ko dahil kinakabahan ako sa tingin niya sa akin. 

Nakahalukipkip itong nakatingin sa akin at para bang ang laki ng kasalanan ko. 

"Wala naman akong ginawang kasalanan sayo ha. Ayaw ko lang makulong kaya ako sumama sayo! Kaya hayaan mo na akong makaalis dito mo. Dahil wala akong pambayad sa hotel na 'to!" sigaw ko ulit dahil bukod sa kinakabahan ako sa gagawin ng lalaking to eh wala din akong pera na pambayad. Na trauma na ako sa nangyari kanina dahil muntink na akong makulong dahil sa   hindi lang ako naka pag bayad ng pamasahe.

"Done?" nakangisi ito na tila nasisiyahan pa na makita siyang na takot. 

"Ano bang balak mo sa akin?!" 

Napatalon ako sa kaba nang bigla itong lumapit sa akin at mariin pa rin ang mga titig. Sa pag atras ko ay nasa likod ko na ang dingding. Kukunin ko na sana vase para itapon sa mukha ng gwapong manyak na 'to.

"Diyan ka lang, huwag kang lalapit o itatapon ko 'to sayo!" hawak ko na ngayon ang vase. Mamahalin pero wala akong pakialam kung mabasag ito. "At hindi ako papayag na maging alipin mo. Anong tingin mo sa akin? Isang babaeng papayag nalang agad sa gusto mo dahil gwapo ka!"

Huminto sa paglalakad ang lalaki  papunta sa akin at na namamangha pa niya akong tinignan na tila hindi makapaniwala sa ginagawa ko. 

"Relax. I'm not going to do anything against your will" nakangising sabi niya sa akin.

"Den staap reyt der, ober der!" 

Mas lalo namamangha na naman siyang tumingin sa akin.  Oo, alam ko kung paano mag salita ng wikang ingles. Kunti nga lang dahil mas gusto ko ang math kesa Ingles pero nakakaintindi kahit papaano. Madalas kasi akong nahihirapan bigkasin minsan ang mga salita.at noon lagi kong naririnig sa isa sa manliligaw ko . "Yow! Wazzup" sabihin ko daw ito pag nag kikita kami ng kaibigan o sa mga taong gusto kong makausap. 

At dahil ayaw ko sa taong kaharap ko kaya hindi ko siya sasabihan ng ganun!

Umupo ito sa right side ng kama na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa akin. Kita ko sa mata niya ang pagod. At mas lalo pa itong nag mukhang kawawa dahil sa mga pasa sa mukha. 

"I need your help. Accept my offer and work with me" 


**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Pervert MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon