"Be my slave".
Parang nawalan ako ng boses sa sinabi niya.
" A-ano? S-slave" nauutal kong sabi pero hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko.
Hindi ko alam pero hindi ko napigilan na tumawa.
"Nag bibiro ka ba? " natatawa kong sabi.
Ehem. Slave as in alipin. Yun kanta ni Shamrock.
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
o yun kanta na alipin ako ni Liezel Garcia.
Alipin ako, na umiibig sa'yo
Bakit 'di magawa na magtampo
Paano ba ito?
Naalala ko hinaharahan ako ng mga manliligaw ko dati ng nasa probinsya pa ako. Na miss ko tuloy ang buhay ko doon. Kung ako ang papipiliin, hindi na ako aalis. Kahit papaano ang laki ng naitulong sa akin ni Tyang kahit na lagi niya ibunton sa akin ang inis at galit niya sa mga magulang ko.
Tumigil na ako sa kakatawa ng mahagip ko ang seryoso ng mukha niya. Ang seryoso ng tingin niya sa akin. Kitang- kita ko ang malaking pasa niya sa gilid ng mukha at ang kunting cut sa bandang kilay nito. Namumula din ang mukha. Aba, mestizo to ha.
"You think I'm kidding?"
"Obvious ba?" nakangiti kong sabi dahil imbes na maawa ako saitsura niya na dahil mukha nito na parang nilagyan ng blush on.
"I'm serious." Mababa ang tono na pag kasabi nito. Nakasandal pa rin siya sa gilid ng wall habang nakalagay ang kamay sa bulsa .Naalala ko iyon sa anime na lagi kong pinapanood. Nakalimutan ko na iyon title. Kung aalis mo iyon pasa niya sa mukha at iyon tingin....
Kung makatingin akala mo. Tusukin ko kaya ang mata nito.
" You don't have choice. " unti unti siyang lumapit sa akin. Hingang malalim Iska. Pero deep inside natatakot ako.
Seryoso nga siya. Kailangan kong makatakas. Ayaw kong makasama ang lalaking to. Tumingin-tingin ako sa paligid baka sakaling may tao. Pero wala. Sobrang tahimik. Mga kotse lang ang nakikita ko.
Panaginip lang to. Kinurot ko ang tagiliran ko pero masakit. Ibig sabihin totoo.
Nag ring ang cellphone ng lalaking nasa harap ko. Hindi ko pa alam ang pangalan niya. Teka paki ko ba. Ang importante makatakas ako. Tahimik kong kinuha ko iyun bag sa likod.
Nakatalikod siya ngayon. Hindi niya ba naisip na pwede akong makatakas. Siguro naman makaka alis na ako dito.
Tumingin ako sa paligid. Ang daming kotse. Mga mayayaman nga naman puro luho. Hindi nila naranasan mag hirap. Kung sana buhay pa ang mga magulang ko.Sabi kasi ni Tyang hindi ko daw totoong magulang ang nakagisnan ko. Namatay si tatay sa aksidente tapos si nanay dahil sa sakit sa puso. Isa kasing bus driver si tatay nang mawalan ng preno at dahil labis na nagdamdam si nanay kaya inatake sa puso.
Kahit hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin ngayon, kailangan ko pa rin makikilala ang tunay kong magulang. Kahit hindi ko alam san o paano ko sila hahanapin. Kahit hindi ko alam ang pangalan o mukha nila, hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa.
Isa lang ang alam ko na paraan para mahanap ko sila.
Mararamdaman mo iyon at ang tawag doon ay '' lukso ng dugo"
At hindi naging Hope ang pangalan ko kung hindi ako naniniwala sa pag asa. Naniniwala ako na lahat ng bagay ay malalagpasan, basta't huwag mawawalan ng pag asa.