Chapter Two

1.2K 17 4
                                        

"Anak ka ng malas naman oh!" Gusto ko ng ilabas ang inis ko. Paano ba naman kasi nahuli ako ng mamang driver. Akala ko makakatakas na ako kung hindi lang sa bata kanina at ngayon papunta kami  sa presinto.  Ang bata-bata ko pa para makulong at wala akong pang piyansa. 

Kailangan kong humanap ng paraan para makatakas.Nasa harapan kami ng minamaneho niyang jeep. Gusto ko ng tumakas. Kung tumalon kaya ako. 

"Huwag mo ng isipin tumakas miss dahil hindi ko hahayaan mangyari iyon. " 

"Manong driver, Maawa na po kayo sa akin, bagong salta lang po ako dito. Magbabayad po ako eh kaso ninakawan pa po ako ng pera. Wala po talaga akong pambayad."

"Hindi mo ako madadala sa arte mo miss. Hindi bagay sayo ang mag artista  eh sa akin bagsak kana!" tumawa ito ng pagkalakas lakas.  

At nang asar pa.Kailangan ko na yatang gamitan ng super powers ko.

 "Nag iisa nalang po ako buhay . Wala na po akong magulang---" 

"Shh. Wala akong pakialam kung wala ka ng magulang. Siguro modus na niyo iyan ganyan istilo." 

Tumigil ang sasakyan at tumigil sa harap ng presintuhan. Kailangan kong tumakas.  Tinanggal ni manong driver ang seatbealt niya. "Baba na" 

 Kailangan makatakas ako. Hahanap lang ako ng tiyempo. 


"Kung nag iisip ka na makakatakas ka, huwag mo nang subukas miss. Hindi na ako bago sa ganito. " 


"Modus po ng babaeng 'to ang hindi mag bayad." 

"Parang treinta pesos lang po eh." bulong ko.

"Nagpapakahirap akong mag trabaho tapos ikaw makikisakay lang sa jeep at hindi magbabayad. Ano ka sineswerte.? Mabuti nalang at nalaman ko  kundi marami ka  ng nabiktima." Lumipat ang tingin nito sa pulis" Mudos ho yata ang ganitong istilo para mag nakaw."

Nagulat ako. 

"Kahit kailan hindi ako nag nakaw.! Ako po ang ninakawan at hindi ko po gawain ang mag nakaw!" halos sumigaw na ako sa loob. Nagtakip ng tenga ang pulis at mamang driver. Ako na nga ang ninakawan , ako pa ang magpagkakalanman na magnanakaw.

"Ilan ba ang kasama mo?" tanong ng pulis.

"Hindi nga po sabi ako magnanakaw. Maawa po kayo sa akin. Ako nalang po ang mag isa. Wala na po akong magulang at bagong salta lang po ako dit. Wala po akong pangpiyansa at mamatay ako sa gutom at mumuluthin ko po kayo. At makokonsensiya po kayo pag nangyari 'yon." diretsong sabi ko kaya napahawak ako sa dibdib at humihingal. 

"Tapos ka ng mag salita Miss? " tanong ng kuyang pulis sa akin. 

Tumango ako.

"Maari ka ng makulong." 

" Kuya!  Ako po talaga ang ninakawan! Maniwala po kayo sa akin" halos lumuhod ako sa harapan nila dahil baka maniwala na sila sa akin. 

"Damn . " 

Napatigil ako sa kasisigaw  at biglang akong napaluhod ng tuluyan sa gulat nang marinig ko ang ingay na nasa kabilang side. 

"Lintek. Nandito na naman."sabi ng kuyang pulis at kumuha ng ballpen. Napatingin ako sa nakabukas na pinto .

"Ba't dito niyo dinala 'yan. ?" tanong ng bagong dating na pulis. Kalbo ito at halos mapunit ang ang suot na uniporme sa laki ng tiyan.

"Ayaw hong pumunta ng ospital. Pag dinala daw po namin siya doon ay mawawalan daw ho tayo ng trabaho." umalis ang pulis sa harap namin at kami nalang ng mamang driver ang naiwan.

 Dumating lang iyon lalaki. Iniwan na  kami dito. Ganyan ba siya ka importante na pati ang mga pulis ay kinakabahan na nandito siya. 

"Dito ka lang. May pipirmahan lang ako. "sabi nun mamang driver.

Sumilip ako. Tamang-tama. Busy silang lahat. Tamang tiyempo 'to. 

Tingin sa kaliwa tapos kanan. Lakad lang Iska.  Hwag mag papahalata. 

Dumaan ako sa isang door tapos rinig ko pa ang usapan nila na pinapagalitan ang lalaking dumating kanina. Pag ako yumaman, hahanapin ko siya at mag papasalamat dahil niligtas niya ako. 

Nag lakad na ako palabas.  Isipin nalang na wala na ako sa loob tapos magugulat sila dahila pag balik nila bigla nalang akong nag laho. 


"Hanapin niyo! Nakatakas ang magnanakaw!" sigaw ng mamang driver mula sa loob 

Hindi na ako pwedeng mahabol tiyak sa kulungan ang bagsak ko. Umaakyat ako sa likod ng sasakyan at nag tago. 

Sisilipin ko sana pero dumapa ulit ako dahil nakita ko ang likod ng mamang driver at ang pulis na nag tanong sa akin kanina. 

Mahigpit kong hinawakan ang sling bag ko at hindi nag tagal ay umandar ang sasakyan. Sa sobrang pagod  ko ay tuluyan na akong nakatulog.

" What the?!" nagising ako ng biglang may sumigaw. 

"Anong ginagawa mo sa likod ng sasakyan ko?!" sigaw ulit nito at agad kong tinakpan ang tenga ko dahil sa lakas ng boses na parang pinag halong kulog at kidlat na sinabayan ng malakas na ulan. 


Iniangat ko ang sarili ko mula sa pagkakada at nakatambad sa akin ang nakakatakot niyang mukha. Mukhang pamilyar siya. 

"Relax dude. Hwag mong idamay ang babae sa init ng ulo mo." 

Nakatulala akong nakatingin sa kanila. Tinignan ko sila mula ulo hanggan paa. Ang gwapo nila. Inosente ang mga mukha kahit nakaramdam ako ng takot lalo na sa lalaking sumigaw sa akin kanina. 

"Paano ba yan. Ikaw ng bahala sa babaeng 'to . May lakad pa ako." Kumindat pa ito sa akin bago umalis. 

Teka . Nasan ba kami? Maraming sasakyan ang nakikita ko tapos.Nahagip ko ng tingin ang lalaki.   Nakasandig sa wall at."HOY. ! Ba't mo ako tinititigan ng ganyan ha?!" Kung makatingin akala mo ..

 Bumababa na ako sa likuran ng kotse niya. Isang pick-up car.

"Ikaw ang babae kanina diba? Kung hindi dahil sa akin .Siguro nakakulong kana ngayon." napalunok ako dahil sa sinabi niya. 

 Ibig sabihin nakita niya ako.

PATAY! 

 Siya iyon lalaking  nanggulo kanina sa presinto. 

May kumuha ito sa bulsa.

CELLPHONE.

"Anong ginagawa mo?"

"Tatawag ng pulis." parang walang sabi nito. 

"Sandali. Hwag naman po." tarantang kong sabi. " Gagawin ko ang lahat . Huwag niyo lang po ako isumbong." 

 Napatigil ang lalaki at ngumisi. 

"Be My Slave." he smirked. 


My Pervert MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon