Prologue ~ Angela Sue

450 6 2
                                    

Dedicated sayo sis :)

First Kim Jaejoong fan fiction ko. Alam mo namang new bias ko siya, right? Yiiie. Kilig ako sa abs niya xD

Prologue

Live your life to the fullest.

Yan ang madalas na sabihin ng mga matatanda sa atin.

Live your life to the fullest…

Paano naman yung mga tao na kahit na kailan ay hindi naman naranasang maging Masaya?

Bakit nga ba nagpapakamatay ang karamihan sa atin? Hindi nila sinunod yung live your life to the fullest.

Lahat ng bagay na gusto mo, gawin mo hangga’t nabubuhay ka.

Paano kung gusto kong pumatay? Pwede ko rin bang gawin yun?

Hindi rin di ba?

Ikaw? Anong pagkakaintindi mo sa live your life to the fullest?

Kagaya rin ba ng sa iba?

Na dapat gawin mo ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo?

Ako? Sa tingin ko tama iyong kasabihan na yun.

Pero hindi naman lahat ng bagay na gusto mo ay kailangan mo nang gawin. May ethics na tinatawag hindi ba?

Kung ano ang nararapat at tama bang gawin na hindi mo ikasisira o maging ng kapwa mo, yun ang dapat mong gawin.

Ang buhay ng tao ay maikli lang. Depende na lang kung paano ka nabuhay.

Nabuhay ka ba ng Masaya at mapagbigay sa kapwa?

O di kaya’y nabuhay ka ng Masaya ngunit naging makasarili at hindi inisip ang kapakanan ng kapwa?

Sinisermunan ba kita?

Hindi rin.

Gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi lahat ng bagay ay pwede mong gawin at makuha.

May mga bagay talaga na para sayo at may mga bagay na kahit anong gawin mo, hindi mapupunta sayo.

Nasa sa’yo na lang kung paano mo tatanggapin.

Gusto kong sumaya.

Paano ako sasaya kung lahat na lang nawawala sa akin?

Ang lahat ng mayroon ako ngayon ay unti-unting naglalaho… nawawala.

Nakakaawa ka.

Yan ang katagang palagi kong naririnig.

Nakakaawa ka.

Masakit sa pandinig. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko.

Lahat ng mahal ko, iniiwan ako.

Lahat ng mayroon ako, inaagaw…

Kawawa nga naman ako hindi ba?

Kailan kaya babait sa akin ang tadhana…?

Babait pa ba kaya?

 ***************

Reposted. Revised version.

Read if you want :)

My Oniichan, My Boyfriend, My Everything [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon