Chapter 1

139 3 0
                                    

Dedicated to sayo beh :)

Naimagine ko yung crush natin hahaha. Tsundere xD

Imagine-in natin si Tacder ang itotroll natin hahaha. Gagawa ako ng scene na ganun xD

Chapter 1

“Ang pogi ni Nikko noh?”

“Oo nga eh! Ang swerte ng magiging girlfriend niyan!”

“Kyaaaa! Ang pogi niya talaga!”

“We love you Nikko!!!!!”

Yan na lang palagi ang naririnig ko. Puro pangalan niya. Puro pagsintang ewan nila.

Hindi sa hater niya ako ah, pero kasi eh. Lahat na lang ng babae sa school namin, may gusto sa kanya.

Ako? Hindi ako nakaligtas sa charm niya.

Siya si Nikko Paolo Soriano. Transferee. Pogi. Varsity player. Magaling magbasketball. Matalino.

Sa lahat ng characteristic na binanggit ko, ni isa dun wala akong nagustuhan.

Isa lang ang dahilan kung bakit gusto ko siya.

Masungit.

Mahilig ako sa mga taong Tsundere. Yung tipo ng lalaki na masungit at masama tignan pero mabait naman sa kaloob-looban.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga tipo ko.

Well, kanya-kanyang type lang naman yan hindi ba?

Nakapangalumbaba lang ako nang pumasok si Nikko sa classroom namin.

Oo, classmates kami pero never pa kami nag-usap. Shy type ako eh. Hindi naman ako katulad ng ibang babae diyan na masyadong FC (Feeling Close) at kung makalandi kay Nikko, lantaran.

May hindi pa pala ako nasasabi, hindi lang kami classmates kundi seatmates pa.

2nd year college na kami at kakatransfer lang ni Nikko kasama ang kabarkada niyang si Noe sa school namin nitong june lang.

2 months palang sila dito pero kung makaani ng fans, grabe lang. Instant celebrity ang peg nila.

Naramdaman kong umupo na si Nikko sa armchair niya.

Tutal wala pa namang teacher, nakinig na lang muna ako ng music sa cellphone ko.

Nakashuffle naman kaya ayos lang din sa akin.

Busy ako sa pakikinig nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin.

Tiningnan ko naman kung sino at si Nikko ang nalingunan ko. Sumesenyas siya sa akin pero hindi ko naman maintindihan. Napilitan tuloy akong tanggalin ang earphone ko.

“Ano?” tanong ko sa kanya na may kasama pang irap. Sorry Nikko, bv lang ako sayo ngayon. Masyado ka kasing dinikitan ng mga hitad na babaeng kung makalingkis sayo eh para silang ahas na handa ka nang tuklawin.

Nagseselos lang ako.

Inirapan niya rin ako. Kyaaa~ Ang pogi niya talaga kapag ginagawa niya yan.

“Masyadong malakas yang music mo. Bingi ka ba? Nakatodo na yung volume niyan, hindi ka pa nakuntento.” Sagot niya sa akin.

Sorry naman kung malakas. Pero hindi ako magsosorry sa kanya. Ayoko nga. Kahit pa crush ko siya, ayoko pa rin. Hindi ko ibababa ang pride ko para sa kanya.

My Oniichan, My Boyfriend, My Everything [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon