chapter 6: stalker mode

6 0 0
                                    

Habang nakain ng magisa sa Siomai Hauz ay hindi nya maiwasang tumingin ni Ethan sa glass wall na makikita ang kalsada kung saan dumadaan si Yvon pauwi.

*kriiiiing kriiiing *

“oy pre napatawag ka?”

[may problema ba kayo ni Yvon?]

“huh? a-ano wala naman ba’t mo natanong?”

[pre magkaibigan tayo, kilala kita. ano sayo si Yvon?]

“k-kaibigan. pre ano pinagtatatanong mo? Naka-chongke ka?”

[loko, patay ka sakin. San ka?]

“Siomai Hauz. Wala ako kasama”

[sige. 5 minutes pre andyan na ako]

Hindi mapakali sa kakaisip si Ethan habang pasilip-silip sa kalsada. Ano ba takbo ng utak ni Ethan? eto

“ano sayo si Yvon?"

“ano sayo si Yvon?"

“ano sayo si Yvon?"

“ano sayo si Yvon?"

MAHAL KO SYA.

Shet isa pa iuuntog ko na ulo ko. ba't ganun yung tanong nya? may alam ba sya?

“ano sayo si Yvon?"

Mukhang syang tanga na paikot-ikot sa upuan. Napaorder tuloy siya ng kape sa kabilang store at bumalik ulit sa Siomai Hauz dahil baka nandoon na ang kausap at hindi nga sya nagkamali dahil nandon na nga ito.

“oy Keith pre kanina ka pa? bumili lang ako ng kape sa kabila.”

“hindi kakadating ko lang, hapon palang nagkakape ka na? tumatanda ka na ba? haha”

“gagi hindi ah haha”

“oh eto napulot ko!”

He got shocked seeing his personal note is on the hand of others. He got more anxious thinking if his friend knew what’s inside of it. SHET this can’t be, I thrown it already.

“hoy chillax pre! Alam ko na laman ng notebook na to. Kala ko nga bakla ka eh hahaha. Puro kasi love letter pero para kay Yvon. Ang-ganda din ng pagkaka-drawing mo sakanya parang totoo ---- HOY magsalita ka wag mo ko tinggnan.”

“san mo nakuha yan?”

“dun sa garden. Ayaw mo tanggapin? Osige kay Yvon ko nalang ibibigay”

Akmang tatayo na ito nang pigilan sya ni Ethan. Sino nga ba naman ipapaubayang ibigay ang kanyang pinaka-sikretong bagay sa pinagsesekretohan nito?. Inagaw nya ang notebook at mabilis na itinago sa bag.

“grabe ka magsikreto pre, kalian pa yan?

“since bata pa kami” he’s looking outside and sipped his breud coffee after he answered his question.

“isang tanong isang sagot pre. Mahal mo ba si Yvon?”

“sinagot kana ng notebook ko”

“guto ko sayo manggaling”

“Oo mahal ko sya.. mahal na mahal. Pwede ba wag ka na maingay”

“tsss !!! binata na si tan-tan hahaha”

“gago ! wag ka nalang muna maingay. Pwede ba?”

“bakit ayaw mo sabihin?”

“ayoko layuan nya ako. Kaibigan lang turing nya sakin eh”

“talaga? Bakit hindi mo subukang mag-tapat para malaman mo talaga kung ano ka sakanya”

“sa susunod na pre!”

Parehas silang tahimik habang mahahalatang nag-iisip si Ethan ng malalim. Umorder na din si Keith ng makakain para masamahan pa ng matagal ang kaibigan. Parehas silang nakatingin sa kalsada nang may nakita si keith na pamilya na taong naglalakad

“Ethan si Yvon yun diba?”

“s-saan?”

“ayun oh”

 Tinuro nito kung nasaan ang dalaga. Napangiti siya kasi ngayon nya lang ulit ito nakita para sa buong maghapon.

“parang bata si Yvon, may nakataling lobo sa palapulsuhan? Anubayan. ---- huy nakangiti ka dyan? Nagdug dug dug dug nanaman yang heart mo. Uuuuuy inlove sya”

“hahaha bakla ka ba? May dug dug ka pa nalalaman. Ewan ko sayo”

“ewan ko din sayo. Una na ako pre baka hinahanap na ako sa bahay eh”

Naiwan si Ethan na nakangiti. OPO! Mukha syang tanga dun kahit wala na sa paningin nya si Yvon. Eh ikaw ba naman Makita yung taong nag-papa-dug-dug ng tiny heart mo. Ngiting wagas!

Ang sabi ni keith uuwi na sya. Pero ang totoo nagpaka-stalker sya sa hapong iyon.

Priceless (short story) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon