Nc17: TriggER
Bagong araw. Bagong hangin. Bagong kadiliman...
These are the three ironic phrase na maaring mai-describe this solitude day. Lahat kami ay nagpapahinga at abala sa pag-rerepair ng ship.
Wow. Parang ibang-iba ngayon ang istilo ng pamamalakad sa bayan. Pakiramdam ko lang naman.
"Guys, tapos ba kayo sa repair?" ani ko habang naglalakad papalapit sa kanila.
"Haist naman, Misa. Kaonting push namin at maayos na ito," sagot ni Inko at nagpeace sign siya.
"Huwag ka nang mainip, Misa," singit pa ni Shu.
Napabuntong-hininga na lamang ako. "Hostis humani generis."
"Eh, huwag ka ngang manakot diyan, Misa. Wala naman tayong kasalanan, di ba?" sambit ni Yiina na naghyhysterical. Lumapit na rin ako sa kaniya.
Tinapik ko ang balikat niya at ningitian.
"Huwag kang mag-alala. Imposibleng mangyari iyun." Sinungaling. Alam mong imposible yang sinasabi mo sa kanila, Misa.
Mga bandang tanghali na pero hindi pa rin natapos ang mga repairs ng ship. Napagdesisyon namin na dalawa sa amin ang maghahanap ng mga supplies.
Salamat talaga at nagdala ng pera ag bawat isa perp hindi kami sigurado kung sasapat ba iyun para sa amin, lalo na at malayo ang kailangan namin marating.
Si Yiina at si Gray ang napagdesisyunan na gawin iyun.
Pero bago pa namin magawa iyun, may narinig kaming paparating.
Hindi isa, o dalawa. Marami, at nakarinig din kami ng mga ingay na katulad sa... Kabayo?
Hinanda namin ang aming sarili at armas na mayroon kami.
"So, kayo ang gumawa ng ingay kaninang madaling araw? What a bunch of pathetic kids," bungad ng bagong dating na nakasakay sa kabayo. Sa tansiya ko, siya ang pinuno ng grupong ito.
Nagpanting ang tainga ni Yoshua at Inko at pasugod na sa mga bagong dating pero napigilan sila nung tatlo.
BINABASA MO ANG
GuiltyHack [Soon]
Science Fiction|| Stand alone Novel || ======= Are you ready? Then, may the best soul wins...