BreakOUT: VirUS
"District Leid, Burado na sa Mapa"
Iyan ang headline na makikita sa mga diyaro ngayon. Nagngingitngit sa galit si Denmark ngunit alam niyang wala siyang magagawa pa. Marami na kasi ang nagbago.
Ang babaeng iyon, talaga. Laging na lang nagpapa-apekto. Sa bagay, siya ay walang iba kungdi si ate Denmark.
Bumaba na rin ako mula sa kwarto ko at nagsimula nang magluto para sa araw. Hinanda ko na ang lamesa para sa kaniya.
Buti na lang at nakapag – ayos na ako ng sarili para makapasok ng paaralan.
"Aba, aba. Misa. Iiwan mo ako ganon, ganon!? Ganyananan na mata - " biglang sigaw niya.
"Iligpit mo na lang ate yang pinagkainan mo bago ka umalis total late ka na sa trabaho. Oh pakisabi rin sa kaibigan mong si CAptainHiroshi na ayusin naman ang television at computer set natin. Sira na naman eh," bilin ko na lang kay Ate Denmark bago umalis ng bahay.
Bago pa magwawala iyon ay sinaraduhan ko na nang pinto.
Napabuntong – hininga na lang ako bago ako nagsimulang maglakad. Si ate talaga kahit kalian, hindi na nagbago eh samantalang 7 years ang tanda niya sa akin.
Grabe, andaming pagbabagong nangyari sa mundo – well sabi sa libro. Sabi din nila ate, iba daw ang Pilipinas noon.
Oo, magulo daw ito pero kahit papaano may kalayaan ang mga Pilipino noon na tinatamasa.
Sa mga history books, ang populasyon ay umabot ng halos 98 milyon. Grabe, ang daming tao noon. Mayroon ding 81 provinces at 250 districts noon samantalang wawalo lang ngayon. Pero dahil binura at tinanggal na sa mapa ang District Leid, pito na lang all in all.
"Hoy, Misa Hyenna Écrivaillon!!! Huwag mo naman kami iwan oh!" sigaw ni Inko. Hay, isa pa ito.
"Mukha ba akong maglalayas?" tanong ko sa kaniya nang siya ay nakalapit sa akin.
Sabay na kaming tumatawid ngayon habang nasa kabilang gilid ko si Gray na busy sa pag – myndpod. (iPod sa kapanahunan ni Pres. Benigno Aquino and this gadget is somewhat more sophisticated.)
BINABASA MO ANG
GuiltyHack [Soon]
Fiksi Ilmiah|| Stand alone Novel || ======= Are you ready? Then, may the best soul wins...