HEAVEN
Isinulat Ni: Mervin Canta
INTRODUCTION
…………………
Sabi ng iba, kapag umibig ka ibibigay mo ang lahat, pati nga ang mundo para lang sa kanya, lahat lahat ng mga bagay na ikakabuti nya gagawin mo kahit na sobrang nahihirapan ka, paano kung lahat nabigay mo na pero hindi parin sya satisfied dito? Would you stay and fight for your love to him/her or you should give up and let him/her realized that what he/she did was so wrong.
………………..
hinila ng isang lalake ang kamay ko, at dahil dito napalingon ako, saka naman mabilis na dumapo sa pisngi ko ang malaking kamao nito, napatumba ako dahil sa sobrang lakas ng pagkasapak nito sa akin, pinilit kong tumayo pero bigla silang dumami, at agad akong pinagsusuntok sa bawat parte ng katawan ko, hindi na nga ako makahinga ng may isang pamilyar na mukha ang lumapit sa akin na sobrang galit na galit ang mukha nito, may inilabas sya sa kanyang gilid isang patalim iyon lumapit ito sa akin at walang awa akong pinagsasaksak sa akin katawan, pinigilan pa sya ng isang kasama nya pero para syang kinapitan ng demonyo at walang tigil nya akong pinagsasaksak, hanggang sa kumalat na ang dugo sa katawan nya, natigilan lang sya noong may isang taong sumigaw at pumigil sa kanya, napalingon ito saka lumapit ito sa akin, niyakap nya ako, tumingin sya sa mga mata ko,
“Sorry!, Sorry Seven, hindi kita pinaniwalaan, Sorry I wasn’t there to Protect you Sorry talaga patawarin mo ako”
She started crying at that time when she tightly hugged me na para bang ayaw na nyang mawala ako sa piling nya
Pero nalalabo na ang paningin ko ng mga oras na iyon, kasabay ng pagluha ni Heart ay syang pagbagsak ng ulan ng oras na iyon.
“gumising ka Seven, Hindi ka pwede mamatay”
Hindi na kinaya ng katawan ko ang dami ng saksak na natamo ko ng mga oras na iyon
“Don’t blame yourself Heart, ginawa ko ito dahil mahal kita, at sana ngayon nakikita mo na mahal na mahal talaga kita”
Biglang huminto ang tibok ng puso ko at kasabay nito ang syang pag-pikit ng mata ko.
……………………………….
Ako nga pala si Seven, Seventino Delos Santos III, nakakahiya talaga ang pangalan ko, hindi dahil sa numero ito kundi dahil sa walang ibang maisip ang mga magulang ko kundi isunod ang pangalan ko sa pangalan ng lolo ko, grrrr.
Seventeen Years old, 4th year Student, katatatransfer ko palang ngayon, as in ngayon araw sa Johnson Academy, my Girlfriend ako, ay sorry Ex- Girlfriend na pala, she’s Justin, Justin Lara Pascual maganda sya, matalino, at higit sa lahat mahal na mahal ko pero dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, na halos ibigay ko na sa kanya ang lahat ay iniwan nya ako, nasasakal na raw sya sa mga pinag-gagawa ko, yun pala ginawa nya lang dahilan iyon dahil sa may iba na syang mahal at hindi na ako isang lalakeng basugalero, isang Gangster, shit pinagpalit ako ni justin sa isang taong walang kinabukasan, nakakainis sya pero dahil sa sobrang mahal na mahal ko parin sya ay nagawa kong lumipat sa JOHNSONACADEMY para lang maibalik sya sa akin at magkabalikan kaming dalawa, dahil magpahanggan ngayon ay mahal na mahal ko parin sya.
SEVENTINO DELOS SANTOS III
ALL RIGHTS RESERVED 2013
COPYRIGHT BY © MERVIN CANTA
...............................
HEAVEN FANPAGE JUST CLICK THE EXTERNAL LINK
xoxo
wackymervin
BINABASA MO ANG
Heaven
Teen FictionAng plano ni Seven na pumasok sa johnson Academy ay para maibalik ang kanyang Ex-Girlfriend sa piling nito. Pero ang kanyang plano ay biglang nagbago noong nakilala nya at nakipag-suduan sya sa isang babaeng nag-ngangalang Heart na kung saan ay katu...