EPILOGUE

1.6K 41 53
                                    

Epilogue

Playing (Tonight you Belong to me) from the Jerk Movie.

I know you belong to somebody new, but tonight you belong to me

Halos isang buwan na ang nakakalipag pero hindi parin nagigising si Seven. Oo nakaligtas si Seven sa halos 34 saksak sa katawan nito. At may iba pang mga parte ng kanyang katawan na nabali dahil sa sobrang paghampas, pero dahil narin sa makabagong pamamaraan sa Siyensiya ay nagawan ng paraan yung mga nabaling parte sa katawan ni Seven at naisaayos ito kahit na, hindi pa nga rin ito nagigising. Ang tapang ni Seven, yung ang masasabi ko. Kahit na wala siyang ginawa upang iligtas nito ang sarili nito ay proud ako sa ginawa niya. Hindi siya lumaban dahil sa galit niya kundi dahil sa inaalala niya ako ng minutong iyon.

Katatapos lang ng Graduation namin ngayon at hindi ko maiwasang maging malungkot dahil sa hindi ko kasama si Seven, sa pagtanggap ko ng Salutatorian Award, sa aming paaralan. Oo si Seven ang tinanghal na Valedictorian. First time ito n mangyari sa Johnson Academy. Isang Transferee ang siyang hinirang na Valedictorian. Iba talaga ang kagalingan ni Seven. Bilang isang Estudyante ay proud ako sa kanya, sa narating niya at sana nararamdaman niya kung gaano ko na siya namimiss ngayon.

Hawak-hawak ko yung kamay ni Seven habang hinihimas ito sa aking mukha. Nagbalik tanaw ako sa mga masasayang nangyari sa buhay naming dalawa ni Seven. Una palang, ako na din ang dahilan kung bakit siya nasugatan dahil sa aksidenteng pagkatama sa kanya ng kutsilyon dala ng isa kong kaaway sa aming paaralan. Saka ko siya naging ka-close, nalaman ko na Ex pala niya si Justin at doon na kami nagplano na tulungan ang isa't isa para maibalik ang aming mga mahal na kasintahan.

Pero lumipas ang mga araw lagi-lagi na kaming magkasama ni Seven. Saka ko siya natutunang mahalin. Hindi na ako pinahahalagahan ni Bryan. Doon pumasok yung pagtingin ko kay Seven at ganun din naman siya sa akin.

Yung pagiging mainiting ng ulo niya. Yung mga oras na nag-aasaran kaming dalawa. Yung pangungulit ko sa kaniya na siyang kinaiirita niya sa akin. Yung gabi na magkatabi kami sa pagtulog. Noong sinamahan niya ako noong kelangan ko ng isang taong makakaintindi sa akin. Yung laging nandiyan. Yung handang makinig.

Yung handang mag-mahal. Pero ano itong ginawa ko? Bigla ko nalang siyang binalewala? Ni hindi ko pinakikinggan yung gusto niyang sabihin o paliwanag sa akin. Kaagad akong nagconclude. Ang sama-sama ko.

Lumapit yung mommy ni Seven sa akin. Pinusan ko yung Luha ko't inayos ang sarili ko. Muli kong niyakap ang mommy ni Seven. Saka ito bumulong sa aking tenga.

"Maniwala lang tayo sa kanya. Darating din ang oras na tatayo siya diyan sa higaan na iyan at makikipag-kulitan siyang muli sa iyo" hinarap na nito yung mukha niya sa akin at saka pinunasan yung mga natira pa palang mga luha sa mukha ko.

"Alam mo? Yang si Seven? Minsan ka nang nakwento sa akin niyang noon" panimula pa ng mommy ni Seven.

"Ma! There's Annoying Girl sa school, na sobrang nakakairita. God ang ingay niya, nakakarindi yung boses niya, rinig buong campus! Ganun siya kaingay ma!" masayang pagkwekwento pa ni Tita habang hinahaplos yung buhok ni Seven.

"Gag* talaga itong si Seven. Ahha" tumawa narin ako.

"Pero I told him that, kahit na sobrang ingay, nakakairita, nakakaputok ng litid, nakakainis. Naniniwala ako na yang taong yan ay magiging Kaibigan mo. Or baka maging Girlfriend mo, hindi nga ako nangkamali" nakangiting sabi ni Tita. Biglang namula ang mukha ko't nag-init bigla ang buo kong katawan.

"He loves you so much Heart and I know that he really does!"

Alam ko naman na mahal ako ni Seven. pero noong lumabas ito sa bibig ni tita, sa nanay mismo ng taong mahal ko ay iba pala ang impact! Sobrang sincere.

HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon